Chapter 6

81 20 16
                                    

Zian's POV

Pinakilala namin isa-isa ang mga sarili namin kanina sa klase. As usual madaming babaeng nagtititili samin maliban sa tatlong babaeg nasa harapan namin bawat-isa pati si Shanine na pinsan ko. Narinig ko pang sabi nung isang lalaki na may kaagaw na naman daw sila sa Queens dahil sa sagot ni Alex kanina na wala daw kaming mga girlfriends and that's true naman. Kaya itong si Takumi nagtanong na kung sino ba ang mga Queens na yan. Isa-isa namang tumayo ang mga kaharap sa upuan nila Alex at Takumi. Nasan yung isang member ng Queens? Tatlo sila di ba? Maya-maya pa ay tumayo din ang babaeng nasa harapan ko, siya pala ang isa sa member ng Queens. Napakasimple naman yata niyang manamit di katulad dun sa dalawang naunang tumayo. Isa-isa na silang pumunta sa harap at nagpakilala.

"Hi. My name is Eleina Chiara Jung. Just call me Eleina." ang hot niya. Ito ang tipo ni Alex eh.

"Hi minna. My name is Miki Ayami Furukawa. Just call me Miki." haponesa pala ang isang Queen. Magkakasundo sila siguro ni Takumi. Model-type naman siya.

"Hi. My name is Haine Chantal Kim. Just call me Haine." she looks familiar.

"Your very simple, how could you be one of the Queens?" biglang tanong ko. Mukha kasing normal lang siya. I mean, mukhang hindi maarte pero makikita mo namang may appeal siya.

"I know right. Dapat ako ang tinatawag na Queen imbis na siya." biglang nagsalita yung isang babae. Tiningnan ko naman ang itsura niya, mukha naman siyang clown. Ang kapal-kapal ng make-up at kinulang yata siya sa tela. Napakaiksi ng damit niya at talagang fitting pa sa katawan. Allowed pala ang ganyang pananamit dito.

"Inggit ka lang." bigla banggit ni Chantal, palaban pala ito eh. Hahaha.

"I know I'm simple. Pero don't judge me because of my looks." sabi niya na nakatingin sakin na asar na asar yata sa pagmumukha ko. She sounds like someone I knew.

"You look familiar." nakangiti kong sabi na ikinagulat naman ng lahat. What's wrong? I'm just curious about her.

"Whatever." sabi niya sabay irap at bumalik na sa kanikanilang upuan. She really do reminds me of her. I'll just ask her then.

...few minutes later...

"Miss pakipulot naman ang ballpen ko. Nahulog kasi at nasa harapan mo." kinalabit ko siya para ipapulot ang ballpen na sinadya ko naman talagang ihulog. Iniabot niya naman sakin ang ballpen ng hindi ako tinitingnan.

"You really look familiar. May you take off your nerdy glasses?" tanong ko sa kanya. Kailangan ko munang maconfirm kung siya talaga yung babaeng hinalikan ko na lang ng basta-basta. Baka magkahawig lang sila.

"I don't owe you a favor to do that." mataray talaga ang isang 'to ah. Kung ayaw mong tanggalin yang salamin, Fine. Matsetsempohan ko din mamaya na makita kang walang nerdy glasses.

"Your attitude also reminds me of someone I met last last week." sabi ko sa kanya. Napansin ko naman na parang nag flinch siya ng konte. Gotcha.

"Whatever. And If you don't want to listen to the discussions don't drag me with your laziness. Can't you see that I'm listening to Ms.?" pagtataray niya pa rin. Wala akong pakialam sa dinidiscuss ngayon ng Prof sa harapan.

"Ok class so next week we will have a talent portion activity. 3 members each group. Bahala kayo sa talent na gusto niyong ipakita. Just discuss it with your group members.  Dapat galingan niyo dahil ang grades niyo ang nakasalalay dito. Anyone there who wants to ask a question? None? End of discussion. So goodbye everyone. See you next meeting." sabi ni Ms. Min at nagmartsa na palabas ng room. Great. So, tapos na ang first class namin.

Mischievous FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon