Dear, THE ONE - 11

782 11 1
                                    

            Mandy's POV

Nandito ako ngayon sa music class namin, sana naman magkaron ng event dito sobra ko kayang mahal ang musics.

"So we will have a just a simple show.." Sabi ng prof namin "A songwriting contest!" Napaangat yung ulo ko sa sinabi ng prof namin. Song writing contest? Masaya to!

"Ang may pinaka mataas na makakakuha ng grade ay maeexempt sa final term. You have atleast 1 month to be prepared. Goodluck! Class dismissed." Natapos yung klase na may ngiti sa mga labi ko. Ang saya saya naman.

Nag ayos na ako ng gamit at paalis na sana ng may biglang humawak sa kamay ko.

"Meeting tayo ngayon?" Si tyrone. Tinignan ko siya parang pagod yung muka niya.

"Meeting saan?" Nagulat ako kay Nikko sa likod ko. Nakita ko naman na nakatingin lang si Tyrone sakanya.

"Meeting para saan?"

"Kung nakakalimutan mo, kami ni Mandy yung nakapasok sa singing contest." Si Tyrone yung sumagot sa tanong ni Nikko. Tinignan ko lang silang dalawa. Para akong nasa palabas na kailangan ko mamili sakanila. Joke lang ayan ka na naman Mandy feeling ka na naman. Tumingin ako kay Nikko.

"Pwede ka ba ngayon Nikko?" Nanlaki yung mata ni Nikko at kita rin naman sa muka ni Tyrone yung gulat niya.

"O-oo naman, bakit?" Ngumiti ako.

Nandito kami ngayon sa rooftop kasama si Tyrone at Nikko. Katabi ko si Nikko at sa harap ko naman si Tyrone. Kanina pa silang tahimik parehas.

"May problema ba?" Tanong ko sakanila. Parehas naman silang umiling.

"Ano ba namang pagkain to. Nabubusog ka ba diyan?" nanlaki yung mata ko sa tanong ni nikko kay Tyrone.

"Superstar kasi ako kaya kailangan maganda katawan ko." Nag psh naman si Nikko.

"Nakakatakot maging superstar." Tapos umarte siyang parang natatakot.

"Pero hindi kami superstar kaya hindi ganyan kakainin namin ni Mandy." Tinitigan lang naman ni Tyrone si Nikko.

"If you have personal issue about me please don't do it here." Nagsmirk lang naman si Tyrone.

"I don't have personal issue about you I just don't like what's on the table do you think we will be satisfied----"

"WAIT!" Tapos tumayo ako halatang nagulat sila.

"May problema ba kayong dalawa?" Tanong ko sakanila. Umiling naman sila.

"Eh bakit parang inis na inis kayo sa isa't isa?" Tahimik lang sila parehas. Umupo nalang ako.

"Kumain nalang tayo."

"Mandy.." Tumingin ako kay tyrone.

"Bakit?" Umiwas siya ng tingin.

"Ahh.. tanong ko lang kung may naisip ka ng kanta?" Tinigil ko yung pagkain ko. Hmmm.

"What if oriniginal na kanta? Katulad nung sinulat mo na kanta." Ramdam ko na napatingin si Nikko sakin.

"Original na kanta?" Tanong ni Nikko.

"Ah eh ano.."

"Oo, kinanta namin sa 2nd audition ay si Mandy ang gumawa."

"Actually nagulat din ako pagkaplay ng music yung kanta na ginawa ko ang narinig ko." Tumango lang naman si Nikko.

"What do you think Mandy?" Pwede din naman. Kaya lang kasi..

"Pero Tyrone gusto ko kasi yung makaakrelate yung mga tao tsaka hindi naman to songwriting contest, singing contest to." Tumango naman si Tyrone.

"Yes, you're right."

"I believe In love." Nagulat ako sa sinabi ni Nikko.

"Magandang kanta yun." Oo nga no, yung I believe in love ni IU at Seung Ho. Pwede namin kantahin yun ni Tyrone.

"Oo nga tyrone, maganda yun!" Tumango naman siya.

"If that's what you want." Pagkasabi niya nun ay sinubo niya na yung kinakain niya.

Naglalakad ako ngayon pauwi. Naalala ko yung away ni Nikko at Tyrone kanina may personal na problema kaya sila sa isa't isa? Parang meron eh.

"Mandy!" Napalingon ako kung sino yung tumawag sakin, si Nikko.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya.

"Dumaan kasi dito yung sasakyan ko eh nakita kita kaya bumaba ako." Tinignan ko siya.

"Bakit? May gusto ka bang sabihin?" Tumawa naman siya.

"Pwede ba ako pumunta sainyo?" Nanlaki naman yung mata ko sakanya.

"B-bakit naman?" Nag shrug lang siya.

"Wala, maaga kasi tayo nadismissed eh wala naman akong gagawin sa bahay. Pwede ba?" Sabi niya habang nakangiti. Ngumiti din ako sakanya.

"Bakit naman hindi?"

Nakauwi na kami ng bahay at si Jandy naman ay gulat na gulat kung pano ko daw nadala si Nikko dito.

"Jandy!" Huminto naman si Jandy.

"Sorry." Nag bow naman siya kay nikko at sakin. Umupo lang sila parehas sa sofa.

"Kuha lang ako ng maiinom." Ngumiti naman si Nikko sakin.

Habang gumagawa ako ng inumin ay tinignan ko si nikko na nakaupo sa salas namin at nakikipag usap kay Jandy. Totoo ba to? Nandito si Nikko sa bahay namin? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Bakit ba ako ganito?

Bumalik na ako sa salas at nilagay yung inumin nila sa table.

"Thanks." Sabi ni nikko ng nakangiti. Ngumiti lang din ako sakanya.

"Entertainment News!" Napatingin kaming lahat sa TV

"The two famous superstar are caught having dinner together!" Sabi ng reporter at nagpakita ng pictures sa screen.

"Tyrone Knight and Cindy Smith are having a dinner last night. Said that they were so sweet and cute together." Nagpakita ng mga pictures nilang dalawa sa TV at totoo nga, sila ngang dalawa.

"Now that Cindy's tour has ended and she's now in our country would we able to see more photos of them and also would they able to confirm their relationship? It's really a good news for tyrone and cindy's fans!" Tapos nag end na yung balita.

Sabi sayo Mandy eh, tama ka kahit kailan hindi ka magugustuhan ni Tyrone. Si Cindy yung gusto niya. Ngumiti ako isa talagang kalokohan. Isa ka lang ordinaryong fan ni Tyrone tapos magkakagusto siya sayo? Nakakatawa.

"Hey, mandy." Nagulat ako kay Nikko.

"Bakit?"

"Kanina ka pa tulala diyan."

"Eh siyempre! Makita niya ba naman na magkasama si Tyrone at Cindy hindi siya malulungkot? Mamaya nga iiyak yan sa kwarto niya eh!" Nanlaki yung mata ko kay Jandy si Nikko naman nakatingin lang sakin.

"Ah, magdidilim na Nikko. Tara?" Tumango lang naman si Nikko.

"Hatid na kita sa sakayan."

"Sure ka?" Tumango lang ako sakanya. Habang naglalakad kami ay ang tahimik naming dalawa.

"Mandy?" Tumingin ako kay Nikko.

"Ano na ang feelings mo kay Tyrone ngayon?" Napaiwas ako ng tingin sakanya. Bakit niya naman yan tinatanong?

"Yung feelings ko sakanya?" Sabi ko ng hindi nakatingin sakanya.

"Gusto ko parin siya makita araw araw, gusto ko malapit sakanya, gusto ko marinig boses niya.." Nakatingin lang sakin si Nikko, tumingin din ako sakanya at ngumiti.

"Simula palang naman talaga eh. Fan niya kasi ako. Isa parin ako sa mga babaeng titili sakanya at magpapa autograph sakanya. Isa niya akong fan Nikko." Huminto ako.

"Siguro yung mga panahon na inakala ko na may gusto din siya sakin eh nahihibang talaga ako. Pero tanggap ko na Nikko." Tumingin ako sakanya. "Hanggang fan lang ako."

Dear the one, Please stay.Where stories live. Discover now