Haine's POV
Kaninang dumating kami sa tapat ng school naabutan namin ang mga lalaking estudyante na papalapit samin. Hanggang ngayon di pa rin sila nagbabago. Queens pa rin ang tawag nila samin. Well kahit naman kasi hindi ako pareho manamit kagaya ng mga kaibigan ko ay marami pa ring naghahabol sa kin. Dahil daw matalino at may appeal daw ako. Pero may nahagip ang mata ko na isang lalaking familiar. Medyo malayo-layo pa siya sa pwestong kinaroroonan namin. Kaya nung nakita kong papalapit na siya ay na confirm ko kung sino talaga siya. Si Mr. Babo, bakit kaya nandito siya sa school namin?
I'll see you SOON Miss.
Ito nag-e-echo na naman ang mga salitang yan sa pag-iisip ko. Bago pa siya makalapit ng tuluyan sa amin ay hinila ko na ang dalawang kaibigan ko na may plano pa yatang makipag kamustahan sa mga lalaking nandito na sa mga harap namin.
"Chandy, What's your problem? Nakakahiya sa mga boys oh. Hinintay pa yata talaga nila tayo na makarating sa school. Look at your surroundings, may mga bitbit na regalo ang ilan sa kanila. Sayang naman kung hindi natin tatanggapin." si Eleina yan. Ganyan yan palagi kapag nakakakita ng mga lalaking may dalang regalo.
"He's here. I saw him." sabi ko sa kanila.
"Who's here? You saw who?" si Miki na naguguluhan sa sinabi ko.
"That Mr. Babo." sagot ko na ikinagulat naman nila.
"Oh. Saan siya? Bat di mo kami ipakilala? Hinanap ka pa talaga niya." si Eleina na lilingon pa sana sa likod para makita si Mr. Babo.
"I don't have any plan on seeing him again. Tsaka di ko alam kung anong rason niya at napadpad siya dito sa school natin. Dahil sa pagkakatanda ko di ko pa nakikita ang mukha niya sa school natin simula nung pumasok tayo dito." sagit ko na lang habang naglalakad papalayo sa parking lot.
"Well, I guess you will see him again even if you don't want to. 'Cause I think he transfered here." si Miki. Tama siya kahit gustohin ko mang hindi makita ang lalaking yan wala akong magagawa. Pano nagkaroon ng idea si Miki na transferee ang lalaking yon. Simple lang naman, hindi sila nagpapapasok ng kung sino-sino dito sa University na 'to. Mahigpit ang security nila dahil para masiguradong ligtas ang mga mag-aaral dito. Nabanggit ko naman di ba na para sa mayayaman at kilalang tao ang eskwelahang ito. Kung hindi ko pa nababanggit, ito kababanggit ko lang kaya alam niyo na.
"I just hope na hindi kami pareho ng kurso, at maging worst pa kapag classmates kami." sabi ko na lang na napapa-iling na lang sa naiisip. God. Bakit ba nangyayari ito?
"Goodluck girl." sabi na lang ni Eleina.
Nandito na kami sa room namin at thanks God dahil wala pa akong nakikitang bagong student puro kasi familiar faces ang nakikita ko. Narinig ko naman ang mga pinag-uusapan ng mga classmates naming babae tungkol sa tatlong lalaking transferee daw. So, nagdala pa talaga siya dito ng kampon niya. Haizt. Bigla namang bumukas ang pinto ng room namin kaya nagulat yung mga nagkwekwentohan. Gusto ko sanang tingnan kung sino yung dumating pero may pumipigil sakin na gawin yun kaya naman nakipag-kwentohan na lang ako sa kanila Eleina at Miki. Narinig naman namin ang pag-uusap nila. Kaya pala parang ayaw ko tingnan kung sino yung dumating dahil kilala ko na siya. Boses pa lang niya kilala ko na agad kung sino siya. Sino pa ba eh di si Mr. Babo. Nagtaka naman sina Eleina at Miki kung bakit natahimik yata ako at bigla daw namutla sandali.
BINABASA MO ANG
Mischievous Fate
FanfictionMasakit magmahal ng taong hindi ka mahal. © All Rights Reserved 2014 .