Chapter 3

71 5 0
                                    

"Okay class. Please prepare your assignment,"

Dahil nga nag umpisa na ang totoong klase syempre, may assignment na. Dahil ang ibang mga kaklase ko ay tinatamad pa ay wala silang na-prepare na assignment at nang malaman ng teacher ko na ang iba ay walang assignment ay syempre, mananalangin na kami. Nagsimula na kaming magdasal.

Kasi naman, nangra-ratrat na ng mga salita ang teacher namin na kesyo;

"Unang araw na unang araw mga wala kayong assignment. Ano na lang ang ginawa niyo? Tinatamad ba kayo? Dahil first quarter ay dapat ipakita niyong nagpupursigi kayo sa pag-aaral niyo,"

"Pano na lang ang isinasakripisyo ng inyong mga magulang para makapag-aral kayo dito? Tapos ang ibinabalik niyo sa kanila ay ang pasang-awa na mga grades niyo sa card!"

Nakakabingi noh? But truth be told. Kahit nakakasawa at nakakabinging tignan, totoo parin ang lahat ng iyan dahil ang karamihan sa estudyante ngayon ay puro pangchi-chixx ang inaatupag, paghahanap ng jowa, make-up, pagkikilay, cellphone, at social media. Kakaunti na lang ang reputasyon ng estudyante na tunay na estudyante talaga.

Buti na lang talaga at may assignment ako. Sinabi ni ma'am kanina na yung mga walang assignment daw ay 70 sa quiz and recitation. Oh diba agad agad?  At dahil isa ako sa mga na-notice ni maam na gumawa ng assignment ay tinawag niya ako at sinabing gawin ang isa sa assignment sa board.

Syempre hindi nako pumalag at tahimik akong naglakad sa harap saka sinulat ang assignment. Nung nag-check ay syempre naman may 1 mistake ako. Nagkamali pala kasi ako ng kinopya ng isang number. But it's okay.

After naming mag-check ng assignment ay lesson naman agad kaya naman lahat kami ay dismayado ang mukha. Patayan ang utak ba.

Habang nagle-lesson si ma'am ay may nalanghap akong napakabangong amoy sa pang-amoy ko. Alam niyo yung sa commercial yung sa Hansel yung susundan yung amoy kahit napaka-exagerrated nang pagkakagawa nun? Ayun ganun na ganun ako. Kunwareng may visible smell akong nakikita saka ko pa nilalanghap-langhap iyon at sinundan ang amoy hanggang sa tumama ang mga mata ko sa isang tao.

Nakita ko ang class president namin, si Hades na nagpapabango ng Axe. Tinago niya na ito at humarap sa board. Habang inaayos niya ang pagkakaupo niya ay napatingin siya sakin. Umiwas na lang ako ng tingin dahil baka magtaka pa siya kung bakit ako nakatingin sa kanya. That'll be so awkward.

One time, naguusap kami ng isa kong kaibigan sa classroom. Si Psyche Valor. Girlalu 'yan fyi. Wala. Syempre ka-random-an lang. Nang bigla niyang masabi ang isang topic na alam kong common at patok sa lahat.

"Kanino ka naa-attract dito sa classroom?"

"Luh? Gago."

Oh diba? Yan yung mga patok na topic ng mga estudyante sa kanilang mga kaibigan. Di ko alam kung bakit eh. Puro lovelife iniisip hindi pag-aaral.

"Ano ba? Sino nga? Satin lang dalawa 'to!"

Yung mga katagang 'yan. Wag magtitiwala sa mga katagang nagsasabi ng ganyan kasi kahit na sinasabi nila 'yan, nakuuu. Di mapipigilan ang pagbuka ng bunganga yan at agad sasabihin sa mga kaibigan mo.

Pero dahil kilala ko 'tong kaibigan ko na kausap ko ngayon ay alam kong hindi niya ito sasabihin. I trust her well enough.

At dahil sa sinabi niya, agad akong naggala sa classroom para makahanap kung sino ang natitipuhan ko dito sa classroom. Kunyare meron akong natitipuhan pero ang totoo ay ka-kemehan lang kung sino man ang babanggitin ko.

Tinignan ko ang tropa kong lalaki na si Jhaziel James. Siya yung nanghingi ng axe sakin. Nakita kong naglalaro siya sa cellphone niya kasama ang mga ka-tropa niya ding mga lalaki. Nang matalo siya ay agad siyang sumigaw at pinagmumura ang mga kasama niya. Gwapo siya. May utak. Payat. Mukhang kalansay. Wow nahiya naman ako sa sarili ko HAHAHA! At tiyaka tropa kami, di kami nagkakatalunan and it's one of the rules.

axeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon