Chapter 15

97 6 0
                                    


Melody Of Death Part 2


MESSIAH POV


"Anong nang yari?"sabi ko ng makita si Sean.


Nag panik agad si Jade ng hindi niya makita si Sena. Nakita namin ang isang higanting hipohipo napalayo kami dito, sinuri ko ang higanting hipohipo alam ko kong kaninong mahika ang may kakayahan ng ganyan.


"Darkians guild"sabay naming sabi ni Ally. Nagka titigan naman kami.


Tiningnan ko siya hanggang ulo at paa, grabe din tong lalaking to perpektong perpekto gwapo at makisig ganyan ang mga tipo kong lalaki.


"Nasan si Sena. Sean?"nag aalalang tanong ni Jade.


"Nasa loob ng malaking hipohipong iyan"turo ni Sean sa higanting hipohipo.


"Paano siya napunta don?"nag aalalang sabi ni Jade.


"Kailangan na nating mag madalibaka napano na si Sena don"sabi ko na agad naman nilang sinang ayunan.


Sinubukan naming patamaan ang higanting hipohipo pero hindi parin ito natitinag. Sinubukan narin namin gamitin ang aming mga kapangyarihan pero wala parin itong epekto.


"Kahit anong gawin natin di parin umiipekto"sabi ni Khalil.


"Anong gagawin natin baka kong ano nang nangyayari sa loob"umiiyak ng sabi ni Jade.


"Wag ka ngang umiyak para kang bata"naiinis na sabi ni Khalil.


"Nag aalala lang naman ako kay Sena"habang pinupunas niya ang mga luha niya.


"Malakas si Sena hindi siya mapapahamak kaya tumigil kana sa pag iyak"malumanay na sabi ni Khalil tumango nalang si Jade bilang sagot.


"Anong plano natin?"napa tingin naman kaming lahat kay Ally.


"Khalil gamitin mo ang kapangyarihan mo para panandalihang mapatigilin ang hipohipo, Messiah balutin mo ng iyong kapangyarihan ang higanting hipohipo para magamit ni Ally ang kanyang kapangyarihan. Pag naging yelo na ito maaari na natin itong masira"napa tango kami sa magandang plano ni Sean. Maaasahan talaga siya sa mga ganitong sitwasyon.


Sinunod namin ang kanyang utos ginamit ni Khalil ang kapangyarihan niya upang mapatigil ang hipohipo saka ko naman ito binalutan ng tubig, pinatigas naman ito ni Ally gamit ng kanyang kapangyarihan. Nang maging yelo na ito pumwesto si Sean at itinaas ang kanyang kaliwang kamay unti unting may kidlat na dumadaloy sa kanyang kamay agad niyang pinatamaan ang yelo ni Ally na agad naman nagka roon ng malaking bitak. Hindi nagtagal ay nasira narin ito napa sigaw pa kami ni Jade dahil sa tuwa. Basta nag tutulungan walang hindi kaya.


The Lost Keeper [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon