Dear, THE ONE - 8

854 12 2
                                    

Mandy's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mandy's POV

Naglalakad ako papuntang room namin ng makita ko na nagtitinginan ang mga tao sakin. Hindi ko nalamang yun pinansin nasanay narin naman ako. Hawak ko ngayon yung box na ibibigay ko kay Nikko. Si Nikko yung nagpagaan ng pakiramdam ko nung mga panahon na sobra ang sakit na nararamdaman ko.

Nakarating ako sa locker ni Nikko. Nilagay ko naman yun sa loob ng locker niya. Simple lang naman yon. Cupcake lang na may Thankyou sa ibabaw. Bumalik na ako ng classroom at nakita ko naman dun si Tyrone na nagiisa. Bakit siya pa ang nandito? Tumalikod ako para maglakad lakad na sana muna pero nagulat ako ng hinawakan niya yung kamay ko.

"Mandy please let me talk." Tinignan ko lang siya.

"Please don't do this." Ngumiti ako sakanya pagkasabi niya nun.

"Wag ka mag-alala Tyrone fan mo parin ako." Nakatingin parin siya sakin hanggang ngayon. "Ako naman talaga yung mali eh nag expect ako sa isang katulad mo. Sino naman ba ako?"

"Mandy it's not what you think." Tumingin ako sakanya. "Mandy you know.."

"Tama na." Bumitaw ako sakanya. "Ayoko ng umasa. Wag ka mag alala Tyrone. Number 1 fan mo parin ako." Nag bow ako sakanya at pumasok na sa loob ng room.

Siguro nga naka drugs ako nung mga panahong nag isip ako na may gusto sakin si Tyrone. Sino ba naman ako para magkagusto siya sakin diba? Sobrang tanga mo Mandy ang tanga tanga mo.

Nakita ko naman na dumating si Nikko. Napaiwas ako ng tingin. Bakit parang nahihiya ako sakanya?

"Ayos ka lang?" Tumungo ako ng hindi nakatingin sakanya. Nababaliw na ba ako? Bakit hindi ako makatingin sakanya.


Nikko's POV

Bakit kaya nagkakaganyan si Mandy? Bakit parang nahihiya siya sakin? Anong meron? Hindi kaya... Hay nako Nikko napaka feeling mo naman. Nag dismissed na yung prof namin at niyaya ko na si Mandy mag lunch.

"Ahh ano, eh sige mauna ka na.. May bibilhin lang ako.. Sunod ako. Bye!" Sabi niya biglang takbo anong problema non? Nagkibit balikat nalang ako at dumiretso na muna sa locker ko. Binuksan ko yung locker ko at nagulat ako ng may isang box na nakalagay dun. Kinuha ko ito at binuksan Thankyou ang nakalagay sa ibabaw ng cupcakes parang biglang lumundag yung puso ko pagkakita ko. Tumingin ako sa paligid at sa kanan ko biglang lumabas si Mandy na nagtatago pala sa likod ng locker nakangiti siya sakin lalo akong sumaya.

"Sensya ka na yan lang nakayanan ko eh." Hanggang ngayon nakatingin parin ako sakanya at hanggang ngayon pinipilit ko talagang ipasok sa utak ko na sakanya ito galing.

"Huy! Hindi mo ba nagustuhan? Sorry talaga."

"Ha? Hindi mandy, Sobrang salamat. Hindi mo naman to kailangan gawin eh."

"Ano kaba kulang pa yan sa pagcocomfort na ginawa mo sakin."

"Tara lunch na tayo?" Aya ko sakanya. Tumungo naman sya ng nakangiti.

Kita ko na pinagtitinginan kami dito sa canteen, si Mandy naman nakayuko lang.

"anong gusto mo?"

"Ah sige ako nalang bibili ng sakin." Aalis na sana siya pero pinigilan ko na..

"No ako na treat ko." Nag wave naman siya.

"Wag na okay lang."

"Please?" Ngumiti naman siya sakin.

"Okay ikaw naman nag suggest eh." Ngumiti rin ako sakanya. Pumunta naman sya don sa uupuan namin. Umorder ako naalala ko na palaging pasta lang yung inoorder niya kaya ang payat niya eh. Umorder ako ng madami. Pagbalik ko ng table namin ay nagulat siya.

"May dadating ka pa bang kaibigan?" Tanong niya. Umupo naman ako sa harap niya.

"Wala, tayong dalawa lang ang kakain."

"Eh bakit ang dami?"

"Ayaw mo?" Umiling siya sakin.

"Hindi eh kasi.." Pinisil ko yung ilong niya.

"Wag ka ng mahiya." Tumungo naman siya sakin ng nakangiti dahilan ng pagbilis na naman ng tibok ng puso ko. Nikko ano ba umayos ka. Nakita ko naman na kumakain si Mandy. Napatingin ako sa paligid ko dahil pakiramdam ko may nakatingin sa amin. At tama nga ako si Tyrone. Nakatingin siya samin ni Mandy.

"Grabe Nikko sobra akong nabusog." Sabi ni Mandy habang naglalakad kami dito sa hallway.

"Mandy mauna ka na sa room ah may pupuntahan lang ako." Napatingin siya sakin.

"Ha? sige."

Dumiretso ako dun sa may rooftop kung saan laging tumatambay si Tyrone. Nakarating ako dun at kita ko yung gulat ni Tyrone.

"Anong ginagawa mo dito? Bawal ka dito." Ngumiti ako sakanya.

"Alam ko. Pero may gusto lang sana ako sabihin sayo." Tumingin sya sakin ng diretso.

"Hinding hindi ko na hahayaan na makalapit ka pa kay mandy." Pagsabi ko nun ay tumalikod na ako.

"Why? Do you like her?" Nilingon ko ulit siya.

"Wala ka ng pakielam don." Madiin kong sabi sakanya.

"What the fuck did you said? I do have care because first of all mandy is my.." Parehas kaming natigilan. Ano si mandy sakanya?


Tyrone's POV

"Wala ka ng pakielam don." What? Niloloko ba ako ng lalaking to?

"What the fuck did you said? I do have care because first of all mandy is my.." Natigilan ako. Parang may biglang umurong sa dila ko.

"She's my.." Hanggang ngayon nakatitig lang sakin si Nikko at nag aantay ng sagot.

"What? She's your what?"

"Friend." Friend? "Yes! She's my friend. At wala ka ng pakielam pa dun kung gusto ko siya lapitan oh hindi." Pagkasabi ko nun ay umalis na ako. Tinignan ko yung orasan ko. Hindi nalang ako aattend ng last class pupunta nalang ako ng maaga sa photoshoot.

Pumunta ako ng parking lot at nakita ko na nagulat sila Sir Mark.

"Ang aga mo ata?"

"Maaga nadismissed. Diretso na tayo sa shoot." Tumungo nalang sila.

Habang nasa loob ako ng sasakyan di maalis sa isip ko yung sinabi ko kanina. Ano nga ba si Mandy para sakin? Naalala ko yung umamin sakin si Mandy sobrang gulat ko nun dahil hindi ko inexpect na ganon na pala talaga yung nararamdaman niya para sa akin. Akala ko kasi Normal na fan lang talaga siya. Yun pala iba na. Pero gaya nga ng sabi ko sakanya iba yung nararamdaman niya sa nararamdaman ko.

Oo, masaya kasama si Mandy pero hanggang dun lang yon siguro nga tama yung sinagot ko kay Nikko kanina na kaibigan ko lang talaga si Mandy.

"And because Cindy's tour are over she's now back to our country and ready to do new stuffs!" Nagulat ako sa narinig ko sa radio.

"Her tour is over?" Tanong ko kay Sir Vince. Tumungo lang siya.

"Ang bilis nga eh 6 months na pala yun." So nandito na pala siya. Sana naman wala ng issue tungkol samin.

Pagkababa ko ng sasakyan dumiretso agad ako sa dressing room pero nagulat ako ng may humila sa kamay ko at niyakap ako.

"I miss you tyrone!!" Si Cindy.

Dear the one, Please stay.Where stories live. Discover now