Chapter 06

95 8 0
                                    



Dragnel



Napa buntong hininga nalang ako habang sinisirmunan ako ni Miss Cass napa hawak nalang ako sa aking batok.


"Alam niyo bang napa ka dilikado roon pano kong may masa mang nang yari sa inyo at saka bakit kayo mag kasama?"tanong nito.


"Nakita ko lang po siya sa may gubat tapos yon tinulungan ko"sabi ko.


"Hay naku ang batang talagang iyon pasalamat talaga siya at na tulungan mo siya kong nag tagal pa siya doon sa ganong kalagayan ewan ko nalang"sabi nito sabay alis sa kuwarto.


Nasa clinic kami ng eskuwelahan pag katapos ko kasing pakalmahin si dragnel bigla nalang natumba yong lalaking iyon siguro dahil sa pagod at dugong nawala sa kanya.


Konting galos lang naman ang nakuha ko kaya mamaya pwede na akong bumalik sa dorm habang yong kasama kong lalaki ay ma co-confine dito dahil sa mga sugat na natamo nito at panigurado pag gising non katakot takot na sermon ang makukuha niya.


"Ayos ka na ba?"tanong sakin ni Jade ngumiti lang ako sa kanya.


"Ano bang nang yari?"tanong naman ni Messiah.


"Mahabang kuwento"sabi ko nalang.


"Sena pweding sa susunod wag kang maki sali sa problema ng iba"sabi ni kuya sabay walk out napa iling nalang ako.


"Anong nang yari don?"tano ko.


"Alam mo kasi Sena sa aming tatlo siya yong sobrang oa mag alala grabi ilang minuto ka palang hindi nakikita nag wawala na agad"hindi maka paniwalang sabi ni Messiah.


"Kahit sino namang kapatid pag nalaman na nawawa ang kapatid mo eh mag aalala din"sabi naman ni Jade.


"Ganon ka oa tsk na sobrahan naman pag ganon"sabi ni Messiah napa tawa nalang ako sa kanilang dalawa.


Nababagabag parin ako hanggang ngayon hindi ko kasi alam kong anong ginawa ng lalaking iyon kong bakit ganon kagalit si Dragnel hindi naman yon mag wawala kong walang dahil at anong ginagawa niya don imposible naman na napa daan lang siya don.


"Kamusta na kaya si Sean?"naka ngusong sabi ni Messiah.


"Sean?"naguguluhang tanong ko bigla naman silang napatingin sa akin.


"Bess dimo kilala si Sean?"tanong ni Jade umiling lang ako.


"Hindi mo kilala yong taong tinulungan mo? Gosh!"dimaka paniwalang sabi ni Messiah.


"Eh sa hindi ko kilala eh"sabi ko nalang.


"Yong lalaking tinulungan mo siya si Sean ang leader ng groupong kinukuwento ko sa inyo nong isang araw yong FT"sabi ni Messiah sabay irap pa.


"Ah siya ba yon sorry naman diko nakilala eh"tinatamad na sabi ko.


"Ang sabihin mo wala ka lang pakialam"sabat naman ni Jade napa irap nalang ako.


"Oh pano umuwi na tayo sa dorm pwede kanaman na daw lumabas sabi ng nurse hindi naman daw malala mga natamo mong sugat"sabi ni Messiah tumango nalang ako.


"Ayos ka na ba baka gusto mong dumito muna baka may masakit pa sayo"sabi naman ni Jade umiling lang ako sa kanya.


"Ayos lang ako Jade malayo naman sa bituka di naman ako nito mapapatay"natatawang sabi ko napailing nalang siya.


The Lost Keeper [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon