Chapter 14

77 8 1
                                    

Melody Of Death Part 1

Ilang linggo ko ng pinag titiisan ang kahambugan ni Sean sawang sawa na ako sa mga pang iinis at pag yayabang niya minsan gusto ko na siyang tustahin pero pinipigilan ko lang ang sarili baka kasi dumugin ako ng mga taga hanga niya.

Nag lalakad kami ngayong tatlo papunta sa guild dahil may meeting daw sa lahat ng membro ng guild. Saka samaang palad naka salubong namin ang grupo nina Sean mukhang papunta rin sila sa guild.

"Uy Sena"naka ngising si Ally ang sumalubong sa amin nginisian ko nalang siya.

"Oh miss mo na ako agad?"hindi ko alam kong bakit ako parating pinag ti-tripan ng Sean na to.

"Pansin ko lang na parati mo nalang akong pinag ti-tripan may gusto ka ba sakin?"

"Yun!"sigaw nina Khalil at Ally.

"Oo nga naman dude may gusto ka ba kay Sena?"napa tawa naman si Sean sa tanong ni Khalil.

"Baka nga ikaw diyan ang may gusto sa akin eh"naka ngisi ito sa akin napa iling nalang ako sa kahambugan niya.

~*~

"Kailangan ninyong makuha ang plautang iyon maraming mamamatay pag pina tugtog iyon"sabi ni master.

Napag alaman namin na may isang grupo na nag nakaw sa pinag babawal na plauta. Ang plautang iyon ay may kakayahang maka patay ng tao sa pamamagitan lang ng tugtog nito iyon ang death magic.

"Kailangan nating maibalik ang plautang iyon sa tower of heaven hindi pweding mapa sa kamay ng mga masasamang tao ang plautang iyon"

Tower of heaven kong saan naka tago ang mga pinag babawal na gamit o mahika katulad nalang ng plautang iyon na tinatawag na melody of death. Naka tago iyon sa pinaka taas ng tower of heaven at mahirap iyon kunin dahil maraming naka bantay sa bawat naka tago sa tower of heaven.

Ang ipinag tataka namin paano ito nakuha ng mga taong iyon kong mahigpit naman ang pag babantay ng mga guwardya ng tower of heaven.

"Bumuo kayo ng mga lima hanggang pitong membro mag hiwa hiwalay kayo para madali ninyong mahanap ang plautang iyon. Ang misyon nito ngayon ay maibalik ang plautang iyon sa tower of heaven mahalagang misyon ito kaya pag butihan ninyo!"

"Opo master!"

~*~

"Ayoko!"

"Bakit ba ayaw mo Sena nakaka inis naman oh"reklamo ni Jade.

"Ang swerte mo nga kasi makaka sama mo ko sa isang grupo"napa irap napang ako sa kahambugan niya.

"Bakit ba ayaw mo?"tanong ni Messiah.

"Ayokong maka sama ang isang katulad niyang hambog!"sigaw ko. Ayokong maka sama sila sa iisang grupo dahil paniguradong gulo lang ang dala nilang tatlo.

"Wag ka nang mapili diyan Sena wala ka namang magagawa eh mag kaka grupo na tayo"naka ngising sabi naman ni Ally na agad ko namang inirapan.

The Lost Keeper [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon