Chapter 8

101 22 13
                                    

Zian's POV

Loko-loko talaga kanina si Alex, pagtripan ba naman ang si Ms. Cuss. Ginawa pang bodyguard sa liit ng katawan nun sigurado akong di niya kaya lumaban. Pero nagtataka talaga ako sa background ng babaeng yon. Sino b namang hindi magtataka, akalain mong napakasimpleng manamit pero ang daming pera naman pala. Aba marami yatang tinatago ang babaeng yon. Baka naman kung gabi eh prosti siya? Tapos kapag umaga Ms. pa-inosente?

Aish. Bat ba napapaisip ako kung anong background meron siya? Nakakagulat kasi kanina, kukuha na sana ako ng perang pambayad sa kinain namin pero siya may binigay lang na card. Hindi naman daw credit o debit card yung iniabot niya tapos okay na at wala na kaming babayaran. Hindi ko din maintindihan kung bakit ang sungit-sungit niya sakin. Kung dahil man yon sa halik na ginawa ko, pasalamat siya at naranasan niyang mahalikan ng isang Zian Amiel. Aba, marami kayang naghahabol sakin. Hindi ako nagbubuhat ng sarili kong bangko pero yun ang totoo. Nung naglalakad siya kanina napansin kong napahinto siya sa isang shop ng mga Teddy Bear. Malaki na siya mahilig pa din siya sa mga pambata. Napansin ko din yung babae, siya siguro yung manager, nagngitian lang sila at kinuha na niya agad ang Teddy Bear at ibinalot. Weird di ba? Sino ba namang tao ang makakaintindi ng isang ngiti ng isang taong napadaan lang sa shop nila tapos bigla-bigla na lang ibinalot ang tiningnan. Way of communication ba nila yun? May pagkasa-Alien ba si Ms. Cuss? 

"Dude san ka ba galing kanina at bigla-bigla ka na lang nawawala?" napakamatanungin talaga nitong Alex na 'to.

"Di ba sabi ko may binili lang ako." sagit ko na lang.

"Nasan ang binili mo? Wala ka namang bitbit pagbalik mo." si Takumi na nagtataka.

"Idedeliver mamaya" sagot ko na lang.

"Ano bang binili mo at kailangan pang ipadeliver?" bat ba ang daming tanong ng isang 'to?

"Bat ba ang dami mong tanong?" tanong ko din kay Alex. 

"Nakapagtataka lang kasi." sagot niya.

"Malalaman mo din mamaya." sagot ko na lang para manahimik.

Ang totoo kasi niyan, binalikan ko yung shop na hinintoan ng masungit na babaeng yon. Bibilhin ko kasi yung Teddy Bear para sa kanya. Di ko alam kung bakit parang may nagtutulak sakin na bilhin yon para sa kanya.

...flashback... 

"Excuse me Miss. Nasan na yung malaking Teddy Bear kanina dito?" nakita ko naman kanina na ibinalot niya na yon. Itatanong ko lang kung may bumili ba niyon. Kasi naman di ba? Nagngitian lang sila kanina ibinalot agad yung Bear.

"Ah Sir, may bumili na po kasi." sagot nung babae.

"Wala naman akong nakitang may pumasok dito maliban sakin at bumili ng Teddy Bear." sabi ko sa kanya.

"Ah, kasi po nagustohan kasi ni Maam Haine yung Bear kaya ibinalot ko na po baka kasi may magkainteres pa at bilhin. Nag-iisa lang po kasi yun." O_O kilala niya ang babaeng yon. Ano ba talagang background meron ang PMS na Ms. Cuss na iyon?

"Sino ba yang Haine na yan? Siya ba may-ari ng shop na ito?" kailangan kong magpanggap na hindi ko kilala si Chantal. Kailangan ko din kasing malaman ang background niya.

"Hindi ko po masasagot yan." tanggi ng babae. Kailangan ko pa yatang makipag-plastikan dito. Makapag-acting nga.

"Can you just tell me? Gusto kasing bilhin yung bear para sa kapatid ko. Gustong-gusto kasi niya ang Bear nayon. Hindi lang agad namin nabili dahil nagmamadali kaming umalis nung nakaraang araw." pagpapanggap ko. Sana tumalab. *cross finger*

Mischievous FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon