Xynon's POV
Nandito kaming lahat sa living room ng bahay nila Haine at nagkwekwentohan lang kami about sa gagawin naming routine para sa contest ng biglang iniba ni Alex ang usapan.
"Guys, kain muna tayo. Medyo nagugutom na ako eh." sabi ni Alex samin.
"Mahiya ka nga unggoy. Hindi mo 'to lugar." sabi ni Takumi.
"Sa gwapo kong ito tatawagin mo akong MONKEY? Hoy Takumi, nakakalimutan mo na yatang mas matanda pa rin ako sayo ng ilang buwan kaya galangin mo ako." medyo napapataas na saad ni Alex.
"Sige po LOLO." Takumi
"HAHAHAHAHAHA" tawanan naming lahat.
"Guys kain na muna tayo. Tara punta muna tayo sa McDo." sabi ni Eleina.
"Game. Libre niyo?" tanong ni Shanine.
"Ako na lang ang magbabayad." presinta ko sa kanila.
"Wag na Xynon. Nakakahiya, dapat kami nga ang umaasikaso sa inyo dahil bisita namin kayo pero hindi man lang kami nakapaghanda." hinging paumanhin ni Haine.
"Ganito na lang, tutal nandito naman lang tayo bakit hindi na lang tayo magluto? May mga sangkap naman kayo siguro dito sa bahay niyo?"
"Ano bang pwedeng lutuin?" tanong ni Haine.
"Kahit naman siguro anong sangkap pwedeng lutuin." pambabara ni Zian.
"Ikaw ba tinatanong ko? Manahimik ka na lang diyan. Xynon ano bang gusto mong lutuin natin?" medyo pikon na si Haine dahil kay Zian.
"Lasagna" sagot ko na lang.
"Miki may ingredients ba tayo ng Lasagna sa fridge?" tanong ni Haine kay Miki.
"Wala eh. Bili na lang tayo sa super market tutal malapit lang din naman dito satin eh." sagot ni Miki.
"Kami na ni Alex ang bibili." pagprepresinta ni Zian
"Ayoko nga. Kung gusto mo ng may kasama yayain mo si Takumi o di kaya si Haine."
"Wag kang kakain." sabi ni Zian kay Alex.
"Sabi ko nga sasama na ako eh. May gusto pa ba kayong ipabili?" tanong ni Alex samin na parang napipilitan.
"Bumili ka ng napkin." sabi ni Eleina. Hahaha. Sa lalaki pa siya nagpapabili ng napkin.
"Ah napkin lang pala. Teka, NAPKIN ang pinapabili mo? Seryoso ka? Aba naglolokohan yata tayo dito?" sabi ni Alex na hindi makapaniwala. Ibang klaseng babae, kung iba siguro mahihiya pa sa pagsasabi niyan pero siya? Parang wala lang sa kanya.
"Oo, seryoso ako. Naubusan kami ng supply ng napkin kanina. Nakalimutan naming bumili. Tutal nagpresinta edi bilhan mo na lang kami. Don't worry babayaran kita pati ang labor. Whisper with wings yung bilhin mo. Hindi kami gumagamit ng ibang brand ng napkin eh." Hahaha. Yung tatlong babae sa gilid paarang nahihiya sa pinagsasasabi ni Eleina kay Alex. Namumula na nga eh. Ganon ba talaga ka awkward kapag napkin ang usapan?
"Aish. Kahit wala nang LABOR Ms. Walang-Hiya-Hiya." sabi ni Alex "Bro ikaw na pumunta sa section ng mga napkins mamaya."
"Aba, ikaw nagpresinta na ikaw ang bibili ng gusto nilang ipabili edi ikaw din ang dapat na pumunta doon." sabi ni Zian sa kanya. Yung mukha ni Alex? Priceless. Umalis na yung dalawa na nagbabangayan pa. Kami nalang ni Takumi ang mga lalaking naiwan dito. Medyo awkward para sakin dahil di ko naman siya masyadong nakakausap o nahahalubilo. Ngayon ko nga lang sila nakasama lang eh. Except for her.
BINABASA MO ANG
Mischievous Fate
FanfictionMasakit magmahal ng taong hindi ka mahal. © All Rights Reserved 2014 .