Dear, THE ONE - 13

729 8 7
                                    

Mandy's POV

Nandito kami ngayon ni Nikko sa classroom, napag alaman namin na walang klase ngayon. Wala rin naman ako gagawin ngayon sayang lang yung araw.

"Mandy.." Napatingin ako kay nikko na hindi nakatingin sakin. Ako ba talaga yung tinagawag niya? Bakit hindi siya nakatingin sakin?

"Ako ba?"

"Gusto mo lumabas? Tutal wala namang klase buong araw eh." Natigilan ako sa tanong ni Nikko pero, Oo nga no? Wala rin naman akong gagawin. Wala rin naman akong trabaho ngayon sa coffee shop.

"Saan ba?" Ngumiti ako kay Nikko, ngumiti rin naman siya sakin.

"Mandy." Napatingin ako sa likod ko. Si Tyrone.

"Bakit?"

"Since, wala naman class buong araw. P-practice tayo?" Napaisip ako, Oo nga perfect itong araw na 'to para makapag practice kami ni Tyrone. Tumingin ako kay Nikko.

"Next time nalang nikko. Kailangan ko kasi manalo dito para sa ipambabayad sa bahay namin." Nakatingin lang sakin si Nikko.

"Gusto mo ba sumama ako?" Napaisip ako, pwede naman. Kaya lang baka mangyari na naman yung bangayan nila ni Tyrone katulad nung nangyari sa rooftop at baka hindi pa makapag focus si Tyrone. Umiling ako kay Nikko.

"Wag ka mag alala Nikko, okay lang ako. Itetext nalang kita." Ginulo niya yung buhok ko at ngumiti.

"Sige siguraduhin mo lang Ms. Coffee." Tinawag niya na naman ako niyan. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung bakit Ms. Coffee tawag niya sakin eh.

Tumingin ako kay Tyrone, "Tara?" Tumango naman siya.

Dumiretso kami sa Parking lot kung saan nakapark yung sasakyan niya.

"S-saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Tyrone.

"Sa bahay ko ulit." Tumango nalang ako sakanya. Oo masaya ako pero pinipigilan ko parin yung sarili ko. Alam ko kasi na mahal ko parin si Tyrone.. Pero, alam ko na wala akong pag asa.

Nakarating na kami sa bahay ni Tyrone, hanggang ngayon naamaze parin ako sa ganda at laki ng bahay ni Tyrone, pati narin sa linis na 'to. Marami siyang malalaking picture niya na galing sa mga photoshoot niya. Ang layo na ng narating ni Tyrone. Isa siyang malaking inspirasyon.

"Pinakinggan ko yung kanta na I believe in love at totoo nga, maganda nga siya." Ngumiti ako kay Tyrone.

"Oo nga eh, nagulat ako alam ni Nikko yung kanta na yun." Tahimik lang si Tyrone.

"May problema ba?" Tanong ko. Umiling naman siya.

"Kumain muna tayo. Nagpa grill ako dun tayo sa garden." Bigla akong natuwa sa sinabi ni Tyrone. Ang saya naman nun sa garden kami kakain.

Pagkadating namin sa garden sobrang ganda, ang kulay rin ng mga bulaklak. Nakakalambot ng puso kung titignan.

Tinext ko si Nikko na nasa bahay ako ngayon ni Tyrone. Yung pakiramdam ko kay Nikko ay para ba siya yung pinagkakatiwalaan ko sa lahat ngayon. Sobra akong masaya na nakilala ko siya. Teka mandy, ano bang pinagsasasabi mo diyan?

"Tapos na siya, tara kain na tayo." Tumango ako sakanya. Tinikman ko ito Grilled Liempo, grabe ang sarap. Napansin ko naman na nakatingin sakin si Tyrone.

"Ba-bakit?" Ngumisi siya sakin.

"Ang lakas mo kumain. Para kang halimaw." Nanlaki yung mata ko sakanya. Ano daw? Halimaw?

"Grabe ka sakin ha!" Tumawa lang siya.

-- Playing "The two of us by Ali" --

Nakarinig naman kami ng kulog mukang uulan ha.

"Mukang uulan mandy tara pasok na tayo." Tinignan ko yung langit, Oo nga napakadilim ng langit. Naalala ko yung huling ligo ko sa ulan. Yun ay yung kasama ko si Calvin. Bigla namang bumuhos ang malakas na ulan.

Hinila naman ako ni Tyrone sa isang garage kung saan may bubong medyo malayo kasi yung loob para matakbo pa namin.

"Kailan yung huling ligo mo sa ulan?" Hindi ko alam kung saan galing yung tanong ko kay Tyrone, ramdam ko na napatingin siya sakin.

"Kahit kailan hindi ako naligo sa ulan na choice ko, siguro sa shoot pero isang beses lang yun at hindi ko na yun maalala." Napatingin ako sakanya. Seryoso ba siya?

Tinitignan ko parin yung ulan. Ngumiti ako.

"Tara?" Ramdam ko na napatingin sakin si Tyrone.

"Ha?" Lumakad ako at ramdam ko na nababasa na ako ng ulan. Tumingin ako kay tyrone na nakatingin lang sakin, nilahad ko yung kamay ko sakanya.

"Tara?" Ngumiti ako sakanya at siya nakatingin lang sakin, maya maya hinawakan niya yung kamay ko at nagpabasa din siya sa ulan.

Nakita ko na dinadama niya yung ulan at nakanngiti siya. Hindi parin ako makapaniwala na hindi siya nakakaranas maligo sa ulan.

"Tao ka ba talaga? Sa tagal mo naninirahan sa mundo'ng ito hindi ka pa nakakaligo sa ulan?"

"Ha??!" Nilapit niya yung tenga niya sakin. Mukang hindi niya narinig.

"WALA SABI KO HABULIN MO AKO!" Tapos tumakbo ako, hinabol niya naman ako. Sa lakas ng ulan rinig na rinig ko yung tawa niya.

Paikot ikot lang kami dito sa garden niya, nakakatawa nga eh dahil hindi niya ako mahabol.

"Huli ka!" Yakap sakin ni Tyrone at napahiga kami. Ramdam ko naman na nakapatong sakin si Tyrone. Umangat siya ng kaunti at tinignan ako. Titig na titig siya sakin.. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Wag mandy, please madala ka na. Gumalaw ako kaya tumayo narin si Tyrone. Inalayan niya rin ako sa pagtayo ko.

"Tara na Tyrone, baka magkasakit ka pa hindi ka sanay." Aalis na sana ako pero hinawakan niya yung kamay ko at bigla akong niyakap.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, please ngayon lang pagbigyan niyo ako. Niyakap ko din si Tyrone.

"Salamat mandy." Pagkasabi niya nun ay mas hinigpitan niya pa yung pagyakap sakin.

Dear the one, Please stay.Where stories live. Discover now