Nagumpisa na siyang magimpake ng kaniyang mga damit. “I’m s…so sorry A..abcidii!” humahagulgol na ito.
“H..hindi ko s..sinasadyang g..gawin iyon! G..galit lang ako a..at nakita k..kita r..roon na nakatayo!” pinunasan niya ang kaniyang mga luha na naglalandas sa kaniyang pisngi.
“K-kailangan ko nang umalis! Walang makakaalam nito!” sigaw niya. Sobra siyang nakokonsensya ngayon sa kaniyang ginawa pero hindi siya maaaring makulong, itatakwil siya ng kaniyang ina kapag nagkataon.
“Bakit ka umiiyak? Nagtatantrums ka nanaman ba?” tanong ng kaniyang ina. Humarap siya dito. Narinig niya kaya ang sinabi nito?
Maraan siyang umiling “N-no” tipid niyang sabi. “Bakit ka nagiimpake? Babalik ka na ba ng U.S?” tanong nito sa kaniya. Bakit ba siya nagtatanong? As if naman may pakealam siya!“Yes, itutuloy ko na ang aking pagaaral. Aalis na ako. Malayo dito!”
“Hello? May tao ba dito?” tanong nito. Siya ngayon ay nasa isang madilim na lugar, napakaraming bituin ang nakapalibot sa kaniya at kumikinang ang mga ito. Ang ganda!
“Nandito ako.” Lumingon siya sa baabeng nagsalita. F-fairy Godmother? Takang tanong niya sa kaniyang sarili.
“M-maari mo ho bang sabihin kung nasaan a-ako? Kung anong nangyayari?! Bakit napunta ako sa isang Fairytale? Sino ka?” sunod sunod niyang tanong. Dahil litong lito na siya sa mga nangyayari sa kaniya.
“Natatandaan mo ba ang nangyari sa iyo?” tanong ng matanda. Huminga siya ng malalim at inaalala ang mga nangyari.
“Natatandaan ko na pumunta ako sa bahay ni Timothy. At may isang sasakyan na humaharurot at binangga ako. Tumilapon ako sa isang malamig na daan.. ang sakit. Tapos wala na it turned black” nanlaki ng kaniyang mga mata “P-patay na ba ako?!” pero bakit madilim? “N-nasa i-impyerno ba a-ako?! Ikaw ba si Kamatayan at nandito ka ngayon para kunin ako?!”
Inirapan naman siya ng matanda “Excuse me? Nakakita ka na ba ng Kamatayan na eleganteng tulad ko? Fairy Godmother pwede pa” sabi nito. Napatango naman siya. Oo nga ang elegante ng kaniyang suot. Mukha siyang mayaman.
“Hindi ka patay. Hindi pa, pero nasa panganib ngayon ang iyong buhay” malungkot na sabi ng matanda sa kaniya.
“I’m dying?” malungkot na tanong nito.Tinignan naman siya ng matanda.
“Alam mo ba? May isang fairytale ako na gustong maging isang Happy Ending. Nagsimula iyon sa isang lugar ng Apethorpe may isang babae roon na itinakdang ikasal sa Prinsipe" huminga ito ng malalim bago nagsalita muli."Ngayon gusto mo bang lumaban at mabuhay para sa fairytale na iyon?” tanong nito. Biglang bumalik ang isang alaala sa kaniya.
Flashback
Yumuko si Alas at tinanggal ang aking suot na heels. “A-anong g-ginagawa mo?!” tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako sinagot.
Iginiya niya ako sa kaniya, ngayon ay nakatapak na ako sa kaniyang sapatos. Nginitian niy ako. Umiwas naman ako ng tingin. Wag kang kiligin Abcidii!
“Leave the dancing to me, my princess” sabi niya. Ang bango niya talaga kainis! Parehas kaming natawa sa sinabi niya. Nagsimulang tumugtog ang musika.
Hinawakan ako ng maigi ni Alas at nagsimulang magsayaw. Hindi ko siya naapakan o kung ano man nagsasayaw lang kami ng maayos kahit pa na nasa taas lang ako ng kaniyang mga paa.
Habang bumabagal nag music ay ipinulupot ko ang aking mga kamay sa kaniyang leeg siya naman sa aking bewang.
I rested my forehead on his, taking that familiar scent he always had.
“I have something important to say to you, Abcidii” kumunot naman ang aking noo. “I think I’m falling for you. Hopelessly in love with you, Princess. I love you” pagkatapos non ay hinlikan niya ako.End of flashback
W-wait? Bat ganoon? Hindi ba’t bago niya pa sinabing In love siya sa aking ay dumating si Gwen? Hindi nangyari ang part na iyon pero bakit biglang nasa alaala ko iyon?
“Yes Fairy Godmother, lalaban po ako para kay Alas” lalaban ako para kay Alas at para sa aking Mama.
Ilang araw na ang nakalipas pero nakahiga at comatose pa din si Abcidii.
“Abcidii, he needs you. Hindi kita maaaring kunin sa kaniya. Gumising ka na, but there’s a price you need to pay”
Biglang iminulat ni Abcidii ang kaniyang mga mata. Agad naman lumapit si Alas sa kaniya. “Princess, you’re awake?!” masayang sabi ni Alas. “Oh God, Abcidii! Are you alright?” tanong nito sa dalaga pero tinitignan siya lang nito ng may pagtataka. “T-teka lang tatawag ako ng doctor!”
“W-who are you?” tanong nito sa binata. Napanganga naman ang Prinsipe. Hindi siya nito makilala?
“Ang iyong memorya. Para magising ka kailangan kong kunin ito sa iyo”
-
A/n: Hala nagka amnesia si Abcidii!Happy 2.05k reads! ☆
Don't forget to vote if you like this chapter! Comments are highly appreciated :)
Short update hehe -kbluescript ♡
BINABASA MO ANG
Marrying The Prince(COMPLETED)
Teen FictionKailangang pakasalan ni Abcidii si Prinsipe Alastair Lewis Markinswell dahil sa isang kasunduan na ginawa pa ng kanilang mga ninuno. Will they end up falling in love in this modern day fairy tale? Highest Ranked Achieved 04/25/18 #361 Marrying Serie...