Chapter 33

2.6K 209 34
                                    


"Kailangan ng prinsipe na makasal sa isang totoong Harridan para mapanatili ang kaniyang pagiging Prinsipe, Paano na ang pagmamahalan nila ni Abcidii? Iiwan niya ba si Abcidii para sa totoong Harridan?" napairap ang reyna sa mga tanong ng mga reporter sa kaniya.

Wala na siyang pakialam ngayon sa testmaneto ng dating hari dahil ang tanging gusto niya lang ngayon ay ang mawala ang Abcidii na iyon sa pamilya niya.

"We're looking for the true descendant and I'm sure my son..." lumingon siya sa lugar kung nasaan ang prinsipe ngunit wala na ito. "Nasaan siya?!"

Iginala niya ang paningin niya at nakita niyang pinuntahan si Abcidii. Nagaapoy ang kaniyang mga matang tinignan ang mga ito.

Abcidii Pov

"Alas? Anong nangyayari? Totoo ba iyon?" tanong ko sa kaniya. Nakatingin ang lahat sa amin pati na rin ang hari at reyna.

Bigla niya akong niyakap at tumitig sa aking mga mata. "I love you" bulong niya. Nanlaki ang aking mga mata, hinalikan niya ako sa aking noo. "I'll give up the throne!" nagulat ang lahat maging ako sa kaniyang sinabi. Nagsimulang magbulungan ang mga tao.



Andito kami ngayon sa kaniyang sasakyan. Tahimik lang siya sa pagddrive at hindi kumikibo. "Sabihin mo sa akin na hindi totoo yung sinabi mo kanina at umaarte ka lang! Hindi mo iiwan ang trono para sa akin. At teka lang paanong naging ampon si Papa?!" this is too much! Hindi ko kinakaya ang mga nangyayari! Paanong naging ampon si Papa? The last time I check hindi naman.

Naloloka na ako, kamusta kaya si Mama? Sigurado ako sa mga oras din na ito ay naguguluhan na din siya dahil wala namang nabanggit si Papa sa amin na ampon lang siya.

Huminga ako ng malalim "Huyy! Sumagot ka naman" bwiset na sabi ko. Paano kaya kanina pa ako nagsasalita dito ni isang response galing sa kaniya wala. Ts.

"I know what I'm doing Princess" sagot niya ng hindi ako binabalingan. "Trust me" dagdag pa niya.

"Wag mo na akong tawaging 'Princess' hindi na ako magiging ganon. At ayaw kong maging ganon"

"Nonsense" tumingin siya sa akin "You'll always be my princess no matter what." Bwiset! Ganyan na nga ang sitwasyon namin nagagawa niya pa akong pakiligin. Gusto kong malaman ang totoo!

"Nasaan tayo?" tanong ko kay Alas. Ilang oras din ang biyahe namin at napadpad kami sa isang resthouse. Hindi ito gaanong malaki at isang palapag lang ang meron ito.  Malayo din ito sa mga tao. Nakapalibot sa bahay ang mga punong kahoy kaya relaxing ang ambiance nito.

 Nakapalibot sa bahay ang mga punong kahoy kaya relaxing ang ambiance nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"This is my grandmothers' rest house. Pinamana niya ito sa akin bago siya mamatay. Nobody knows about this place. With that announcement? It'll be safer to keep you here. " hinawakan ko ang aking ulo. Ano ba itong mga nangyayari?!

Marrying The Prince(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon