Chapter 17

69 4 2
                                    

Fighting Festival

Naghahanda ang lahat ng mga kasali sa parada ang bawat isa ay masaya sa gabing ito. Maliwanag ang paligid pati ang panahon ay nakisali  makikita mo sa kalangitan ang madaming bituin. Ngayong gabing ito ang simula ng fighting festival at sisimulan ito ng parada nang Marcaraiy guild kaya ang bawat kasali sa Marcaraiy guild ay maraming ginagawa.

Bawat grupo ay mag gagawin sa parada yong iba may grupo yong iba naman ay mag isa sa kanilang palabas. Katulad na lang nina Messiah at Ally magka partner silang dalawa sa pag papalabas.

"Sena halikana pumwesto kana mag sisimula na ang parada!"sigaw sakin ni Jade.

"Oo andiyan na!"dali dali akong pumwesto dahil ano mang oras ay mag sisimula na ang parada.

Hindi nga ako nagkamali mga ilang minuto ay nag sinula na ang parada at sinimulan ito ng grupo nina Miles. Ang ng mamayan ng Dawnfoxes ay masayang nanonood.

Nag sigawan ang mga tao ng isa isa ng nag pasiklaban ang bawat magkaka grupo ng kanilang mga kapangyarihan lalo na ang magka pares na sina Messiah at Ally. Gumawa sila ng kastilyo at sa taas nito ay ang pangalan ng aming guild gamit ang tubig at yelo. Habang ang iba namang kasapi ng Marcaraiy ay may sari-sariling ginagawa tulad ng pagsasayaw gamit ng kanilang mga kapangyarihan.

(Guys imagenin niyo nalang sa part na ito yong part ng fairytail nong fantasia nila hehe fan na fan nila ako)

Ito na yata ang pinaka mailaw na paradang nasilayan ko lahat ng mamamayan ay nakiki sali rin sa aming parada pati narin ang hari't reyna naki sali narin sa aming parada. Nang malapit nang matapos ang aming pagtatanghal pinag sama sama namin ang aming kapangyarihan at pinasabog sa langit natuwa ang mga mamamayan ng makita ang naging resulta ng aming ginawa. Natutuwa kami dahil nagustuhan nila ito.

"Marcaraiy!"sigaw naming lahat.

~*~

"Mag handa na kayo mag sisimula na ang laro!"sigaw ni Jyde sa amin.

Nang matapos ang parada lahat kami ay dumiretso na sa may arena kong saan gaganapin ang laro. Ang lahat ay excited na sa mga pweding mang yari sa paglalabang magaganap ngayon ang bawat isa ay nag hahanda na sa palaro.

"Naka pili naba kayo ng sandatang gagamitin?"tanong ni Ariela sa lahat.

"Oo!"

"Mabuti kong ganon dahil ilang sandali nalang nag sisimula na ang laban"nag sigawan sila sa kanilang narinig. Napa tingin ako kay Jade ng bigla niya akong kalabitin.

"Sena kina kabahan ako"sabi niya.

"Wag kang kabahan kaya mo yan wag mong isipin na baka matalo ka sa laban"sabi ko.

"Eh pano kong matalo nga ako?"tanong niya.

"Matalo ka man o manalo maging masaya ka dahil ang pangarap mo noong maka sali dito ay natupad mo na"ngumiti ako sakanya at tinapik ang kanyang braso.

"Sa bagay tama ka salamat Sena"naka ngiti nang sabi nito sakin.

"Magsaya ka lang wag mo nang isipin ang mga ganong bagay"sabi ko pa.

"Magsisimula na ang laban handa na ba kayo?" nag sigawan ang lahat ng manonood at mga maglalaro.

"Kung ganon mag simula na tayo!"

The Lost Keeper [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon