Dear, THE ONE - 17

617 8 1
                                    

Mandy's POV

"Mandy sure ka na bang okay ka na talaga?" Tanong sakin ni Nikko habang nandito kami sa bus. Pauwi na kami dapat bukas pa talaga kaya lang yung nangyari sakin napagkasunduan ng prof namin na umuwi na. Hay dahil tuloy sakin napaaga ang uwi nila. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako oh malungkot eh.

"Oo naman, Nikko." Pero ang pinagtataka ko hindi ko alam kung bakit napunta ako dun sa lake. Hindi kaya nanaginip ako at nagsleep walk ako kaya dinala ko yung sarili ko don sa may lake?

Pero, may mas ikinagugulat parin ako ngayon.

"Pinag-alala mo ako." Nag flashback na naman sa utak ko yung sinabi ni Tyrone habang yakap niya ako. Pinag alala ko siya? Tsaka, niligtas ako ni Tyrone.

Nakita ko naman na ang katabi ko na si Nikko ay natutulog. Kita ko rin sakanya yung pag-aalala niya sakin kanina, Nakakatuwa. Hay! Kung bakit ba kase nag camping camping pa kami eh. Pero, bakit parang ang memorable ng camping na ito? Umiling ako.

Nagulat ako ng biglang bumagsak yung ulo ni Nikko sa balikat ko. Napangiti ako.

"Salamat Nikko." Tinitigan ko mabuti si nikko. Ang gwapo gwapo niya at ang kinis. Ang swerte siguro ng taong mamahalin nito ni Nikko. Hay Mandy ano bang pinag iiisip mo? Matulog ka na ngalang. Inilagay ko yung ulo ko sa may bintana at maya maya ay nakatulog na ako.


Tyrone's POV

Nandito ako ngayon sa loob ng bus habang pinapanood si Mandy at Nikko. Naiinis ako, pagtapos ko siya iligtas kay Nikko pa siya magpapasalamat at titig na titig pa siya? Nakakainis.

Nakakainis bakit ko ba sinasabi tong mga to? Bahala sila.

Naging mahaba ang byahe at nakauwi narin kami sa sari-sarili naming bahay. Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan yung nangyari sa camping.

"Pinag-alala mo ako." Niyakap ko si Mandy, sobra akong nag-alala sakanya.

"Tyrone.." Gumalaw siya dahilan ng pagbitaw ko sa pagyakap tsaka siya ngumiti sakin.

"Salamat."

Teka, bakit ba si Mandy ang bukambibig mo tyrone? Pero, ewan! Aish! Bahala na. Teka malapit na yung Singing contest ah? Bigla akong nalungkot, alam ko pagtapos ng singing contest na yon hindi na kami masyadong makakapag usap ni Mandy. Teka? Mandy na naman?! Hay ewan!

Narinig ko namang may tumatawag sakin, Si Junsu.

"Oh bakit?"

"Totoo ba?" ha? Anong totoo?

"Totoo ang alin?"

"Na nililigawan mo na si Cindy." ANO?! Ako? Nililigawan ko? Si Cindy?

"ANO?!"

"Bakit gulat ka? Mag internet ka kaya." Binaba ko na yung phone ko at nagsearch.

"Tyrone knight, starting to court Cindy?" Basa ko dun sa article na sinearch ko. At kailan ko sinabing nililigawan ko si Cindy? Binasa ko pa yung nakasulat.

"On the late night show, Cindy Smith answered the question Is tyrone knight courting you? She said "I don't know, but he asked me out on a dinner." Nanlaki yung mata ko sa sinabi ko. Niyaya ko siya magdinner? Teka lang, ako ba talaga? Siya yung nag-aya sakin magdinner. Nakakainis naman 'to.


Cindy's POV

Pinatay ko na yung phone ko after ko mabasa yung article. Napangiti ako. Wala ka ng kawala ngayon Tyrone. Matagal ko ng gusto si Tyrone pero kahit isang beses hindi niya pa ako napapansin. Kahit mga fans namin gusto na kami ang magkatuluyan, pero ewan ko ba diyan kay Tyrone kung bakit hindi ako magustuhan.

Dear the one, Please stay.Where stories live. Discover now