Dear, THE ONE - 16

659 8 0
                                    

Nikko's POV

Nandito kami ngayon sa loob ng bus at halatang halata kay Mandy na nanginginig siya sa sobrang kaba. Napagngiti ako sakanya, ang cute niya masyado. T-teka nikko, anong sabi mo? Magkatabi kami ngayon ni Mandy sa bus.

"Wag ka mag-alala mandy, nandito ako pprotektahan kita." Napatingin sakin si Mandy maya maya ngumiti siya.

"Talaga?" Tumango naman ako sakanya. Maya maya naramdaman ko na naumpog siya sa salamin ng bus. Napailing nalang ako sa babaeng to, inayos ko yung ulo niya at nilagay sa balikat ko, sa ginawa kong yun biglang bumlis yung tibok ng puso ko. Bakit ganito? Abnormal na ba ako? Alam ko kung ano ito hindi naman ako tanga para hindi ito malaman, pero nikko sigurado ka ba?

Tinignan ko lang si Mandy, napakaganda niya sobrang simple niya lang hindi katulad ng mga ibang babae sa IU na para bang araw araw may pageant kung mag ayos. Nakita ko naman yung kwintas ni Mandy na hugis puso. Sino kaya ang nagbigay sakanya niyan? Naalala ko yung sinabi sakin ni Mandy na may ipapadala daw siyang mga sulat para sa importanteng tao na nasa U.S ngayon, sino kaya yon?

Teka nikko, bakit ba mukang bibig mo si Mandy? Napailing nalang ako sa sarili ko. Tinignan ko siya, ang mahalaga masaya ako sayo, Mandy.


Yuri's POV

"She's a bitch." Sabi sakin ni Nadine. Sumosobra na talaga yung babae na yan. Pati ba naman si Nikko nilalandi niya? Sobra na siya masyado. Okay lang yung kay Tyrone eh pero kay Nikko? Samantalang ako simula high school palang nagpapapansin na ako sakanya pero wala. Samantalang yung Mandy na yan kakakilala lang nila ni Nikko ganyan na agad? Nakakairita.

"What will you do girl? Sobra na siya."

"Don't worry nadine, makikita niya hinahanap niya." Napangiti ako, humanda ka Mandy.


Mandy's POV

Nandito na kami! Magsisimula na kaming umakyat sa bundok at dun sa loob ng bundok kami magcacamp. Sinong matutuwa dun diba? Huhu! Mama, I need your help kailangan mo ako itakas dito!

"Please fall in line okay! Bawal magkawatak watak. Kung may masusugatan man may first aid kit okay?" First Aid kit? Hindi kaya bumuhay ng patay ang first aid kit, at tama kayo mamamatay na talaga ako!

"Mandy, nandito lang ako sa tabi mo wag ka mag-alala." Napalingon naman ako kay Nikko at ngumiti sakanya.

"Salamat."

"Okay halika na kayo." At ito na nga po, oras na talaga ng kamatayan ko. Kinuha ko yung bag ko na nilapag ko muna sandali. Hindi ko nga alam kung bakit dalawang backpack pa ang pinadala sakin ni mama. Sobrang daming laman. Mas mabuti na daw yung sigurado. Ang bigat bigat naman nito.

Napakabato. Paakyat. Pababa. Ang hirap. Bakit ganito? Nasa tabi ko ngayon si Nikko at sa kabila ko naman si Tyrone na medyo nahuhuli lang samin. May bigla akong naisip, paano kaya kapag pinag aagawan ako ni Tyrone at Nikko? Katulad ng napapanood ko sa mga palabas na pinagaagawan siya ng dalawang gwapong lalaki. Nakakakilig.

"AHHHHHHHHH!!!!" At ito na nga namatay na ako. Bye world.

Pero nagulat ako kung sino yung sumalo sa akin. Hawak niya ako sa bewang ko at nakatitig lang siya sakin. Nakatulala lang ako sakanya. Parang nag sslow-mo lahat sa paligid ko. Parang kaming dalawa lang ang tao dito. Parang feeling ko nasa show kami tapos umiikot yung camera samin. Hanggang ngayon tulala parin ako sakanya at pati narin siya.

"Ty-tyrone.. Salamat."

"Mandy!" Bigla namang lumapit samin si Nikko. Hanggang ngayon nakatulala parin ako sa ginawa ni Tyrone.

Dear the one, Please stay.Where stories live. Discover now