Panimula.
Paano ko nga ba sisimulan - simulan ang una sa pangalawang pagkakataong binigay saatin ng mapaglarong tadhana?
Saan nga ba tayo nagsimula ulit?
Sa araw-araw bang pang-iinis mo saakin? Sa araw-araw mong pang-aasar mo saakin? Sa araw-araw na pagpapansin? Sa araw-araw na pagpapatahimik ko sa'yo? Sa araw-araw na puno ng pagkapikon ko sa'yo? Sa araw-araw na pananakit ko sa'yo?
Siguro sa lahat ng 'yun nagsimula at 'di ko napansin, ako'y muling nahulog na pala.
Napili kong simulan ang sulating ito at simulan ang una sa pangalawang pagkakataon - pagkakataong binigay saatin ng mapaglaro tadhana para ipamalas ang pag-ibig na ma'y panimula subalit walang katapusan.
Saan nga ba tayo nagsimula?
Nagsimula ba tayong magkaibigan at wala pang nararamdaman o baka naman sadyang hindi pa natin alam na tayo'y may tinatagong nadarama lamang?
Siguro nga pilit kong tinatanggi na ako'y nahulog na dahil sa pang-aasar nitong aking mga katabi.
"Ikaw parin pala ang hanap-hanap," kanta ng mga kaibigan mo. Naalala ko'y minsa'y napikon pa ako. Napikon nga ba ako o sadyang alam ko lang na t iyon ang totoo?
Ano bang nangyayari sa akin? Bakit parang 'di ko napapansin? O sadyang nabulag lang sa pagmamahal sa isang taong hindi para saakin?
Siguro nga, oo. Dahil habang tayo'y nagkahiwalay, pinagtuunan ko ang mga taong inaakala ko'y kayang akong pasayahin. Kaya siguro dalawa pa lamang ang sineseryoso ko dahil kulong padin ang totoong pagmamahal ko sa'yo.
Kaya minsan napapatanong ako sa sarili ko, nawala nga ba ang pagmamahal ko sa'yo?
Nagsimula nga ba tayo ulit?
O pinagpatuloy lang natin ang naputol na pagmamahal natin?
Minsan na tayong natapos. Minsan na tayong nagkahiwalay.
Sinta, ayoko nang maulit na mawala saakin ang aking pinakamamahal.
-
Past. Nawala pa rin, iniwan ko eh.
BINABASA MO ANG
Poetry Is Scary
PoetryPoetry is Scary [Previously: A Piece Of Poetry] ▪ A work of art and literature. A compilation of poems, one-shot and short stories. ▪ Read my thoughts, Hear my words, See my soul. ▪ [FIL | ENG]