Chapter 4

129 21 22
                                    

Haine's POV

Two weeks had past and here we go again back to school. Actually okay na din ito kaysa naman tumunganga na lang ako sa bahay palagi. Tamad pa naman din ako pumunta sa mga mall dahil nakakapagod lang kaya maglibot. Hindi ako pareho sa dalawa kung bessies na mahilig mamakyaw ng mga damit at kung ano-ano pa na mga mamahaling bagay. Aksaya lang sa pera ang mga binibili nila. Nandito ako sa salas ng bahay namin at hinihintay ang dalawa na matapos sa ritwal nila. Ito na nga ba sinasabi ko, ang bababagal nilang kumilos palagi kaya maaga akong nagigising para maghanda ng almusal namin. Isa ito sa mga hiniling ko kay Daddy ang wala dapat silang i-hire na mga katulong kaya yung dalawa ay nagmaktol nung nalaman nila na kami ang gagawa ng mga household chores. Wala naman silang magagawa nakikitira lang sila dito sa bahay ko. Nag-alok pa sila na sila na ang magbabayad ng sweldo ng katulong pero tinanggihan ko. Pano kami matututong mamuhay ng independent kung aasa pa din sila sa ibang tao para gawin ang mga simpleng bagay. Wala silang nagawa dahil hindi ako pumayag. Kahit hindi ako ang nakakatanda saming tatlo ako pa rin ang nasusunod sa mga desisyon. Takot sila kay Daddy eh. Hahaha. Matawag na nga lang yung dalawa at kanina pa talaga ako dito nag-aantay. Tapos na naman kami kumain kanina pa kaya ang pag-alis na lang talaga nila sa harapan ng salamin ang hinihintay ko.

"Eleina! Miki! Kinain na ba kayo ng mga salamin at hindi pa rin kayo lumalabas diyan sa mga kwarto niyo?" sigaw ko para marinig nila. Tinatamad na kasi akong tumayo. Nakita ko namang pababa na ng hagdan si Eleina.

"Aish. Bat ba kasi nagmamadali ka? Di pa naman tayo late eh. Tsaka kung sakaling malate man tayo, first day pa naman, kaya HELLO? hindi naman tayo siguro pagagalitan ng mga Profs natin. Tsaka tingnan mo yang itsura mo, di ka man lang nag-ayos. Kaya pala ang bilis mong matapos sa pag-aayos." si Eleina yan. Ganyan talaga yan, pinupunaan ang pananamit ko. Ano bang masama sa ayos ko? T-shirt na medyo maluwag sakin, skinny jeans at naka rubber shoes lang naman ang ayos ko ah.

"Ano namang masama sa ayos ko?" sabay kuha ng aking nerdy glass na wala namang grado pang style lang. "Asan na si Miki?" tanong ko na lang.

"Ayun pababa na." sabay nguso kay Miki na pababa na din ng hagdan. Sa wakas. "Tsaka tanggalin mo nga yang nerdy glass mo. Para ka tuloy Nerd niyan. Bat ba kasi ayaw mong mag-ayos tulad namin ni Miki? Maganda ka naman, dapat pala palagi kayong may dinner appointment nila Tito para mag-ayos ka." pahabol niya pa.

"Hayaan mo na nga lang siya Eleina." si Miki na nakababa na din. "Matututo din yang isang yan manamit pag may napusoan na siyang lalaki. Malay natin kapag nagkita sila ulit ni Mr. Babo mag-iba na siya. Hahaha" ampu. Kailangan talaga ipaalala si Mr. Babo? Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nung mangyari ang insedenteng yon at panay Mr. Babo na lang ang bukang bibig niyang si Miki.

"Ewan ko sa inyo." tanging sabi ko sa kanila sabay labas ng bahay. Narinig ko naman ang mahinang paghagikhik nila ni Eleina. Nagpipigil pa ng tawa. Psh. "Hindi pa ba kayo lalabas diyan? Iwanan ko na nga lang kayo. Gusto niyo?" sabi ko sa kanila na medyo irita na ang boses.

"Hahaha" ayon napatawa din ng malakas pinipigilan pa kasi. "Chill lang girl. Ito naman ang aga-aga napipikon agad." si Eleina na nakalapit na sakin. Si Miki na ang magsasara ng pinto tutal siya naman ang huling lalabas. Sumakay na lang kami ni Eleina sa bago kong kotse. Pinadalhan ako ni Daddy ng bagong kotse a day after that accident. Baka daw kasi wala kaming magamit kapag maglalakwatsya kami.

"So, lets go na?" si Miki kasasakay lang siya ang nasa back seat dahil naunahan siya ni Eleina sa passenger's seat ako ang nasa driver's seat eh.

"Yeah. Kanina pa nagmamadali itong si Chandy." si Eleina na ang sumagot.

Mischievous FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon