Chapter 5

8.9K 416 108
                                    

"Hayy panaginip lang pala!" bumangon na ako sa aking higaan "Siguro ngayon talagang gising na ako at panaginip lang lahat yung mga iyo—"








"Padating na ang chauffeur anak! Mag ayos kana!" sigaw ni mama. Hayss akala ko panaginip lang.







Pumasok si Mama sa kwarto ko at "Anak alam ko hindi mo gusto ito pero malay mo diba? Be positive lang!" saka siya nagthumps up at lumabas ng kwarto. May iniwan siyang malaking box na naglalaman ng ... House and Lot!






"WOW! Ang ganda naman nito!"










"WOW! Ang ganda naman nito!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





Tama si Mama be positive lang! Bahala na just go with the flow! Kung ano man mangayri edi mangyari!








Nagayos na ako at sinuot na ang damit na binili ni Mama. Tumingin ako sa salamin. Ang ganda naman! I look fabulous! Hahaha.








Maya maya pa ay dumating na ang chauffeur. Kinakabahan ako na ewan jusko!






"Ayos ka lang ba anak? Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah? Alam ko sinabi ko na ito, pero anak ang ganda ganda mo ngayon!" napangiti naman ako doon si Mama talaga! Hahaha "Kanino pa po ba ako magmamana diba? Edi sayo po!" saka kami nagtawanan.







Lumabas na ako ng sasakyan at WOW andaming tao! Andami ding taga media.







Inayos ko ang damit ko at ... "Ayun siya! Ang ating magiging Prinsesa! She's so gorgeous!" tinuro ako nung babae at lahat sila pumunta sa akin. Mama heeeeeelp! Nasisilaw na ako sa flash ng camera huhu!







Dumating si Mama pati na rin si Mrs. Gina. Hayy salamat. "This way Miss" sinundan namin siya.





Pagpasok mo sa palasyo iba't ibang tao na makikita mo! Shocks bat andaming tao?! Halos mapuno ang ballroom. Nakita ko ang Mahal na reyna kausap ang  Mahal na Hari. Andaming pagkain, andaming nagsasayaw sa gitna hindi yung hiphop ah? Yung pang slow na dance basta yun yon! Haha pero anyways, mas lalo akong kinabahan







"Andaming tao" sabi ni Mama. Liningunan naman siya ni Mrs. Gina "Madaragdagan pa iyan Mrs. Harridan" Anooo?! M-madaragdagan pa? Mama uwi na me! "Anyways, I love your dress Abcidii, you look really stunning" hindi ko na napansin yung sinabi ni Mrs. Gina dahil yata sa sobrang kaba? Sigurado ako nandito sila para makita ako, ang misteryosong babaeng papakasalan ng Mahal na Prinsipe! Waaahhhh i kennat!






K-kailangan ko ng sariwang hangin! H-hindi ko keri to mga bessy! Umalis na ako doon narinig ko pang tinawag ako ni Mama pero hindi ko na siya nilingon.







Hay nako di ako makalabas! Andaming reporter sa labas! Nakakainis. Nakarating ako sa isang hallway dito at parang Condominium lang ang palasyo na ito dahil andaming kwarto at pasikut sikot hindi ko lang alam kung naligaw na ako o ano.







Baka pede naman siguro akong pumasok dito. Pumasok na ako "Pede naman siguro akong magtago dit— OH MY GOD!" Nanlaki ang mata ko sa lalaking naka tapis lang ng twalya. Wrong move Abcidii! Agad akong tumalikod sa kanya "Pasensya na akala ko walang tao dito kaya pumasok ako. Aalis na ako!" Sht nakakahiya!






"T-teka lang! Sandali!" tumigil ako sa paglalakad "Pwede kana humarap" saka siya tumawa, huh? "Sorry talaga! Pero promise wala talaga akong nakita!" tumawa ulit sya ng malakas. "Ikaw yung Smith Harridan girl diba?" humarap na ako sakanya, thank God at naka damit na siya.







"Ano bang ginagawa mo dito?" shocks ang gwapo din niya!







"Magpapahangin sana ako kaso di ako makalabas andaming mga Paparazzi at kung ano ano pa sa labas" sabi ko.








"Mukhang nabigla ka ah?" sabi niya sabay tawa. Adik siguro to? Matanong nga.






"Sino ba namang hindi mabibigla? Kagising ko may fiancé na pala ako! Imbis na matulog sa bahay nandito ako ngayon! Arranged marriage man o hindi ayaw ko namang mapahiya sa lahat ng taong nandito. Di ko alam gagawin ko" sumasakit ulo ko! Di ko alam gagawin ko.






"Alam mo mahirap talaga yan. Pero kaya kitang tulungan para naman may alam ka tungkol sa kanila"  nudaw?








"Bat naman kita pagkakatiwalaan?" like hello? Kakakilala ko lang sayo baka ano pa ituro at ipagawa mo sa akin. Pero di ko sinabi yun sakanya baka sapakin nyako hahaha!







"May kwarto ako sa palasyo siguro naman mapagkakatiwalaan mo ako" pagmamayabang niya, natawa nalang ako saka tumango.







"Well Si Prince Lewis mabait yan kaya wala kang magiging problema sa kanya. Pero ang Reyna at ang Hari naku! Mukhang mahihirapan ka" tinatakot niya ba ako? Busit to!







"Ang reyna, siya yung taong ayaw sa mga taong hindi kayang dalhin ang sarili nila, mababa ang confidence kumbaga. So kailangan maging poised ka at confident" so ayaw niya pala sa mga tatanga tanga? patay! Tinanguhan ko lang ulit siya.






"King Philip, bilang hari ng Apethorpe kailangan niyang maging mahinahon at dalhin ang kanyang sarili sa lahat ng oras. Tahimik lang siya pero napaka observant. Marunong at magaling din siyang mangilatis" napapatango nalang ako sa mga sinasabi niya, hayyy Am I in danger? Naks english!







"Eh ang prinsipe? Gusto ko lang siyang mas makilala pa" tumawa nanaman siya, srsly? Tinaasan ko lang siya ng kilay at tumahimik naman siya.





"Bata palang siya alam na niya na siyang hahali sa kanyang ama bilang hari balang araw. Gagawin niya ang lahat para sa Apethorpe at lalo na sa kanyang pamilya. Napaka responsable niya ay mabait" mukhang kilalang kilala niya ang Royal Family.







"Just be confident!" tumango naman ako "Kapag naging importante ka kay Prince Lewis sana wag mo siya tignan bilang isang prinsipe kundi tignan mo siya kung ano o sino siya" Wow. "Hm thank you!"








"Hindi bat may gagawin kapa?" Ay sht oo nga pala! Muntik ko na makalimutan!






"Ay oo nga pala! Anyways salamat pupuntahan ko pa ang mama ko iniwan ko kasi siya, at wag mo nalang pagsab–" "Oo di ko pagsasabi!" saka siya tumawa ulet at kinindatan ako. Geez.






SHE'S CUTE.....


**

Pavote thank you 🌹

Marrying The Prince(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon