Haine's POV
Nandito pa rin kami sa Italian Restaurant na pinasukan namin. Mabuti na lang at mabilis silang magserbisyo kaya wala nang oras para makipag-plastikan sa tatlong lalaking kaharap namin. Gusto niyo malaman ang arrangements namin?
Ako | Eleina | Miki
---------------------------------------------
Mr. Babo | Alex | Takumi
Ang ganda ng sitting arrangements namin noh? Psh. Hindi tuloy ako makakainin ng maayos, feeling ko kasi may tumitingin sa bawat galaw ko. Tsk. Bahala na nga lang, walang pakialamanan basta kakain ako.
"May konting dumi yung sa bandang labi mo." sabi ng kaharap ko. Agad ko namang pinunasan ang bibig ko.
O_O
Nagulat naman ako ng bigla niyang inilapit ang isang kamay niya at siya na mismo ang nagpunas ng dumi.
"Hindi mo masyadong napunasan yung dumi kaya ako na lang ang nagpunas." nakangiti naman niyang sabi. Feeling ko namumula ang pisngi ko ngayon.
"Thanks." tanging tugon ko. Pakiramdam ko naman yung apat naming kasama napangiti.
"You know what, parang ang cute mo kapag kumakain." biglang sabi niya na ikinagulat ko ulit. Nagulat din naman ang apat dahil sa sinabi niya, napahinto kasi sa pagsubo ng mga pagkain. Sakto namang umiinom ako ng Red Tea kaya yung nangyari, naibuga ko sa mukha niya ang iniinom ko. Hahaha.
"Hahaha" tawa ng lahat. yung itsura naman niya hindi na maipinta. Well yan ang napapala ng mga taong bigla-bigla nalang magsasalita ng mga bagay na ikakagulat talaga.
"Mian" sabi ko na lang.
"Tch" pinunasan niya na ang mukha niyang basa ng nabuga kong Tea. Di naman mabaho hininga ko.
"Bro. First time yatang nangyari sayo ang mabugahan ng inumin." si Alex na nagpipigil na ng tawa dahil sinamaan siya ng tingin ni Mr. Babo.
"It's none of your concern." sabi niya na lang.
Natapos kaming kumain pero wala yata silang planong tawagin ang waiter para magbayad. Makikipagkwentohan pa yata. Wala na sana akong pakialam kung ano man ang pag-uusapan nila. Kaya lang...
"Magkano bayad nila sa serbisyo mo Haine?" mapanglokong tanong ni Alex. Hindi niya pala ako kilala, well lahat naman sa school di alam na mayaman ako. Akala nila nagtatrabaho ako para sa dalawang ito.
"Excuse me?" may pagka-iritable kong tugon.
"Narinig kasi namin kanina sa school habang papalabas na kami yung mga kwentohan ng mga babae. Sabi nila kung makaasta ka parang mayaman pero bodyguard ka lang naman." Ah. Yun pala ang ibig niyang sabihin. Akala ko kasi kung ano na.
"Bakit gusto mong malaman?" tanong ko na lang.
"Wala lang. Curious lang kasi ako. Kasi sa pagkakaalam ko para sa mayayaman lang ang school natin. Don't be offended pero hindi ka mukhang mayaman." sabi niya. Psh. Kapag ba simple manamit ibig sabihin mahirap agad? Mga mayayabang nga namang mayaman.
"You don't need to know." sagot ko na lang. Bahala siyang isipin kung ano man ang gusto niyang isipin.
"Guys, may plano pa ba kayong pumasok? We only have 30 minutes time before our next class. Sa tingin ko naman eh blocked classmates tayo." si Takumi. Ang cute niya talaga promise.
"I'll be the one to pay our bills." sabi ni Mr. Babo. Pakitang gilas. Lumapit naman ang isang waitress.
"Yes Sir?" nagpapacute na tanong niya. *insert irap here*
BINABASA MO ANG
Mischievous Fate
FanfictionMasakit magmahal ng taong hindi ka mahal. © All Rights Reserved 2014 .