8th Drop

1.8K 80 3
                                    

"HEY, IT'S not like I told Jinny that our kind needs to have sex to 'recharge.' Why are you so mad at me over that?"

Napapikit na lang si Lucho habang pinipisil ang pagitan ng mga mata niya habang pinapakinggan ang pagtawa ni Deepblue. But no matter how much he hated to admit it, his friend was right.

Bukod sa pag-inom ng dugo ng tao, epektibo ang pakikipagtalik sa mabilis na pagbabalik ng lakas para sa mga katulad nila. Isa pa, dahil kalahating-bampira sila, mas mataas din ang libido nila kaysa sa mga normal na lalaki– isang katangian ng lahi nila na mahirap labanan.

Their kind always craved for sex. Pero dahil malakas sila sa pisikal na aspeto, mahirap para sa kanila na makipagtalik sa mga mortal na babae nang hindi nasasaktan ang kapareha nila nang hindi sinasadya. They had to be really, really, really gentle if they were doing it with humans.

Maybe Deepblue could be really gentle with mortal women. But for someone like him who was an animal in bed, it was almost impossible. Hindi kasi niya napipigilan ang sarili niyang lakas kaya madalas, nasasaktan niya ang kapareha niya. Minsan na niya 'yong nagawa sa isang tao at ayaw na niyang maulit pa. Kahit naiintindihan naman ng naging kapareha niya ang hindi niya normal na lakas at na hindi naman niya sinasadyang makasakit, bilang lalaki ay nahihirapan siyang masanay sa gano'ng sitwasyon.

Now, he only had sex with females who were half human-half vampire like him. Like he said, their kind was always too horny so it was easy to look for a partner whenever he needed sex for pleasure and for "recharging." After all, it was natural for them.

Mas maayos din ang usapan kung kalahi niya ang katalik niya dahil malinaw sa kanila na walang kasaling damdamin o emosyon ang ginagawa nila. Tulad niya, pinupunan lang din ng kapareha niya ang pangangailangan sa pakikipagtalik. Mas madaling magpaalam at hindi rin nakakailang ang sitwasyon kapag gano'n. Inuulit niya, natural lang 'yon para sa uri nila.

Pero hindi na 'yon kailangan pang malaman ni Jinny!

Binigyan ni Lucho ng masamang tingin si Deepblue. "Matalino si Jinny. Madali siyang makatunog sa mga bagay-bagay kaya huwag mo na uling babanggitin sa kanya ang tungkol do'n, maliwanag?"

Natawa lang si Deepblue habang iiling-iling. Lumuhod ito at maingat na tinayo sa sahig ang dalawang kandila. "Matalino nga si Jinny, pero inosente pa rin siya, Lucho. Napaka-clueless niya nang mabanggit ko 'yon kaya huwag ka nang mag-alala d'yan."

Bumuga lang ng hangin si Lucho, pagkatapos ay maingat na inilapag niya sa sahig ang dalawang bouquet ng mga bulaklak. "Dimitri Timothy Fontana, you're already one hundred twenty years old. You're even older than I am. Grow up."

"It's 'Deepblue' or 'Deep' now, Lucio Antonio Matteo Giordano. Igalang mo 'yon gaya ng paggalang ko sa Lucho mo," pabirong panunumbat ni Deep sa kanya habang sinisindihan nito ng lighter ang mga kandila. "Plus, bakit ba masyadong big deal sa'yo kung malaman man ni Jinny ang tungkol sa pangangailangan ng mga tulad natin? What, you're afraid to ruin the 'good boy' image you have with her?"

Hindi na sumagot si Lucho. Hindi rin naman niya alam kung ano ang sasabihin dahil kahit siya mismo sa sarili niya, hindi maintindihan kung bakit ayaw niyang malaman ni Jinny ang "madilim" na parte ng pagkatao niya.

"Ang tagal na natin 'tong hindi nagawa, 'di ba?" mayamaya ay pagbasag ni Deepblue sa katahimikan habang nakatitig sa mga kandila. "Ang ipagluksa ang mga taong kinailangan nating tapusin para sa ikabubuti ng mas nakakarami."

Napatingin din si Lucho sa mga kandila. "Nitong nakaraang isang siglo, binuhos natin ang lahat ng mayro'n tayo para tugisin ang mga traidor na bampira. Muntik na nating makalimutang kalahating-tao pa rin tayo."

Change of BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon