3rd Drop

2.2K 86 10
                                    

"UMUWI na si Lucho? Sayang naman. Balak ko pa naman siyang ihatid pauwi para masigurong safe siya..."

Kasabay nang pag-angat ng sulok ng mga labi ni Lucho ay ang malakas na pagtawa naman ng kaibigan niyang si Deepblue na nagmamaneho ng mga sandaling 'yon. Palabas pa lang sila ng Lady Elena Academy kaya naririnig pa nila ang ilan sa usapan ng mga kaeskuwela nila.

Matalas ang pandinig nila ni Deepblue pero sa haba ng buhay nila, natutunan na nilang kontrolin ang maselan nilang pandamdam. Masakit sa ulo ang marinig ng sabay-sabay sa isipan ang boses ng mga tao sa paligid nila. Sa kabutihang palad naman, napag-aralan nila kung paanong 'yong mga bagay na may kinalaman na lamang sa kanila ang maririnig nila.

Sa kaso ngayon, kanina pa binabanggit ng kaklase nilang si Jinny ang pangalan niya kaya pinakinggan na nila ni Deepblue ang usapan nito at ng kaibigan nito.

"Hindi lang pala matalinong bata 'yang si Jinny Xyra Lopez," natatawa pa ring komento ni Deepblue mayamaya. "Matapang pa. Biruin mo, tama na nga ang hula niya sa nagaganap na kidnapping incidents sa lugar natin. And now, she wants to protect you. You, of all people! Kung alam lang niya kung ano ka, baka siya pa ang tumakbo palayo sa'yo. But still, I have to commend her for her strong sense of morality. People like her restore my faith in humanity."

"That kid is amusing and smart, yes," maingat na sabi ni Lucho habang nakatingin sa labas ng bintana. Lumubog na ang araw. Para sa mga katulad nilang nilalang, nakakakalma ang kadiliman. "But she has to be careful. Dahil sa pagiging mausisa niya sa kasong ito, puwede siyang mapahamak. Hindi niya alam kung ano ang mga "kidnapper" na gusto niyang hulihin."

Ngumisi si Deepblue at ipinarada ang magara nitong sasakyan sa tapat ng isang luma at abandonadong gusali. Tiningnan siya nito sa rearview mirror. "Mukhang hindi rin alam ng mga "kidnapper" na 'to kung ano ka para ikaw ang gawin nilang susunod na biktima."

Tahimik at mabilis na bumaba ng kotse si Lucho. Gano'n din si Deepblue. Hindi nila kailangang bagalan ang paglalakad dahil wala namang ibang tao sa paligid.

Pero nasanay na sila sa pagkilos ng "normal" kaya para lang silang naglalakad sa parke ng mga sandaling 'yon himbis na susugod sa "kampo" ng mga "kalaban."

Sa itaas na palapag ng lumang gusali na 'yon, naririnig niya ang galit na pag-angil at pag-ungol ng dalawang nilalang na parang nag-uusap. Ramdam din niya ang matalim na tinging ibinibigay ng mga ito sa kanila ni Deepblue. Madilim sa paligid at ginagamit ng mga kalaban ang kadiliman na 'yon para magkubli.

Ah, mukha ngang walang ideya ang mga nilalang na 'to na kung ano sila ni Deepblue. Hindi naman niya masisisi ang mga kalaban. Itinatago naman kasi nila ng kaibigan niya ang pagkatao nila dahil mahilig silang "manggulat."

Huminto sa paglalakad si Deepblue at kunot-noo siyang nilingon. "Wait. May na-realize ako, Lucho," parang iritadong sabi nito. "Ikaw ang top male student sa school natin? Ibig sabihin, pangalawa lang ako sa'yo? Pa'no nangyari 'yon?"

Nagkibit-balikat si Lucho. Ipinatong niya ang dalawang daliri niya sa marka ng naka-slant na stake sa likod ng tainga niya. "Bakit hindi mo tanungin si Jinny? Siya ang gumawa ng ranking at hindi ako."

Sa pagkakataong 'yon, naramdaman na niya ang pagkilos ng dalawang nilalang na para bang naghahanda na sa pag-atake. Ah, bigla ring may panibagong presensiya ang dumating pero mabilis ding nagkubli.

Natawa lang si Deepblue. Gaya niya, ipinatong na rin nito ang dalawang daliri sa likod ng tainga nito. "Gagawin ko 'yan, pagkatapos natin dito."

Kasabay ng malakas na pag-angil ay ang paglundag ng dalawang nilalang pasugod sa kanila.

Change of BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon