xviii

628 11 0
                                    

Nagbago Na

Hindi na makausap nang matino,
Tuwing tinatanong ay hindi na makakibo,
Hindi na nakikinig sa anumang sabihin,
Tuwing pinapakilig ay hindi na makatingin,
Hindi na makangiti tuwing pinapasaya,
Tuwing niyayakap ay hindi na makadama.

Maaaring sa ngayon ako ang iyong kasama,
Subalit pagtingin mo nama'y wala na.
Maaaring sa ngayon ay nahahagkan nga kita,
Subalit puso mo nama'y hawak ng iba.
Maaaring sa ngayon ako'y pinili pa,
Subalit pagmamahal mo nama'y ubos na.

Pansin kong biglaan kang nagbago,
Napapatanong nalang kung sino ang bago?
Pansin kong bigaan kang nag-iba,
Napapatanong nalang kung bakit naghanap ng iba?
Pansin kong biglaan kang nawala,
Napapatanong nalang kung saan ka nagpunta?

Sino nang magpapatawa sayo sa tuwing ika'y nakabusagot?
Kaninong kamay ang pupunas ng luha mo tuwing ika'y nalulungkot?
Sino nang sasama sa'yo sa tuwing ika'y mananatili sa isang sulok?
Kaninong balikat ang sasandalan tuwing ika'y magmumukmok?
Sino nang magmamahal sa'yo sa tuwing hindi mo magawang mahalin ang sarili mo?
Kaninong bisig ang sasalo sayo tuwing matutumba ka sa dami ng problema mo?

Masakit mang isiping wala na talaga,
Tatanggapin nalang nang walang inaalala.
Masakit mang malamang hindi na babalik pa,
Tatanggapin nalang nang hindi manggugulo pa.
Masakit mang pakawalan lahat ng alaala,
Tatanggapin nalang nang hindi makakasagabal pa.

Magiging maayos din ako,
Hindi man ngayon ay baka sa darating na linggo,
Magiging okay din ako,
Hindi man ganon kadali ay baka makalimut din ako.
Magiging masaya din ako,
Hindi man para sa sarili ko ay baka para sainyo.

Salamat sa mga alaalang mananatili saaking isipan,
Patawad sa pagkakamaling nagawa sa tagal ng pinagsamahan.
Salamat sa pagkakaibigang sana'y hindi matapos,
Patawad sa mga kasalanang hindi naayos.
Salamat sa pag-ibig na siyang iyong binigay ng buong puso,
Patawad kung hindi pa sapat ang sakripisyong binigay para saiyo.

-

Nagbago na ang lahat sa'yo.

Poetry Is ScaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon