Chapter 13

117 9 2
                                    



Partner


Ilang linggo nang naka lipas nong sumali kami sa Marcaraiy guild tuwing sabado kumukuha kami ng misyon sa request board masasabi kong nag e-enjoy ako sa bawat misyon namin, na balitaan ko rin na sumali rin sa guild si kuya pero mas gusto niyang mag isang kumuha ng misyon pero kahit na ganon masaya ako kasi sumali din siya sa guild.


Physical training namin ngayon kakaiba ito dahil mag sasama ang dalawang section ng almighty, pipili si Miss Kim ng magiging magka partner isa sa section S-class at isa din sa section ng SS-class si Miss Kim din ang pipili kong sino ang magiging kalaban.


"Ang suwerte natin makakasama natin ang section SS"


"Makikita na natin ang grupo ng FT!"


"Sana naman pansinin ako ng isa man lang sa FT"


"Asa ka pa hindi ka mapapansin non hindi ka naman maganda tulad ko"


"Kyaaa! Narito na sila!"


"Kyaaah! Sean!"


"Ally Pansinin mo naman ang kagandahan ko!"


"Khalil akin ka na lang!"


Puro tilian at sigawan ang maririnig mo ng dumting na ang FT hindi ko alam kong bakit ganyan na lang silang mabaliw sa grupong iyan, sabagay gwapo nga naman pero ang sama naman ng ugali ng leader nila napa ka suplado sa mga linggong dumaan parati nalang niya akong inaasar pero diko nalang ito pinapansin.


"Oh Sena bakit naka busangot ka?"tanong ni Messiah na inilingan ko nalang pinipilit kong iwasan ang Sean na iyon simula kasi ng bumalik kami galing sa gubat hindi na niya ako tinantanan at simula non iniinis na niya ako parate.


"Magandang umaga handa na ba kayong malaman kong sino ang magiging ka partner ninyo?"nag hiyawan ang lahat sa tanong ni Miss Kim nagagalak ang lahat lalong lalo na ang mga babae.


Nag simula ng mag tawag ng pangalan si Miss Kim hinihintay ko nalang ang pangalan ko at kong sino ang magiging ka partner ko hindi naman nag tagal ang pag hihintay ko pero kamalas malasan siya pa ang ka partner ko.


"Sena Yoo, ang magiging ka partner mo ay si Sean Shin"aangal pa sana ako pero dirediretso na ulit siya sa pag tatawag ng pangalan.


"Paano ba yan mag ka partner tayo"napa tingin ako sakanya ng masama pero inismiran lang niya ako, wala na akong magagawa pag titiisan ko nalang hanggang sa matapos ito.


"Bakit pakiramdam ko iniiwasan mo ko?"tanong nito.


"Pakiramdam mo lang yon"sagot ko nakita kong nag kibit balikat ito.


Natapos na ang pag tatawag ng pangalan ni Miss Kim agad kong hinanap ng paningin si Messiah kong sino ang ka partner nito nakita ko siyang kasama ng isa sa mga kaibigan ni Sean, Khalil yata ang pangalan non nabalik lang ang tingin ko kay Miss Kim ng mag salita oto.


"Ok class mag simula na tayo sinong unang pares ang mag vo-volunteer para maunang lumaban?"tanong ni Miss Kim.


Nagulat ako ng mag taas ng kamay si Sean naka ngisi itong naka tingin sa akin tiningnan ko lang ito ng masama pero tumawa lang ito, nang iinis talaga ang walang yang to sarap bigwasan nakakainis.


The Lost Keeper [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon