Kasalanan Ba?
Kasalanan bang mahumaling sa napakagandang nilalang na tulad mo?
Kasalanan bang pilitin kang mapasaakin kahit na may nagmamay-ari na ng puso mo?
Kasalanan bang mahulog ang loob ko sa atensyong binibigay mo?
Kasalanan bang hinihiling kong maging bahagi nang napakalaking mundo mo?Kasalanan bang matulala sa tuwing ika'y nakikita?
Kasalanan bang nauutal sa tuwing ika'y kausap na?
Kasalanan bang mapatingin sa tuwing ika'y darating?
Kasalanan bang mapangiti sa tuwing ika'y ngumingiti?Kasalanan ko bang nabighani ang aking puso?
Kasalanan mo bang ginising mo ang nananahimik kong puso?
Kasalanan ko bang ibigin ka nang buong-puso?
Kasalanan mo bang hindi mo masuklian ang munting nadarama ng aking puso?Kung ito man ay kasalanan ko aba patawarin niyo ako,
Hindi ko naman sinasadyang magkamali at mahalin ang isang tao higit pa sa sarili ko,
Kung kasalanan mo man aba ayos lang,
Wala tayong dapat pagsisihan.-
"Kasalanan bang humingi ako sa langit ng isang himala?"
Hindi kailanman naging mali ang magmahal sa paraang alam mo. Siguraduhin mo lang na wala kang nasasaktang ibang tao.
BINABASA MO ANG
Poetry Is Scary
PoesíaPoetry is Scary [Previously: A Piece Of Poetry] ▪ A work of art and literature. A compilation of poems, one-shot and short stories. ▪ Read my thoughts, Hear my words, See my soul. ▪ [FIL | ENG]