Natuto Na
Noong mga panahon na magkasama tayo,
Noong mga panahon na masaya tayo,
Noong mga panahon na nagmahal ako,
Noong mga panahon na nagpakatanga ako sayo.Ni minsan naisip mo man lang ba ako?
Ni minsan inalala mo ba ang kalagayan ko?
Ni minsan tinanong mo ba kung anong gusto ko?
Ni minsan minahal mo ba ako?Siguro tama sila,
Siguro manloloko ka.
Siguro may mahal kang iba,
Siguro ako talaga'y tanga.Dapat nakinig ako sa kanilang mga payo,
Na hindi dapat magmahal sa isang katulad mo.
Dapat naniwala ako sa noong binalaan ako,
Na masasaktan lang ako sa piling mo.Ngayon, nasaktan mo ako.
Nasisiguro kong hindi na ako magpapakatanga sayo.
Ngayon, natuto na ako.
Nasisiguro kong hindi na ako babalik sayo.
BINABASA MO ANG
Poetry Is Scary
PoetryPoetry is Scary [Previously: A Piece Of Poetry] ▪ A work of art and literature. A compilation of poems, one-shot and short stories. ▪ Read my thoughts, Hear my words, See my soul. ▪ [FIL | ENG]