Chapter 9

80 22 13
                                    

Eleina's POV

Oh? Hi guys ;). Nagtataka ba kayo kung bakit ako ang may POV ngayon? Pareho lang tayo. Dahil ako ang mag-p-POV dapat maganda 'to dapat kasing ganda ko. Hohoho. 

Kadarating lang namin dito sa University namin at talagang pinagtitinginan kami ng mga tao. Yung iba parang mababali na ang leeg kakalingon. Kuya yung totoo? Pwede ka naman humarap, pinapahirapan mo pa sarili mo. Medyo Tanga lang? 

:P

Malamang nabasa niyo naman yung convo namin sa kotse habang nagbabiyahe. Alam niyo kasi, mahirap talagang makuha ang tiwala ni Chandy. Kung nagtataka kayo kung bakit Chandy tawag namin sa kanya, wala lang. Wala lang kaming maisip na itawag sa kanya. Hehehe. Di namin alam kung bakit mahirap para sa kanya ang magtiwala agad sa iba. Natatakot daw kasi siya na baka sa huli masaktan lang din siya. Hindi na namin kinulit kaya wala kaming alam sa ibang rason niya. Hahaha. Maiba tayo, alam niyo? Type ko si Alex kaya nga kinulit ko si Chandy na huwag ng magsungit. Landi ko 'no? 

"Babaita bakit parang lutang ka?" agaw eksena talaga tong si Miki.

"Wala lang, nag-de-day dream lang naman ako." sagot ko sa kanya.

"Wala daw pero nag-de-day dream. Yung totoo nakasinghot ka ba?" walangyang babae 'to. "Tingnan mo yung isa, parang lutang din." sabi niya sabay nguso sa pwesto ni Chandy. Anyare sa kanya?

"Oy" tapik ko sa balikat niya. Tulala eh.

"Ano?" nainis yata sa ginawa ko.

"Bat lutang ka?" tanong namin ni Miki. 

"Excited akong umuwi. May bagong Bear na naman kasi ako." sa mga hindi nakakaalam, isip bata po ang isang tao. Tapang-tapangan lang yan palagi.

"Akala ko ba naman dalaga ka na. Try mo kayang sagutin ang isa sa mga manliligaw mo. Para naman may dahilan naman na magkaroon ng malalaking Bear sa kwarto mo. Halos ikaw na nga ang bumibili ng mga Bear. Try mo kayang tumanggap ng mga Bear galing sa manliligaw mo." sabi ko sa kanya. Kung makikita niyo lang ang kwarto niya. Naku matutuwa ang mahilig sa mga Teddy Bear kahit napakarami niya yan at puro pa malalaki. Kulang na lang maging Shop ang kwarto niya.

"May nagbibigay ba ng mga Teddy Bear? Wala naman ah. Puro bulaklak at chocolates ang binibigay nila. Alam mo namang mahilig ako sa Bears kaya tatanggapin ko yun pag may nagbigay. Syempre dapat cute at huggable. Kung hindi naman cute at huggable wag na lang nila ibigay kasi di ko tatanggapin." kita mo to. Bahala na nga siya sa buhay niya. Yung tatlong lalaki, di pa dumadating. Anyare sa kanila? Na traffic siguro?

Speaking of the three handsome guys nandito na sila. Kyaaaaah!!!

"Hi" bati nila samin. Nginitian na lang namin sila. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nagulat ang mga talanding dito. Si Chandy pilit na ngumiti. Good girl, ayaw niyang magalit sa kanya ang mga nakakatanda sa kanya. :D Mas matanda ako sa kanya ng ilang buwan. At dahil Koreans kami, batid niyo naman siguro na may respeto ang mga nakababata sa nakakatanda kahit buwan lang ang agwat nila sa edad.

tok... tok... tok...

"Good afternoon po. Nandito po ba si Ms. Chantal Kim?" tanong nung lalaking mukhang delivery boy.

"Why are you looking for her?" tanong ni Chandy. Siya nagtanong wag kayong e-epal.

Mischievous FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon