9th Drop

1.5K 75 1
                                    

PARA SA unang pagkakataon na makapanood ng live gig si Jinny ng paborito niyang banda na Pink Owls, masasabi niyang masaya naman ang experience niya kahit pa madilim at maraming tao sa loob ng bar. Ang kagandahan lang, tumatahimik ang lahat kapag kumakanta si Rhythm na kasalukuyang kinakalabit ang hot pink electric guitar nito.

Kitang-kita ang kagandahan ni Rhythm sa gitna ng stage at sa ilalim ng spotlight sa suot nitong hot pink shirt, tight black pants, at ankle boots. Nakapusod ang mahaba nitong buhok at pink na pink din ang mga labi na lalong nagpalutang sa maganda nitong mukha.

Nakakapagtaka dahil napakalayo ng masigla at mukhang ismarte na Rhythm na nakikita niya ngayon sa mahinang Rhythm na nasa records nito. The vocalist didn't look dumb or sick to her.

"Hi, sweetheart. Are you alone?"

Nalingunanni Jinny ang matangkad na lalaki na tumayo sa tabi niya. Sa tingin niya ay college student ito. Amoy-alak ito. At sa malaswang tingin pa lang na binibigay nito sa kanya, halatang hindi na ito mapagkakatiwalaan.Acoustic ang kinakanta ni Rhythm ng mga sandaling 'yon kaya mahina lang ang background music ng mga sandaling 'yon at naririnig niya ng malinaw ang sinasabi ng preskong lalaki.

"Hindi. May kasama akong mga kalahating-bampira na nagbabantay sa'kin ngayon," poker-faced na sagot ni Jinny. Gano'n talaga ang humor niya, masyadong dark minsan.

Tumawa ang lalaki, halatang hindi naniniwala sa kanya kahit totoo namang may mga Keeper siyang kasama ng mga sandaling 'yon. "You're cute," sabi pa nito na halatang naaaliw sa kanya. Iniisip siguro nito na nagbibiro lang siya. "Want me to buy you drinks? Napansin ko kasing hawak mo pa rin 'yang baso ng juice kahit wala nang laman."

Tumaas ang kilay ni Jinny sa inis. Oo, isa't kahalating oras na nga niyang hawak ang baso ng juice na 'yon dahil wala na siyang balak um-order uli ng drinks. 'Yong isang baso nga na 'yon, almost two hundred pesos na! Para sa isang kuripot na taong gaya niya, muntik na siyang atakihin sa puso sa presyo. Kung nasa fast food chain siguro siya, may one piece chicken na sana siya at isang baso ng soft drinks. "Hindi na kailangan. Busog na ko. Salamat na lang."

"Oh, come on. Let me buy you a drink," pangungulit pa rin ng lalaki sa kanya. "Hindi naman ako masamang tao. Hindi kita gagawan ng kung ano. So don't be scared of me, okay?"

Gustong matawa ni Jinny ng malakas, pero pinagkasya na lang niya ang pagkaaliw niya sa pagngisi. "Bakit naman ako matatakot sa'yo? Hindi ka naman bampira. Plus, I'm well capable of protecting myself from annoying guys like you." Binigyan niya ito ng nayayamot na tingin. "Just so you know, I can fight really well. Kahit bampira, hindi ko inuurungan."

Natawa uli ang lalaki, mukhang aliw na aliw sa kanya sa pag-aakala sigurong nagbibiro lang siya. "Kanina mo pa binabanggit ang tungkol sa mga bampira. Do you believe that those bloodsuckers exist in real life?"

Tumango si Jinny. "Baka nga nakakasalamuha mo na sila, hindi mo pa namamalayan. After all, may mga duwag na bampira na hindi naman natulog sa panahong ito..."

Natigilan si Jinny sa balak na pananakot sana sa kausap niya nang may mga lalaking biglang lumingon sa kanya mula sa kabilang dulo ng bar– mga lalaking matatangkad, malalaki ang katawan, mapuputla, purong itim ang mga mata na may ginintuang tuldok sa gitna at nanlilisik. At higit sa lahat...

... may bar codes sila sa mga leeg! At mukhang hindi sila masaya sa sinabi mo!

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa mga bampira at umarteng cool pa rin kahit ang totoo, biglang nanginig ang buong katawan niya sa takot. Napahawak siya sa dibdib niya nang wala sa oras. Ang bilis at ang lakas ng tibok ng puso niya. Kahit malamig sa lugar na 'yon, bigla siyang pinagpawisan ng malapot.

Change of BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon