2nd Drop

2.5K 98 5
                                    


VAMPIRES.

Alam ni Jinny na maraming hindi naniniwala sa mga bampira. Pero hindi siya. Alam niyang totoo ang mga anak ng dilim na 'yon na sumisipsip ng dugo ng mga tao dahil siya mismo, nakaranas na makagat sa leeg ng gano'ng klaseng halimaw.

Walong taong gulang pa lang siya no'n pero salamat sa matalas niyang memorya, malinaw pa rin sa isipan niya ang nangyari ng gabing mawala sa kanya ang pamilya niya dahil sa pag-atake ng mga bampira.

Ten years ago, their house was attacked by a group of frenzied vampires who mercilessly feasted on her parents' blood until her mother and father died right in front of her. Hindi niya makakalimutan ang imahen ng dalawang bampirang 'yon na nakabaon ang matatalis na pangil sa leeg ng mama at papa niya na unti-unting nawalan ng buhay.

Naaalala rin niyang sinubukan siyang iligtas ng kuya niya na eighteen years old na no'n. Karga-karga siya nito habang tumatakbo palayo sa bahay nila. Pero naabutan sila ng isang lalaking bampira na may kasamang magandang babae na nakasuot ng mahaba't itim na bestida.

May ginawa ang babae sa kuya niya dahilan para mawala ang kapatid niya sa sarili nito at bitawan siya. Kusang loob sumama ang kuya niya sa babae. Sinubukan niyang humabol habang umiiyak siya, pero humarang sa daan niya ang isang lalaking may mahabang buhok.Hindi niya makakalimutan ang mukha nito, pero mas lalong hindi niya makakalimutan ang marka nito. May parang bar code na nakapabilog sa leeg nito.

Susundan sana niya ang mga ito, pero may kung sumakmal sa leeg niya mula sa likuran...

Napasinghap si Jinny at napabangon nang nakahawak sa leeg niyang may malaking Band-Aid para takpan ang marka na ayaw na ayaw niyang nakikita. Sa tuwing napapanaginipan niya ang gabing 'yon, nananariwa rin ang sakit at takot na naramdaman niya sa buong sistema niya. Kahit sampung taon na ang lumipas, parang kahapon lang nangyari ang lahat ng 'yon.

Kumalma lang siya nang mapatingin siya sa paligid at ma-realize niyang nasa cafeteria siya kung saan maraming estudyante na gaya niya. Naalala na niyang nakaidlip siya habang hinihintay ang best friend niyang si Redkiss na um-order ng pagkain nila. Ito ang bumili at siya naman ang nagbantay sa mesa nila. Kapag lunch time kasi, mabilis napupuno ang canteen.

"Broken girl meets cruel world..."

Nakahinga ng maluwag si Jinny nang marinig ang malakas na kanta na 'yon mula sa nakasalpak na earphones sa mga tainga niya. Effective talagang pagpapakalma ng sistema niya ang husky voice ni Lucas, ang front man ng favorite British band niya na 5 Minutes. Gustung-gusto niya talaga ang mga kanta ng banda dahil nakaka-relate siya at nagkakalakas ng loob.

Gaya ng lyrics ng favorite song niya ng 5 Minutes na may title na 'Broken Girl' na pinapakinggan niya ng mga sandaling 'yon.

"I know you're out there... alone and scared... I know you've broken yourself again... Maybe you're thinking you could never be saved... But this time, maybe this time, I'll get lost to find you... I have Band-Aids to cover up the holes in your broken heart... I'll wrap you up in my warm embrace until you feel much better... I'll tell you over and over again... That it's okay to fall this time, because I'm here to catch you now... I'll save the broken girl from this cruel world..."

"Girl, nakangiti ka na naman na parang nababaliw d'yan. 5 Minutes na naman 'yang pinapakinggan mo, 'no?"

Naputol ang pagsa-sound trip ni Jinny sa pagdating ni Redkiss na bitbit na ang lunch nila. Mas lalo siyang napangiti. "Alam mo naman kung ga'no ko kamahal ang 5 Minutes, lalong-lalo na si Lucas."

Ipinaikot lang ni Redkiss ang mga mata. Mayamaya lang, magkasalo na sila sa mesa habang kinakain ang lunch nila at nagtatalo tungkol sa magkaiba nilang taste sa music. Ang best friend kasi niya, mahilig sa Kpop groups samantalang siya naman, mas gusto ang Western boy bands. Pero friendly banter lang 'yon kasi pareho naman silang may respeto sa choice ng isa't isa.

Change of BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon