KASABAY ng malakas na pag-ungol ni Lucho sa galit ay nakita niyang lumundag si Jinu palayo kay Jinny. Puno ng dugo ng dalaga ang kamay ng lalaki na lalong nagpaliyab sa matinding galit na nararamdaman niya ng mga sandaling 'yon. Kanina ay nauubos na ang lakas niya dahil malakas ang bampirang kalaban niya, pero parang ibinalik ng matinding emosyon niya ang lahat ng enerhiya niya. Dumoble pa nga.
Sa isang mabilis at pulidong pagkilos, sumampa siya sa likuran ng bampirang tangkang lalapitan ang nawalan uli ng malay na si Rhythm Ferrera. Hinawakan niya ang halimaw sa tuktok ng ulo at leeg nito, saka inikot sa malakas at marahas na paraan ang ulo nito dahilan para humiwalay iyon sa katawan nito. Bago pa makasigaw ang bampira, naging abo na ito.
Sa gilid ng mga mata niya, nakita niya ang sumisigaw din sa galit si Deepblue na napatumba na ang isa pang bampira na kanina pa nito kaharap. Isang malakas na sipa na bumaon sa dibdib ng bampira ang tumapos sa buhay niyon hanggang sa naging abo iyon.
Gusto rin sanang gawing abo ni Lucho si Jinu na nakatayo lang, mukhang naging estatwa habang nakatingin sa kapatid nito. Pero mas pinili niyang saluhin si Jinny na muntik nang bumagsak sa lupa.
Hindi naman niya kinailangang mag-alala dahil mabilis na kumilos si Deepblue at binigyan si Jinu ng isang malakas na paghampas sa likod ng ulo dahilan para mawalan ng malay ang kapatid ni Jinny. Pagkatapos, inapakan ito ng kaibigan niya sa likod para masigurong hindi na makakakilos ang lalaki.
Mabilis naman niyang hiniga si Jinny sa mga bisig niya habang iniinspeksyon ang pinsala nito. May kakayahan ang uri niya na malaman kung gaano kakritikal ang kalagayan ng isang tao sa pamamagitan lang nang paghawak sa mga ito.
Nang marahang ipatong niya ang kamay niya sa sikmura ni Jinny na parang gripong binuksan sa dami ng dugong lumalabas sa sugat nito, alam na niyang malala na ang lagay nito. Sa ilang minuto lang, napakaraming dugo na ang nawala rito. Higit sa lahat, may tinamaang vital organ si Jinu nang saksakin nito ang kapatid nito gamit ang matatalas at matitigas na kuko ng isang bampira. Mas matalim pa 'yon kaysa sa kahit anong kutsilyo ng mga tao.
Kahit ga'no pa siya kabilis kumilos o tumakbo, aabutin pa rin ng mahigit sampung minuto para makarating siya sa pinakamalapit na ospital. Gano'n sila kalayo sa siyudad o anumang komunidad sa paligid. Siguradong wala nang magagawa ang mga mortal na doktor para iligtas ang dalaga. Alam niya dahil minsan na rin siyang nag-aral ng medisina para sa mga tao.
Every fiber of his being told him that it was too late to save Jinnyin a normal way.
Pero may isa pang mabilis na paraan para mailigtas ang dalaga...
"Hindi... hindi puwedeng mangyari 'to," bulong ni Lucho sa sarili habang marahang tinatapik-tapik ang pisngi ni Jinny. "Gumising ka, Jinny. You have to open your eyes. Hindi ka puwedeng matulog..."
"Lucas..."
Natigilan si Lucho. Bukod sa kuya nito, ngayon lang niya narinig si Jinny na magbanggit ng pangalan ng ibang lalaki. Hindi niya 'yon nagustuhan, pero itinago niya ang damdamin niya. "Hindi ako si Lucas, Jinny. This is Lucho."
"Lucho?" nanghihinang tanong ni Jinny. "What's... what's your full name, Lucho?"
"Lucio Antonio Matteo Giordano," mabilis na sagot ni Lucho. "L-U-C-I-O, but still pronounced as 'Lucho.'"
"Pang-Lolo nga," nakangiting biro pa ng dalaga. "You're warm, Lucho. Ganito pala kainit sa pakiramdam ang mga tulad mo..."
Dahan-dahang nagmulat si Jinny ng mga mata at tinangka nitong hawakan ang mukha niya, pero mabilis din itong napapikit. At kasabay ng pagkalaglag ng kamay nito sa gilid nito, huminto na rin ang pagtibok ng puso nito.
"Shit!" galit at puno ng sakit na sigaw ni Deepblue. Maging ito ay naramdaman ang paghinto ng pagtibok ng puso ni Jinny. "She's gone, Lucho..."
"I won't let her die!" mariing deklara naman ni Lucho, pagkatapos ay maingat na hiniga niya sa lupa ang walang buhay at nagsisimula nang manlamig na katawan ni Jinny. Nagsisimula na ring magbago ang kulay ng dalaga, kaya mas lalo siyang nakaramdam ng pagmamadali. Bahagyang ibinuka niya ang bibig niya para ilabas ang mga pangil niya. "Ilang segundo pa lang huminto ang tibok ng puso niya. Puwede ko pa siyang iligtas."
"Lucho, no!" pigil naman sa kanya ni Deepblue.
Lucho didn't listen. In one swift movement, his fangs sank deep on Jinny's pale and cold neck. It was too fast for him to have second thoughts, too fast for Deepblue to stop him.
Sa segundo palang na bumaon ang mga pangil niya sa leeg ni Jinny, mabilis nang kumalat ang lason niyon deretso sa puso ng dalaga dahilan para bigla iyong tumibok muli. Iyon ang dahilan kung bakit mapanganib ang kagat ng mga bampira– may kakayahan iyong pahintuin o muling patibukin ang puso ng isang tao depende sa intensiyon ng kumagat.
Nang nalasahan niya ang matamis na dugo ni Jinny, hindi niya napigilan ang sarili niyang sipsipin 'yon. Sa unang pagkakataon matapos ng napakahabang panahon, parang nalasing siya sa sarap ng dugo ng isang tao. Bigla-bigla ay nawala sa isip niya ang dahilan kung bakit kinagat niya ang dalaga, at sa halip ay nagpakasasa siya sa matamis nitong dugo.
Kaunti lang... kaunti pa...
"Lucio Antonio Matteo Giordano!" angil naman ni Deepblue sa kanya. "Hindi magiging masaya si Maria Luisa Bautista kapag nakita ka niyang sumisipsip ng dugo ng isang tao nang walang permiso!"
Mabilis na natauhan si Lucho nang marinig ang pangalan ng ina. Agad-agad niyang inalis ang mga pangil niyang nakabaon sa leeg ni Jinny. Nang tingnan niya ang dalaga, nakahinga siya nang maluwag nang makitang humihinga na uli ito at bumabalik sa dati ang kulay.
Yes, she was revived. But making her heart beat again wasn't enough. She still had lost too much blood for a human to survive longer...
Gamit ang matulis niyang kuko, hiniwa niya ang pupulsuhan niya. Sapat lang ang lalim niyon para bumuka ang balat niya at lumabas ang sariwang dugo mula sa sugat. Pagkatapos, tinapat niya iyon sa bibig ni Jinny at hinayaan ang dugo niyang pumatak sa mga labi nito.
Nagmura si Deepblue sa wikang Czech. "Lucho, naiintindihan mo ba kung ano ang ginagawa mo kay Jinny ngayon?"
Hindi sumagot si Lucho. Sa halip, tahimik na pinanood niya lang ang bahagyang pagkunot ng noo ni Jinny at ang paggalaw ng mga labi nito. Mamaya lang, bahagya na nitong ibinuka ang bibig habang iniinom ang pumapatak niyang dugo.Unti-unti na ring sumasara at humihinto sa pagdurugo ang sugat nito.
A few more seconds, he felt Jinny's cravings for his blood grew. She held his wrist with her now-warm hands and started to suck his blood like an infant.
"Lucho!" nauubusan na ng pasensiyang sigaw ni Deepblue.
"Mas mabilis na paraan ito kaysa dalhin pa natin si Jinny sa ospital ng mga tao para masalinan siya ng dugo," iritadong katwiran naman ni Lucho. "Kung iyon ang ginawa natin, siguradong hindi siya aabot sa dami ng dugong nawala sa kanya."
Sunud-sunod na mura ang sinagot sa kanya ni Deepblue gamit ang iba't ibang mga lumang salita ng mga taga-Europa kung saan sila nagmula.
Lucho couldn't care less. He was way too focused on how Jinny's mouth sent wondrous feeling throughout his body. The way her teeth grazed his skin and the way her warm and wet tongue licked the inside of his wrist made him groan at the back of his throat.
Being bitten by a vampire could be compared by a human to having orgasm. The funny thing was, Jinny wasn't a vampire and she wasn't even sinking her teeth on his skin. And yet, she was making him feel like he was near climax. Both the human and the vampire in him were being very satisfied by the intense pleasure.
So this is how it feels to have your blood suck by a human...
"Lucho... kung ako si Maria Luisa Bautista, nadismaya na ko sa'yo."
Bumuga ng hangin si Lucho. Nasira na ni Deepblue ang kamunduhang nararamdaman niya dahil sa pagbanggit nitong muli sa ina niya. "I can't let Jinny die, Deep. I can't."
"Wala naman na kong magagawa dahil tapos na ang proseso," pagsuko naman ni Deepblue. "But I hope you fully understand the consequence of your action, my friend. By biting Jinny and letting her drink your blood, you just turned her into one of us."
![](https://img.wattpad.com/cover/136248560-288-k794300.jpg)
BINABASA MO ANG
Change of Blood
Vampiros"You're afraid of me, Jinny. But why? Mukha ba 'kong nangangagat?" Naniniwala si Jinny na mga bampira ang pumatay sa kanyang mga magulang at dumukot sa kuya niya. Maraming parte ng childhood memory niya ang nawawala pero ang bite mark sa kanyang lee...