vi

1K 24 3
                                    

Mahal

Mahal, naalala mo pa ba?
Noong una tayong nagkita.
Wala tayong pakialam sa isa't-isa.
May sari-sariling mundo, ika nga.

Mahal, naalala mo pa ba?
Noong una tayong nagkakilala.
Wala man lang akong ideya,
Na ika'y iibigin nang sobra.

Mahal, naalala mo pa ba?
Noong kinausap kita?
Tayo'y nagkatabi,
At 'di na nawala ang ngiti sa aking labi.

Mahal, naalala mo pa ba?
Noong tayo'y kinakantsawan ng ating mga kaibigan,
Dapat ko ata silang pasalamatan,
Dahil doon nagsimula ang ating pag-iibigan.

Mahal, naalala mo pa ba?
Noong ako'y umamin sayo.
At naalala mo pa ba?
Ang litratong ibinigay ko.

Mahal, naalala mo pa ba?
Noong minsa'y tayo'y mag-away,
Ayoko na maalala,
Dahil ito'y nauwi sa hiwalay.

Mahal, naalala mo pa ba?
Noong ako'y umibig ng iba,
Noong panahong nawala ka bigla.
Nais kong humingi ng tawad sa pagkakamaling nagawa.

Mahal, naalala mo pa ba?
Noong panahong nasasaktan ka,
Tuwing inaaway kita.
Patawad sa pagiging isip-bata.

Mahal, naalala mo pa ba?
Noong tayo'y nagkaayos na.
Gumaan ang pakiramdam.
At nabalik ang samahan.

Mahal, naalala mo pa ba?
Noong tayo'y nagkabalikan na.
Isip ko'y sobrang saya,
Puso ko'y lumuluha sa tuwa.

Mahal, maalala mo sana,
Lahat ng ating pinagdaanan.
Mahal, huwag mong kalimutan,
Ang ating pagmamahalaan.

Poetry Is ScaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon