Tatlong araw walang tubig kaya tatlong araw din akong hindi pumasok. Aba syempre mamamaho ako gagu.
Sa ngayon, andito nako sa classroom at nakaupo. Kumokopya ako ng assignment sa math sa isa kong classmate kasi nag-lesson daw sila kahapon kaya eto, kopya kopya hehe.
"Uy Triple A,"
Rinig kong may tumawag sakin. Tumingin ako at nakita ko yung classmate kong babae na si Ysa.
"Ano?"
Sabi ko at nagpatuloy sa pagkopya ng assignment.
"Gaga ka wag ka nang kumopya ng assignment,"
"Ha? Bat naman?"
Di rin kasi pumasok 'to si gaga eh. So wala siyang assignment pag wala din akong assignment kasi ganun kami kopyahan HAHAHAHA pake mo ba?
"Tanga tatawagin ka ni maam niyan tapos ie-explain mo 'yan sa harap,"
Napatigil naman ako sa paggawa ng assignment at napaisip sa sinabi niya.
"Weh? Ulol wala ka lang assignment eh. Ay nako dai kung ako sayo kumopya ka na din,"
Sabi ko at nagpatuloy sa pagsulat.
"Hala! Gaga talaga! Sige bahala ka pag tinawag ka ni maam!"
"Sayang points day!"
"Bahala ka mag-explain niyan sa harap gaga ka,"
Napadabog na lang ako sa upuan ko dahil kinokonsensya ako nitong babaita na 'to. Letse talaga.
"Oo na di nako gagawa! Bwisit 'to."
Sabi ko at tumayo para ibalik sa classmate ko ang papel niya na may sagot. Napatingin naman ako sa pinto ng pumasok si president namin.
Nagpasalamat naman ako sa classmate ko dahil pinakopya niya 'ko. Bumalik ako sa upuan ko at pinasok sa bag yung papel na ginamit ko.
Maya maya ay naramdaman akong may humawak sa balikat ko kaya napatingin ako. Walang emosyon naman akong tumingin sa kung sino man ang humawak sakin at medyo nagulat nang makita ko kung sino ito.
"Uy Axe may assignment ka?"
Sabi ni Hades sa harap ko. Ang ipinagtataka ko lang ay ang lapit ng mukha niya sakin? Respeto naman ples? Siguro mga 3 seconds bago ako sumagot sa tanong niya.
"Meron. Saglit lang."
Sabi ko at tinalikuran siya para kunin ang papel ko sa bag. Binigay ko naman ito sa kanya.
"Oh ayan hanggang number 2 lang. Buti diko pa sinusulatan ng pangalan ko 'yan,"
"Thank you!"
Sabi niya at umalis sa harap ko.
OMAIGHAD HSHSHSHSHSHS?!?!
Buti talaga magaling ako magtago ng emosyon ko kung hindi nagtatatalon ako dito hihi. Mga bes kinikilig ako.
OO! CRUSH KO SI PRESIDENT NAMIN LIKE OMAIGHAD?!
Habang nagde-daydream ako dito ay bigla namang dumating na si ma'am kaya umayos nako ng upo. Katabi ko pala si Ysa. Palipat-lipat kami ng upuan eh pero hindi naman nahahalata ni ma'am hehe.
So ayun, nag-lesson siya. Na-gets ko naman yung lesson niya kaya nakakasagot ako at nagka-points ako kay ma'am.
Nang magpa-seatwork si ma'am ay tumabi ako kay Psyche dahil nasa unahan siya nakaupo. Hindi ko makita bes malabo mata ko sa likod ako nakaupo eh.
"Ay gurl. Ano pala yung sasabihin mo sakin?"
Sabi niya kaya napatigil ako sa pagsulat.
"Mamayang recess,"
BINABASA MO ANG
axe
ChickLit[✔️] Nang dahil sa AXE Chocolate, magustuhan niya kaya siya? S: 012018 | P: 012018 | E: 060918 2018 | aatroxvl ʕ'•ᴥ•'ʔ