Zian's POV
Kadarating ko lang dito sa bar na palagi naming pinagtatambayan ng mga barkada ko. Grabe yung nangyari kanina. Di ko alam kung bakit ko hinalikan yung babaeng iyon. Para kasing nang-aakit yung mga labi niya habang nagdadadakdak sa pagsermon sakin. Hahaha. Ang pula ng pisngi niya nung hinalikan ko siya sa lips para tuloy ang sarap kurutin hanggang sa mamula ng husto. 5 seconds din naglapat ang mga labi namin at masasabi kung hindi siya marunong humalik. Pano ko nasabi? Simple lang, dahil yung labi niya mapula lang pero halatang wala pang nakakahalik. Maybe I'm her first kiss. Well, swerte siya dahil nahalikan ko siya. Yung iba nga nagkakandarapa na sa harap ko matikman lang ang matamis kong labi.
"Dude Welcome back. Kamusta bakasyon sa England? Madami bang sexy, hot and gorgeous girls doon?" si Alex ang playboy ng barkada. Nginitian ko na lang siya.
"That smile means Yes. So meron ka bang naging girlfriend doon kahit one hour lang?"
"Loko. Madami ngang sexy doon puro hipon naman." sabi ko na lang sa kanya.
"Hahaha. Sabi ko sayo doon ka na lang sa Korea pumunta. Baka sakaling makita mo pa ang SNSD." fan boy ng SNSD nga pala ang lokong ito.
"Pwe. Di ako interesado sa mga K-Pop Dude. Alam mo yan." sabi ko na lang sa kanya. Di naman kasi ako mahilig sa mga K-Pop eh. J-Pop siguro pwede pa, pero mga banda lang.
"Yeah right. Pero 'bat ngayon ka lang dumating? Kanina ka pa namin hinihintay." tanong ni Alex.
"May nakabunggoan lang ako na sasakyan kanina. Talak ng talak kaya di ako agad nakaalis."
"Di ka kasi marunong mag-ingat. So, ano nangyari sa nakabunggoan mo? Lalaki ba o babae ang driver? Binugbog mo?"
"Eh sa nagmamadali na ako makapunta dito eh. Babae ang driver kaya di ko binugbog." sagot ko na lang sa tanong niya. Nakita ko naman na napa-smirked siya dahil sa sagot ko.
"Asan na ba si Takumi? Bat ikaw lang andito sa harap ko. Sabi mo kanina "kami" ang naghihintay." pag-i-iba ko na lang ng topic.
"Yow. Miss me?" ang loko biglang dumating.
"Ayan na ang hinahanap mo. Galing sa CR. Hahaha." si Alex ang nagsalita para kay Takumi.
"Psh." tanging tugon ko.
"Anong pinag-uusapan niyo?" si Takumi na nagtatanong kung anong pinag-uusapan namin ni Alex bago siya dumating.
"May nakabunggoan daw siya kanina bago makarating dito and guess what." si Alex na ang sumagot dahil umiinom na ako ng alak.
"What?" curious na tanong din ni Takumi.
"Babae ang driver. Hahaha." si Alex baliw. Ano namang nakakatawa kung babae yung driver.
"So, ano nangyari? Humingi ba ng pampaayos ng nasira niyang sasakyan?" si Takumi na sakin na nakatingin.
"Hindi siya humingi ng pera. Sorry lang daw kailangan niya. But you know me, di ako humihingi ng sorry kahit kanino except sa parents ko." tanging sagot ko.
"Weh? Di nga?" si Alex na hindi makapaniwala.
"Yun lang talaga nangyari? Base kasi sa itsura mo may iba pang nangyari eh." si Takumi, bat ba napaka observant ng isang 'to? Para ding mind reader ang isang 'to eh.
"Tinawag daw ba ako ng iba't-ibang pangalan like jerk, babo, stupid, dumb at iba pang masasamang salita." sabi ko na naaasar sa tuwing naaalala ko yung mga tawag sakin nung babae.
BINABASA MO ANG
Mischievous Fate
FanficMasakit magmahal ng taong hindi ka mahal. © All Rights Reserved 2014 .