"GIRL, nakakaloka ka. Kagagaling mo lang sa aksidente pero tinitipid mo pa rin ang sarili mo. Dapat healthy foods ang kinakain mo. Here. Share tayo sa lunch ko."
Mula sa pinapanood ni Jinny na video sa phone niya ay umangat ang tingin niya kay Redkiss. Bakas sa mukha ng kaibigan niya ang pag-aalala. Inalis niya ang earphones niya bago siya nagsalita. "Okay lang ako, Redkiss." Inangat niya ang hawak niyang mansanas. "Healthy din naman ito, ha. An apple a day keeps the doctor away, 'di ba?"
Sumimangot si Redkiss, halatang hindi natuwa sa biro niya. Inusad nito ang plato nito sa kanya na naglalaman ng kanin, friend chicken, pansit, at ang mangkok na may chopsuey pa. "Kumain ka naman ng healthy, Jinny. Hindi rin ako papayag na cup noodles lang ang kainin mo mamayang dinner. Sumosobra na 'yang pagtitipid mo para sa concert ng 5 Minutes, ha." Tumayo ito. "Kukuha lang ako ng spoon and fork. Kumain ka na d'yan."
Ngumiti lang si Jinny habang iiling-iling. Mabuting distraction talaga si Redkiss sa kanya. Kagabi kasi, nanaginip na naman siya ng masama dahil sa pagbalik ng mga bampira sa buhay niya. Nagising siya na umiiyak. Pero ngayon, maayos na ang pakiramdam niya.
Himbis na galawin ang pagkain ng kaibigan, ibinalik na lang niya ang atensiyon niya sa pinapanood niyang video ni Rhythm Ferrera. Si Rhythm ay isa ring Grade 12 student na gaya niya mula naman sa Maria Alessandra Academy. Sikat sa underground music scene ang babae dahil ito ang vocalist ngall-girl band na 'Pink Owls.' Nag-pe-perform ang banda nito tuwing Biyernes at Sabado sa 'Midnight Escapade,' isang bar na sikat sa mga senior high and college students. Eighteen pataas lang kasi ay puwede nang pumasok sa bar.Hindi pa siya nakakapasok sa bar na 'yon kahit puwede naman ang edad niya dahil mahal ang drinks at snacks do'n.
Pero ngayon, malapit ko nang i-try.
Napangiti siya nang nag-pop sa screen ng phone niya ang text message ni Rhythm: I've sent the pass in the address you gave me. See you this Friday, Jinny!
Nag-reply naman agad siya: Yey! Thank you, Rhythm! Can't wait to hear you perform live!
Masasabi ni Jinny na kahit hindi pa sila nagkikita ni Rhythm ng personal ay naging magkaibigan na rin sila dahil madalas silang magka-chat. Simula kasi nang ma-discover niya ang online channel nito kung saan naka-upload ang videos nito ng mga 5 Minutes cover songs nito, naging fan na siya nito. Mas lalo silang naging close dahil pareho sila ng paboritong banda.
Nitong nakaraan nga, nabanggit niya kay Rhythm na gusto sana niya itong marinig kumanta ng live. Sa pagkatuwa niya, nangako ang dalaga na padadalhan siya ng pass sa gig nito para naman magkaro'n siya ng chance na ma-meet ito sa backstage. Medyo sumisikat na kasi ang Pink Owls kaya naging mahigpit na ang security ng banda kaya hindi na basta-basta malalapitan.
Pumayag na siya dahil bukod sa gusto talaga niyang makita at marinig kumanta ng live si Rhythm, gusto rin niya itong balaan...
"Girl, nagdala na ko ng ulam mo!"
Nag-angat ng tingin si Jinny kay Redkiss pero nalipat din agad kay Lucho (na may dalang tray ng pagkain) ang tingin niya. Kumunot ang noo niya. "Bakit kayo magkasama?"
Bumungisngis si Redkiss at ibinalik sa tray ang plato at mangkok ng lunch nito. "Ikaw naman, girl. Hindi mo sinabing super close na pala kayo ni Lucho ngayon." Binuhat na nito ang tray nito at kinindatan siya. "Enjoy your lunch, Jinny! Chikahan na lang tayo later."
Napatanga na lang si Jinny kay Redkiss na nilayasan siya. Sinundan niya ito ng tingin at sa pagkagulat niya, nakisalo ito sa mesa ni Deepblue na nasa kabilang dulo ng cafeteria. Bumulong siya habang masama ang tingin sa lalaki. "Hoy, Deep. Huwag mong lalandiin ang best friend ko, ha? Madali pa naman 'yang ma-fall."
BINABASA MO ANG
Change of Blood
Vampiros"You're afraid of me, Jinny. But why? Mukha ba 'kong nangangagat?" Naniniwala si Jinny na mga bampira ang pumatay sa kanyang mga magulang at dumukot sa kuya niya. Maraming parte ng childhood memory niya ang nawawala pero ang bite mark sa kanyang lee...