Hanggang Kailan
"Hanggang kailan ako maghihintay na para bang walang iba sa piling mo?"
Sa sandaling narinig ko ang linyang iyan, hindi ko maiwasang mapangiti nang mapait.
Halos mag-iisang taon na rin buhat nang matapos ang kuwento nating dalawa ngunit lahat ng alaala natin ay aking inaalagaan... kahit hindi na dapat pa.
Maayos ka na. Masaya ka nang wala ako sa buhay mo, hindi ba?
Marahil sa mga panahong isinusulat ko ang prosang ito ay kasabay ng mga oras na napapangiti ka niya. Baka rin ay ika'y mahimbing nang natutulog habang siya'y laman ng iyong panaginip. Kung ganoon nga, masaya rin ako para sa inyo.
Kung maaari lang na magmakaawa ako sa sarili kong tumigil na sa paghihintay sa isang bagay na hindi na muli mangyayari, ginawa ko na nang walang pag-aalinlangan.
Nais kong humingi ng kapatawaran sa pagiging delusyonal. Pilit ko mang tanggapin, hindi ko maiwasang isipin ang posibilidad na bumalik ka pa sa akin...
Subalit hanggang kailan ba ako maghihintay?
- qwerstyn
07/13/20Vote. Comment. Share.
[] Thank you! []
-
It's been a while since I last wrote something like this, something about him... Char, sino si him, walang ganun!
BINABASA MO ANG
Poetry Is Scary
PoetryPoetry is Scary [Previously: A Piece Of Poetry] ▪ A work of art and literature. A compilation of poems, one-shot and short stories. ▪ Read my thoughts, Hear my words, See my soul. ▪ [FIL | ENG]