xix

614 10 4
                                    

Umalis Ka Na

Lisanin ang aking paningin,
Isabay sa'yong paglisan ang aking damdamin,
Pati na rin ang mga alaala nating dapat limutin,
Kaya umalis ka na ngayon din.

Hangga't andito ka pa sa aking tabi,
Hindi matatahimik gabi-gabi,
Patuloy kong hahanapin ang mga halik ng iyong labi,
Kaya umalis ka na sabi.

Pilit kong iniintindi ang ating sitwasyon,
Huwag mo na akong ikwestyon,
Respetuhin mo ang aking opinyon,
Kaya umalis ka na - iyan ang aking desisyon.

Alam kong darating ang panahon,
Na puso mo'y mag-iiba ng direksyon,
Mababaling sa iba ang atensyon,
Kaya umalis ka na at huwag nang lilingon.

Ito nalang ang natatanging paraan,
Upang damdami'y maiwasang masaktan,
Sa lalong madaling panahon ay dapat mo na 'kong iwan,
Kaya umalis ka na't ako'y talikuran.

Hindi ko na ata kakayanin,
Kung ang mayroon tayo pa'y papatagalin,
Batid kong mawawala din ang ating pagtingin,
Kaya umalis ka na't ako'y lisanin.

Hindi naman sa ako'y sakim,
Ngunit habang hindi pa gaano malalim,
Lumayo na saakin bago magtakip-silim,
Kaya umalis ka na nang ika'y mahalin nang palihim.

Lahat lang naman ay magiging huli,
Panaho'y lilipas at makakalimutan ang dati,
Nakakatakot na kasing masaktan muli,
Kaya umalis ka na nang maiwasan ang pighati.

-

I'm baaaack!

Poetry Is ScaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon