Chapter 1

229 22 31
                                    

Haine's POV

"Yes Dad, I'm on my way na diyan sa Restaurant na sinasabi niyo." si Daddy ko tumatawag na sakin dahil late na daw ako. Di pa sabihing miss niya na ako kaya pinapamadali niya na akong pumunta sa restaurant. Paliparin ko na nga lang tong kotse ko. XD

"Chandy please make it fast ok?" sabi ni Daddy sa kabilang linya.

"Ok Dad. Atat ka lang makita ako eh. Sabihin mo na lang kasing miss niyo na ako ni Mommy. Hahaha" sabi ko kay Daddy. Namiss ko din naman sila ah. Dito ako nakatira sa Pilipinas sila naman sa Korea. Mas gusto kong ma-experience na mabuhay mag-isa kaya lang yung dalawa kung bestfriend sinundan ako dito sa Pinas. Kaya yung plano kong maging independent di natuloy dahil sa dalawang yun.

"Dear namiss ka na nga namin ni Daddy mo kaya bilis-bilisan mo na diyan Arasso?" si Mommy kinuha pala ang phone kay Daddy. Napapangiti na lang ako sa sinabi ni Mommy.

"I miss you too Mommy. I'll call you na lang if nandiyan na ako sa Restaurant ok?" sabi ko na lang sa kabilang linya.

"Ok, just take care at baka ma-accidente ka." sabi ni Mommy sa kabilang linya.

"Ok Mom. Ibababa ko na ang phone ko. Bye." sabi ko na lang sabay patay ng call. hindi yan matatapos sa kakasalita si Mommy kapag hindi ko pa inend ang call.

Magpapakilala na muna ako sa inyo habang nagmamaneho ako. Para naman may kakwentohan ako at hindi ako mabore habang nagdadrive. Ako nga pala si Haine Chandria Kim. 17 years old taga Korea pero sa Pilipinas nakatira dahil bet ko matutong maging independent. Pahirapan pa sa pagpayag sa kanila Mommy at Daddy na dito ako tutuloy sa Pilipinas at mag-aaral. Sa Guilarine University ako nag-aaral at mag-se-second year college na. I'm taking up Business Administration Major in Marketing Management. Kasama ko nakatira sa iisang bahay ang dalawa kong bestfriend. Tama kayo ng basa, Bahay as in House. Isa sa kondisyon nila Mommy at Daddy na hindi ako mag-a-apartment o mag-do-dorm kaya pinagawan nila ako ng bahay dito sa Pilipinas bago pa ako makarating dito. Sinundan ako ng dalawa kong BFFs dahil hindi daw magiging kumpleto ang araw nila pag di ako kasama kaya ayon parang buntot ko. Mabuti na lang at nagpaiwan sila ngayon sa bahay dahil tinatamad daw sila, if I know natatakot lang sila kay Daddy. Hahaha. Takot kasi ang mga yun sa Daddy ko. 17 years old pero nagmamaneho ng sasakyan, hindi naman malalaman kung sino o ano ang nagdadrive sa loob ng kotse ko dahil tinted ang kotse ko at mabagal lang ako magpatakbo kung minsan dahil sa mga enforcers na nakikita ko except kung nagmamadali ako. 

Papunta nga pala ako sa Restaurant kung nasaan ang mga magulang ko. Pumunta talaga sila dito sa Pinas para makita ako di pa kasi ako umuuwi ng Korea simula ng dumating ako dito kaya wag kayong magtaka kung magaling na ako sa Tagalog, 2 years naman na din kasi ako dito eh. Ang usapan namin ni Daddy 7:30 P.M kami magkikita dahil pag nag 9 na ay uuwi na sila ni Mommy sa Korea gamit ang private plane namin. Tiningnan ko naman ang relo ko at mag-se-seven palang kaya napapailing ako sa kay Daddy pagnaiisip ko yung convo namin kanina. Haizt. 

screeeeeeeechhhhhhhh...

Ampu. May nakabungguan ako. Paktay ako nito kay Daddy. Masilip nga kung sino itong hinayupak na driver na ito. Hindi tumitingin sa traffic lights. Green na yung light na nasa side ko which means Go at yung sa pinanggalingan niya ay Red which means Stop kaya siya ang may kasalanan kung bakit kami nagkabunggoan. Lagot sakin ang driver na ito ma-le-late pa yata ako sa appointment namin nila Mommy at Daddy. Arghh. Nakakainis talaga. Makababa na nga lang.

Mischievous FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon