Miki's POV
Dahil ako ang mag-p-POV magtiis kayo dahil hindi ko alam kung ano ba dapat ang mga sasabihin sa isang POV. I have NO IDEA how to do a POV. Kaya pasensyahan tayo kung pangit POV ko, bawi naman sa ganda ko. ;)
Nagluluto na ako ng dinner namin. Kung hindi pa nababanggit sa inyo ni Chandy na ako ang Chef samin ngayon alam niyo na. Saming tatlo, si Chandy talaga ang mas masarap magluto. Pero nagluluto lang yan pagmasaya. Sabi kasi niya mas nagiging masarap ang nilulutong pagkain kung ang mismong nagluluto ay masaya. Kasi parang sangkap din daw ang emosyon sa pagluluto. Wala akong idea diyan kaya um-Oo na lang ako sa kanya.
"Miki matagal pa ba yan?" sigaw ni Eleina nasa sala silang dalawa ni Chandy nanunood ng The Heirs.
"Sandali na lang." balik sigaw ko. Maaga talaga kaming nag-di-dinner kasi di kami sanay na kumain ng gabi na talaga except lang kung may dinner party o di naman kaya dinner appointment.
"Ang gwapo ni Minho~oppa. Kyaaaaaaaaa" nakakabingi din sila kung minsan. Si Eleina yang sumisigaw. Mabuti na lang may TV din dito sa kusina kaya nakakanood din ako. Aba di ako papayag na hindi makapanood ng K-Drama ng aking hubby. Chos. Hahaha. Wag kayo fan girl din ako ni Lee Min Ho.
"Ang cute ni Min Hyuk. Kyaaaaaaaaa" si Chandy naman yan. Mahilig sa cute yan eh.
"Gusto ko makita si Min Hyuk."
O_o
Ayan na naman siya na-a-adik kay Min Hyuk. Kung sino tinutukoy ko alam niyo na.
"Sabihin mo sa Daddy mo."
"Wag na. Baka makakaabala pa ako sa schedule nila."
"Bahala ka diyan."
Yan ang mga naririnig kong pag-uusap nilang dalawa. Inihahain ko na ang niluto ko. Tapos naman na din ako magluto kaya makakakain na din kami. Matawag na nga lang sila.
"Girls lets eat." agad naman na silang lumapit sa dinning table.
"WOW OoO Menudo ulam natin. Hindi na tayo napagkakamalang taga ibang bansa dahil puro Filipino foods kinakain natin." komento ni Haine. Tama siya, nakahiligan na naming kumain ng Filipino foods. Ang sasarap kaya. Favorite namin Adobo kaya lang di kami nakabili ng ingredients sa super market. Hatian kami sa gawaing bahay dito. Nabanggit naman na siguro ni Chandy na gusto niyang maranasang maging independent kaya lang sinundan namin ni Eleina dito. Kaya ang deal hatian sa lahat ng gawaing bahay.
"Lets eat na para makapag-ayos na tayo." sabi ni Eleina. Malakas ang radar ko na type niya si Alex. Sa ugali pa lang niya. Aw. Mahilig sa Playboy. Mahilig makipaglaro at magpabigo.
"Excited much? 8 pa kaya ang usapan. Mag-si-six pa lang ah." sabi ni Chandy na tiningnan muna ang oras sa kanyang wrist watch.
"Alam mo namang mabagal kaming kumain at mag-ayos kaya baka malate pa nga tayo." sabi ko sa kanya which is totoo naman.
"Ay oo nga. ^_^V" sabi niya na naka-Peace sign.
Natapos kaming kumaing tatlo at si Chandy na ang nagligpit ng pinagkainan namin siya na rin ang naghugas. Kami naman ni Eleina ay pumasok na sa aming kwarto. Di kami magkasama sa iisang kwarto ha. May kanya-kanya kaming kwarto sa bahay na ito. Si Chandy ang nakatoka sa paghuhugas ng mga pinggan at pagliligpit ng pinagkainan. Mag-aayos na muna kami kaya mamaya na ulit ang kwentohan. Sayonara :)
BINABASA MO ANG
Mischievous Fate
FanfictionMasakit magmahal ng taong hindi ka mahal. © All Rights Reserved 2014 .