Dear, THE ONE - 3

1K 17 2
                                    

-- Mandy's POV --

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-- Mandy's POV --

Nag iwan ako ng notes na "Sobrang saya ko hindi lang dahil nakapasa ako sa audition, dahil makakasama kita kumanta! J" at isang maliit na flower chocolate candy sa table ni Tyrone habang wala pang tao dito sa classroom. Sobrang saya ko, feeling ko unti unti ng natutupad pangarap ko. Umupo ako sa may upuan ko para magbasa muna.

"Ang aga mo ata?" Napaangat ako ng ulo at tinignan ko kung sino to.

"Oh nikko ang aga mo rin ata." Nagbaba siya ng bag niya.

"Napa aga lang ng gising. Ikaw?"

"Ganon din." Ngumiti ako sakanya.

"Balita ko nakapasa ka sa singing audition ha? Galingan mo ha manonood ako." Ngumiti ako sakanya ng pagkalaki laki.

"Salamat! At salamat din sa pagsuporta."

"Pero dalawang partner ang nakapasa ha? Pano yun?" Tanong sa akin ni Nikko.

"Well, ang alam ko may 2nd audition. Tapos dun na pipiliin kung sino yung pinaka kakanta." Tumungo lang siya.

"Dapat pala nag audition narin ako, baka sakaling ako yung makapartner mo." Napatingin ako kay Nikko.

"H-ha?!" Tumingin din siya sakin.

"H-ha?! Wala, sabi ko libre mo ako mamaya."

-- Nikko's POV --

"Dapat pala nag audition narin ako, baka sakaling ako yung makapartner mo." Hindi ko alam kung saan ko napulot yung sinabi ko.

"H-ha?!" Biglaang sabi ni Mandy.

"H-ha?! Wala, sabi ko libre mo ako mamaya." Yun nalang yung nasabi ko'ng palusot sakanya.

Ngumiti siya sakin. "Kung kaya ko lang nilibre na kita, para pagsasalamat narin sayo."

Nakatingin lang ako sakanya.

"Ahh, ano mali ililibre pala kita ngayon kasi ano.. Nakapasok ka sa Audition." Sabi ko sakanya na hanggang ngayon ay nakatingin parin sa akin.

Nagwave siya ng kamay niya. "Nako wag na okay lang." Sabi niya habang nakangiti.

Bakit ba siya ganyan. Sa tutuosin cold akong lalaki. Wala akong pakeelam sa tao sa paligid ko simula nung nag 3rd year high school ako. Nilapitan ko siya nun at sinabayan dahil sa dalawang rason. Una, mag-isa lang siya at mukang walang gusto sumama sakanya sa totoo lang wala talaga akong pakeelam kasi yung pangalawang rason ko eh wala na talagang maupuan at dahil mag isa lang naman siya nun sa isang table no choice na ako.

Ang hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon nakikipag usap parin ako sakanya. Dapat galit ako sa mga babae eh. Pero ewan ko, ang saya niya rin kasi kausap para bang walang problemang dinadala. At siya yung babaeng hindi kinakahiya kung sino talaga siya kahit pa alam niyang Irish Univesirty itong pinapasukan niya, nilalabas niya parin ang tunay niyang ugali.

Dear the one, Please stay.Where stories live. Discover now