SA DAMI ng nangyari kay Jinny ng gabing 'yon, bumilib siya sa sarili niya na minor injuries lang ang nakuha niya. Pinakamalala na ang kagat sa leeg niya pero hindi naman 'yon nakaapekto sa sistema niya. Sa sobrang sakit ng katawan at mga kalamnan niya, in-expect niya na malala ang pinsala niya. Pero siyempre, nagpapasalamat siya na gano'n lang ang inabot niya. Sa palagay niya, utang na loob niya 'yon sa helmet niya na pinrotektahan ang ulo niya sa ilang ulit niyang pagbagsak sa kalsada.
Kaya dapat talagang parating nag-he-helmet ang mga motorista. Hindi mo alam kung kailan may aatake sa'yong mga baliw na bampira.
May mga babae na sa tantiya niya ay nasa early fourties na ang tumulong sa kanya kanina na linisin ang mga sugat niya. Hanggang sa paliligo at pagbibihis niya, inalalayan siya ng mga ito. Mukhang sanay na ang mansiyon na 'yon sa pagtanggap ng mga unexpected guests na tulad niya dahil may nakahanda agad na mga bagong damit – at undies – para sa kanya. Inalok din siya ng mga ito na kumain, pero magalang siyang tumanggi. Pagkatapos ng mga nangyari sa kanya ngayong gabi, parang hindi siya matutunawan.
Pagkatapos iligtas si Jinny nina Lucho at Deepblue mula kay The Hulk at sa male student na naging bampira, dinala siya ng dalawa sa isang malaking mansiyon gamit ang isang luxury car. Isa 'yong townhouse sa liblib na lugar na malayo sa school nila. Nasa loob sila ng isang village, pero napakalayo naman ng mansiyon na 'yon sa ibang mga bahay.
Sa katunayan nga niyan, nakapuwesto ang mansiyon na 'yon sa tuktok ng isang bundok. Dadaan ka pa sa kakahuyan na mukhang nakakatakot dahil wala ka talagang makikita kundi mga puno at halaman lang talaga hanggang sa makalabas ka. May nadaanan silang malaking bahay na gawa sa bato na tinawag ni Lucho na "cabin." Pero masyado pa rin 'yong malaki para sa isang "cabin."
Paglagpas sa "cabin," may malaking gate na kusang bumukas. Ilang minuto pa rin sa kotse ang biyahe bago sila tuluyang makarating sa tapat ng isang mansiyon.
When she said mansion, she meant Victorian-styled mansion. Hindi siya magaling magpaliwanag sa mga structure ng mga bahay-bahay. Pero kapag nakita mo ang malaking bahay na 'yon, mararamdaman mong nasa lumang panahon ka. Katulad ng mga vintage houses sa mga super old movies. Pero kahit moderno na ang panahon para sa disenyo ng mansiyon, hindi 'yon mukhang out of place. 'Timeless' ang tamang description sa mansiyon.
Kung ga'no kaganda ang labas, doble ang sa loob. Takot na takot siyang dikitan ang mga muwebles na halatang mas matanda pa sa kanya at mas mahal pa siguro sa buhay niya.Kaya nang umalis ang mga mababait na ginang na umalalay kay Jinny kanina, nanatili lang siyang nakaupo sa pasamano ng bintana.
Wow, ha? Nasa bahay ka ng half-vampires, pero mas nag-aalala ka sa mga puwede mong masira na muwebles kaysa sa sarili mong buhay? Paano kung mauhaw sila at sipsipin nila ang dugo mo bilang thank you gift sa pagliligtas nila sa buhay mo? Natutop niya ang bibig niya nang may ma-realize siya. Nababasa kaya nila ang nasa isip ko?
Naputol ang pagmumuni-muni niya nang may marinig siyang katok. Nang papasukin niya kung sino man 'yon, bumukas ang malaking pinto ng kuwarto. Bigla naman siyang napatayo. Nang pumasok si Lucho na guwapong-guwapo at fresh na fresh na sa suot nitong puting T-shirt at itim na pantalon, bigla siyang na-conscious sa suot niyang pink night gown na lagpas tuhod. Disente naman 'yon kaya lang... well, hindi siya sanay na nagsusuot ng gano'n. Pajama o maluwag na T-shirt lang kasi ang pantulog niya.
Alam niyang may hitsura siya dahil sa pagiging Chinita niya (salamat sa dugong Chinese sa mother side niya pero siguro, 1/8 na lang 'yon sa dugo niya). Proud din siya sa makinis at mamula-mula niyang balat. Pero ngayong kaharap na niya si Lucho...
Napaka-perfect naman ng lalaking ito. Pati golden hair niya, parang ang lambot-lambot. Saka gano'n ba kapag half-vampire? Walang pores? Nakaka-insecure, ha.
![](https://img.wattpad.com/cover/136248560-288-k794300.jpg)
BINABASA MO ANG
Change of Blood
Vampiri"You're afraid of me, Jinny. But why? Mukha ba 'kong nangangagat?" Naniniwala si Jinny na mga bampira ang pumatay sa kanyang mga magulang at dumukot sa kuya niya. Maraming parte ng childhood memory niya ang nawawala pero ang bite mark sa kanyang lee...