Chapter 01

170 10 0
                                    


The Dragon

Mabilis akong tumatakbo minsan sumusulyap ako sa likod kong sinusundan paba nila ako minsan tumatalon ako papunta sa mga sanga ng mga puno para mag tago nag ka hiwalay din kami ng kapatid ko para di kami masundan.



Labing pitong taon na kaming tumatakbo nag tatago kailangan naming tumakas sa kanila hindi ko malaman ang dahilan bakit kailangan naming mag tago sa katunayan kayang kaya ko naman silang laban pero kabilin bilinan ng mga magulang namin na kong maaari wag namin silang labanan hindi ko alam kong bakit ayaw nila sabi nila para sa ikakabuti ko tsk.



Matagal ng patay ang mga magulang namin ni Drew sampong taon palamang ako non habang si Drew naman ay labing tatlong taong gulang namatay sila sa pag liligtas saamin gustuhin man naming tulungan sila hindi namin nagawa dahil mga bata pa lamang kami noon.



Nang mapansin kong wala ng sumusunod sakin nakahinga ako ng maluwag lumundag ako pababa ng puno at pinakiramdaman ang paligid napalingon ako sa kaliwa ng marinig kong may tumatakbo papunta sa dereksyon ko kaya dali dali akong nag tago sa malaking puno sa tabi ko naramdaman kong tumigil ito sa tapat ko dahan dahan kong kinuha ang patalim na nasa binti ko susugurin ko na sana ang taong yon ng mapagtanto kong si Drew iyon.



"Nasundan kaba?"tanong ko sabay balik ng patalim sa binti ko.



"Hindi nailigaw ko sila halika na bago pa nila tayo matunton"sabi nito at tumakbo na.



Makalipas ng ilang oras na pag tagbo napag pasyahan naming mag pahinga muna malayong malayo na kami siguro naman hindi na nila kami masusundan.



"Saan na tayo ngayon pupunta?"tanong ko.



"Hindi ko alam sa ngayon mag pahinga muna tayo dito"sabi niya hindi na ako nag salita.



"Dito ka muna mag hahanap muna ako ng panggatong at makakain natin palubog na ang araw dito na muna tayo mag palipas ng gabi"sabi niya pa.



Ilang sandali palang ng pag alis ni Drew naka ramdam ako ng sakit sa may balikat ko sumasakit nanaman birthmark ko kakaiba siyang birthmark para itong dragon kulay pulang dragon sabi ng mga magulang namin ni Drew nong bata pako may ganito na ako.



"Sumasakit nanaman ba?"tanong niya napatango nalang ako.


"Nitong nag daang mga araw parate nalang siyang sumasakit"sabi ko.



"Sobrang sakit ba?"tanong niya napa iling naman ako.



"Hindi naman masyado"sagot ko.



"Heto uminom ka muna"alok niya kinuha ko naman ito at ininom.



"Pano na tayo saan na tayo pupunta nito?"tanong ko napa buntong hininga naman siya.



"Hindi ko alam"sabi niya.



"Hindi tayo pweding mag tagal sa isang lugar siguradong matutonton nila tayo"sabi ko.



"Alam ko per---"



Natigilan kami sa pag uusap ng maramdaman naming may papalapit sa pwesto namin nag katinginan kaming dala at dahan dahang nag tago sa punong katabi lang namin natunton nanaman ba kami ang bilis naman nila kaming mahanap nakiramdam lang kami sa paligid binunot ko ang kutsilyong nasa hita ko pinakiramdam ko ang paligid naramdaman kong nasa tapat ko na siya ang pinag tataka ko lang ay iisa lang ang presensyang nararamdaman ko.



The Lost Keeper [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon