Chapter 08

109 12 4
                                    



The Charm Spell

ALLY POV


"Ano nang balita?"tanong ni Sean sakin habang nag babasa ng libro.


"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko dude"di maka paniwalang sabi ko nag taka naman siyang napa tingin sa akin.


"Bakit ano ba yon?"tanong niya ulit sabay sara ng libromg binabasa niya.


"Yong gubat na tinusta at sinira mo bumalik na sa dati na para bang walang nangyari at heto pa mas lalo itong gumanda"di maka paniwalang sabi ko sa kanya.


"Imposeble iyon"takhang sabi ni Khalil.


"Maski ako di maka paniwala pero totoo maayos na ang gubat ng makita ko pati ang council nag tataka rin"napa iling ako at namangha sa nangyari.


"Sigurado akong may kung anong mahika ang ginamit para bumalik sa dating ayos ang gubat"sabi ni Khalil habang hawak hawak ang baba niya na animo'y may iniisip.


"Ang tanong sino ang taong iyon"sabi ko habang nag iisip din kong sino ang pweding gumawa non.


"Paniguradong isa siya sa mag aaral ng Sky High"sabi ni Sean.


"Paano mo naman na sisiguro?"tanong sakanya ni Khalil.


"Oo nga dude"pag sang ayon ko.


"Dahil walang taga labas na pweding maka pasok sa gubat na iyon hindi tatangkahin ng mga mamamayan ng siyudad na pumasok sa misteryong gubat na iyon"seryosong sabi niya nag ka tinginan naman kami ni Khalil at parehong na pa tango.


"Sa bagay may punto ka"tuma tangong sabi ni Khalil.


"Kailangan nating malaman kong sino ang may kakayahan na gawin iyon"napapa isip na sabi ni Sean.


"Sabi sa kasaysayan ng Sky High iisa lang ang may ganong taglay na mahika yon ang huling keeper"seryosong turan ni Khalil.


"Maaari kayang isa sa mga estudyanteng narito ang nawawalang keeper?"tanong ko.


Seryosong napatingin sa gawi ko ang dalawa kita sa mga mata nila ang pag tataka napa buntong hininga nalang ako at inisip ang maaaring posibilidad na mang yari.


SENA POV


Nag tatakang napa tingin ako sa mga taong nag kakagulo sa canteen pinag sawalang bahala ko na lang ito at nag patuloy mag lakad para hinanap sin Jade at Messiah.


"Anong meron?"nag tatakang tanong ko pero ang dalawa parang walang narinig.


"Messiah ano bang meron"kalabit ko dito nagulat ako ng bigla siyang tumili.


"Kasi girl nandito si Jacob ang heartthrob ng campus"kinikilig na sabi nito sabay tingin sa mga nag kukumpolang mga babae kaya napatingin din ako doon.


The Lost Keeper [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon