Chapter 03

101 9 0
                                    

The Section


Maaga kaming pinatawag ng council upang malaman na kong anong magiging section namin at gaya nga ng sinabi ni Messiah kahapon may gagawin kaming test para malan kong gaano kami kalakas at kong saan kaming section malalagay.

"Sena kinakabahan ako"bulong ni Jade sa akin.

"Kahapon nga excited ka tapos ngayon sasabihin mo saking kinakabahan ka tsk"sabi ko nalang sabay iling bipolar din tong si Jade minsan.

"Magandang umaga students ngayong araw na to gaganapin ang test upang malaman kong anong kayang gawin ng inyong mga kakayahan at kong saan kayong section nababagay"paliwanag ni professor Arron.

"Pero bago ang lahat kasama ko ngayon ang tatlong tagahatol kong anong o kong saang section kayo mailalagay"paliwanag nito sabay turo sa tatlong kasamahan niya.

"Pero bago ang lahat ipapaliwanag ko sa inyo kong ano ang section at kong ilan ang section. Ang section ay binubuo ng tatlong section ang almighty, witch, at ang mga sidekick. Ang pinag kaiba ng section almighty ay may dalawang uri ang SS-Class at ang S-Class ang section almighty S-Class ay pumapangalawa sa malalakas at ang SS-Class naman ay yong may mga malalakas na kakayahan at kapangyarihan pero hindi porket mapanganip o malakas ang kapangyarihan mo ay mailalagay kana sa SS-Class hindi ganon yon malakas nga ang kapangyarihan mo ngunit ang pisikal na lakas mo naman ay mahina"mahabang paliwanag nito.


Kinakabahan ako sa magiging resulta ng test na ito hindi ko pweding e-todo ang lakas na meron ako kailangan ko ring mag ingat hindi nila pweding malaman ang sekretong tinatago ko baka matunton pa kami.


"Pwede naba nating simulan?"tanong ng matandang babaeng kasama nila tumango naman si professor Arron sa kanya.


"Sinong gustong mauna?"tanong ni professor Arron habang tumitingin sa amin.


Tumingin ako sa paligid mukhang walang may gustong mauna napa hinga nalang ako ng malalim mag tataas na sana ako ng kamay ng biglang maunang mag taas ng kamay ang kapatid ko.


"Anong pangalan mo?"tanong ni professor Arron.


"Drew Yoo"maikling sagod niya.


"Power and weapon?"tanong ulit ni professor Arron sa kanya habang nag susulat ito sa isang papel.


"Buhangin ang weapon ko naman ay espada"sagot ni kuya dito.


"Ok pwede ka ng mag simula pumwesto kana sa may gitna"sabi ni professor Arron sabay turo sa isang stage.


Ang stage na iyon ay pa bilog malaki ito pero napapansin at nararamdaman kong may kakaiba sa entabladong iyon hindi ito pangkaraniwang entablado sinundan ko ng tingin si Drew habang papunta sa stage kinakabahan ako para sa kanya.


"Kong mapapansin niyo at nararamdaman ang entabladong na iyon ay hindi pangkaraniwang entablado lamang may mahika ito kusang may nalilikhang mababangis na hayop dito na inyong makakalaban"paliwanag ni professor Arron.


Nagulat kami ng biglang may parang hayop na nabubuo ang sahig at biglang nabuo ang isang lion na may tatlong ulo may pula itong mga mata napatingin ako kay Drew na agad na binunot ang maliit na punyal na lagi nitong dala dala iwinawasiwas niya ito at biglang umilaw at naging espada kulay asul ang espada niya may mga diamante sa espadang iyon at sa dulo ng hawakan ng kanyang espada ay may parang isang tali itong kulay asul din na may disenyo itinapat niya ito sa lion at pumwesto.


The Lost Keeper [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon