Nandito na ako sa Park at nakita ko naman siya na nakaupo sa bench. Kumaway siya at lumapit ako "Pumunta ka" sabi niya. Tinanguan ko lang siya. "May alam akong lugar kung saan tayo pupunta."Ilang sandali pa ay nandito na kami sa rooftop ng isang abandonadong gusali. Natatanaw ko dito ang ibang bahagi ng Apethorpe, mga sasakyan, matatas na gusali at ang mga ilaw "Ang ganda dito!" lumingon siya sa akin at ngumiti.
"Walang makakahanap at makakakita sayo dito. Kahit na ang mga Paparazzi" Napataas naman ang kilay ko. "Bat parang mukhang mumurderin moko?" T-teka lang mali bang pagkatiwalaan ko siya? Kung papatayin man niya ako dito walang makakaalam dahil nga abandonado na ang building na ito. Mama help.
Tumawa naman siya ng malakas. "Baliw ka talaga anong pinag iisip mo? Hahaha. Dinala kita dito para makapag relax ka nang walang makakita o mangugulo sayo. Alam kong stress kana sa mga nangyayari ngayon" aww ang bait naman niya. "Salamat! Oo nga p-pala tungkol sa kasal pumayag na ako" napakamot naman ako ng batok. Sana tama yung desisyon ko.
Tumango naman siya tinignan ko siya sa mata, bat parang ang lungkot niya? May problema ba siya?
Binalewala ko na lang iyon at dinama nalang ang ganda ng tanawin, ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar.
"Sa tingin mo ba tama lang yung naging desisyon ko?" tanong ko sakanya ng hindi siya binabalingan. Nakita ko na nilingon niya ako "Mahirap maging isang parte ng Royal Family. Pero kung hindi ka naman pumayag siguradong mawawala ang pagiging prinsipe ni Lewis. Mabait naman si Lewis kaya sa tingin ko ay nasa maganda kang kamay" sabi niya.
"So tama lang ang desisyon ko?" tanong ko, hinawi ko ang aking buhok dahil natatakpan na ang aking mukha. Ang lamig sa mukha ng hangin. "Hindi mo malalaman ang isang bagay hanggat hindi mo ito nasusubukan? Hindi mo malalaman kung mali ito kung hindi mo man lang ginawa iyon. Besides, magiging ka nang Prinsesa kaya oo tama lang yung desisyon mo" hinawakan niya ako sa kamay at tumakbo kami. Saan kami pupunta? Saan niya ako dadalhin?
"Saan tayo pupunta" tanong ko habang hila hila niya ako. Tumingin siya sa akin at ngumiti lang siya. Bahala na!
Napagod ako sa pagtakbo. Dinala niya ako sa tabi ng dagat, malapit lang ito sa Abandonadong gusali Gabi na kaya wala ng tao dito. Ang kalma ng dagat at kitang kita ko ang buwan.
"Kanina sa abandonadong gusali ngayon sa tahimik na dagat? Nasisiraan na siguro ako ng ulo, bat ba ako sumama sayo?! Ni hindi ko nga alam ang pangal-" "Timothy... Timothy ang pangalan ko, ngayon pede bang pagkatiwalaan mo na ako?" natawa naman ako sa sinabi niya. Sa totoo lang niloloko ko lang siya hahaha pero atleast alam ko na ang pangalan niya diba?
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!" nabigla naman ako ng sumigaw siya. Hala galit ba siya saken? Lumayo naman ako ng konti sa kanya.
"Ikaw naman" sabi niya. A-anong ako? Kumunot naman ang kilay ko pinagsasabe neto? "A-anong ako na?" umiling naman siya.
"Isigaw mo lang yung problema mo. Madalas naming gawin ni Prince Lewis ito kapag may problema kami" so close sila ni Alas? "Gaano kayo kaclose ni Alas?" tanong ko. Nagsalubong naman ang kaniyang mga kilay natawa naman ako sa reaksyon niya "Alas??" tanong niya. Oo nga pala tawag pala nila sa Prinsipe ay Lewis ako lang pala ang tumatawag sakanya ng ganon hayy Abcidii. Di ko na siya sinagot at ngumiti nalang ako ng hindi siya binabalingan.
Pic
"Gawin mo na!" sabi niya "Sa tingin ko ay hin-" "Isipin mo ang mga Paparazzi, lagi nilang pinanghihimasukan ang buhay mo pinagmumukha ka nilang tanga sa buong Apethorpe, isipin mo ang sitwasyon mo ngayon Abcidii!" hindi ko alam pero nadala ako ng aking damdamin.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" nagulat naman si Timothy ng bigla akong sumigaw. Wow ang sarap sa pakiramdam!
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" sigaw ko.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" sigaw din niya.
Para kaming tanga na nagsisigawan dito sa dalampasigan. Pero isa lang ang alam ko gumaan ang pakiramdam ko at nawala lahat ang mga problema ko.
"Salamat at sinamahan mo ako" nginitian niya ako.
"Wala lang yon, masaya ako at nagustuhan mo. Goodluck nalang sayo simula ngayon"
Pagkatapos non ay hinatid na niya ako saamin. Talagang nagenjoy ako ngayong araw na ito kahit papaano ay nawala ang problema sa akin.
Nakarating na kami sa tapat ng bahay lumabas siya at pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Maraming salamat ulit Timothy, napasaya mo ako" tinignan niya ako at lumapit siya sa akin. Nagkatitigan kami saglit "Walang anuman, pumasok ka na. Tandaan mo lagi akong nandito para sayo. Papasayahin kita kapag may problema ka basta sabihan mo lang ako. Im only one call away, Abcidii always remember that"
Minulat ko ang aking mga mata. Panibangong araw nanaman ito.Eto na! Simula na ang pagpapanggap.
**
Dont forget to vote, if you like this chapter :)
BINABASA MO ANG
Marrying The Prince(COMPLETED)
Teen FictionKailangang pakasalan ni Abcidii si Prinsipe Alastair Lewis Markinswell dahil sa isang kasunduan na ginawa pa ng kanilang mga ninuno. Will they end up falling in love in this modern day fairy tale? Highest Ranked Achieved 04/25/18 #361 Marrying Serie...