JINNY had always imagined death as being lost in oblivion.
Ni sa hinagap, hindi niya naisip na magigising siya sa isang malaki, magara, at mabangong kuwarto habang nakahiga sa malambot na kama pagkatapos niyang mamatay.
Mas lalong hindi niya inaasahan na magigising siyang nakasuot ng magandang puting bestida na may malambot na tela. Iyon ba ang pinasuot sa kanya ni Redkiss nang ilibing siya?
Saka bakit gano'n? Bakit sumobra naman yata sa linaw ang mga mata niya? Kitang-kita niya ang bawat detalye ng painting sa kisame na tinititigan niya. Nababasa pa nga niya ang nakaukit na initials ng kung sino man ang nagpinta niyon, at kung kailan iyon natapos: A.G, 1823.
Hindi lang basta ang paningin niya ang malinaw. Sumasakit na rin ang tainga niya dahil maging ingay na gawa ng mga kulisap ay naririnig niya. Pati agos ng tubig sa labas, dinig niya.
So... kapag namatay ka pala, nagiging perfect being ka?
"Jinny, how are you feeling?"
Nabigla si Jinny nang marinig ang malalim at baritonong boses na 'yon na parang tumawag sa pinakasentro ng katawan at kaluluwa niya dahilan para mapabangon siya...
Well, inisip niyang bumangon lang. Kaya hindi niya naintindihan kung paanong sa mabilis na pagkilos ay nakatayo na siya at nakasandal na sa dingding. Ang mga paa niyang walang sapin, gumawa ng biyak sa marmol na sahig dahil lang sa pagbagsak niya. Pero wala siyang naramdaman na sakit.
Pero pag-pa-panic, oo, damang-dama niya. Paano niya nagagawa ang mga 'yon gayong hindi pa naman siya patay?
Alam ni Jinny na buhay na buhay pa siya dahil kaharap niya ngayon si Lucho na mas lalo yatang naging guwapo ngayong mas luminaw ang paningin niya. Noon, nakikita niya ang pisikal nitong anyo bilang perpekto. Pero ng mga sandaling 'yon, napapansin na niya ang isang mahabang peklat sa itaas ng jawline nito sa kaliwang pisngi.
Pero himbis na ma-turn off, mas gumuwapo pa si Lucho sa paningin niya dahil mas nagmukha itong manly sa peklat na 'yon. Idagdag pa ang one day old stubble sa mukha ng binata ngayon. No'ng clean-shaven pa ang lalaki, pumapasa pa itong nasa late teens. Pero ngayon, mas mature na itong tingnan. Mukha itong nasa early to mid twenties nito. 'Yon nga lang, masyado pa rin 'yong bata para sa tunay nitong edad.
Alam naman na niya na guwapo talaga si Lucho pero ewan ba niya ng mga sandaling 'yon kung bakit parang sumobra ang atraksyong nararamdaman niya para sa binata ngayon. Parang gusto tuloy niya itong dambahin at...
Punitin ang damit niya para makita, mahawakan, at maramdaman ang bawat parte ng katawan niya?
Nag-init ang mga pisngi ni Jinny dahil sa naiisip niyang gawin kay Lucho. Hindi naman niya 'yon naiisipdati kaya ngayon, nag-pa-panic siya. Pakiramdam niya, hindi niya hawak ang sarili niya at may kung anong nagdidikta ng mga nararamdaman niya. "Lucho, anong nangyayari sa'kin? Bakit ako nagkakaganito?"
Bumakas sa mukha ni Lucho ang pag-aalala. "Kumalma ka lang, Jinny. Ipapaliwanag ko ang lahat sa'yo, but I need you to calm down."
Kumalma naman agad si Jinny na ipinagtaka niya dahil hindi niya hobby ang makinig sa iba. Pero bumaba naman ang tingin niya sa puting button-down shirt na suot ni Lucho. Nakabukas ang unang tatlong butones niyon kaya nasisilip niya ang malapad, maputi, at makinis nitong dibdib. Mas bumaba pa ang biglang naging malilikot niyang mga mata sa pantalon nito.
It looks too tight and it's accentuatinghis package down there...
May naramdaman na naman siyang kakaiba sa sarili niyang katawan. A part of her was craving for Lucho in a very inappropiate way and it was making her feel so embarrassed of herself. Gusto niyang umiyak dahil naiinis na siya sa mga naiisip at nararamdaman niya.

BINABASA MO ANG
Change of Blood
Vampire"You're afraid of me, Jinny. But why? Mukha ba 'kong nangangagat?" Naniniwala si Jinny na mga bampira ang pumatay sa kanyang mga magulang at dumukot sa kuya niya. Maraming parte ng childhood memory niya ang nawawala pero ang bite mark sa kanyang lee...