Dear, THE ONE - 14

717 8 4
                                    

Nikko's POV

From: Mandy.

Nandito kami ngayon sa bahay ni Tyrone, Nikko. Wag ka mag-alala okay ako.

Pagtext ni Mandy non ay nakaramdam ako ng inis, bakit kailangan dalin pa ng tyrone na yun si Mandy? Pwede namang dito nalang sa school, oh kaya dun sa rooftop niya bakit sa bahay niya pa?

Puntahan ko kaya? Wag Nikko. Tawagan ko? Wag Nikko baka makaistorbo ka. Pero, gusto ko talaga makausap si Mandy gusto ko malaman kung ano ang ginagawa nila ngayon.

Napailing nalang ako, walang mangyayari sakin dito. Dumiretso ako sa sasakyan ko at ako nalang ang nag drive. Mukang uulan pa ata. Binuksan ko ang radio ng sasakyan ko at nakinig nalang ng musika. Naalala ko yung boses ni Mandy na napakaganda. Napangiti ako.

BEEEEEEP!

Nagulat ako ng muntik na kaming magkabanggaan ng kotse na nasa harap ko. Kung mamalasin ka nga naman oh, nasabayan pa yung pagka badtrip mo. Bumaba ako at pati narin yung may ari ng sasakyan. Pero mukang driver lang nito ang bumaba.

"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" Sabi sakin nung lalaki pagbaba niya. Hindi ko kasi alam ang nangyari kainis naman oh. Sino ba talaga ang mali ako oh siya?

"Actually, hindi ko alam yung totoong nangyari pero kung ako man humihingi ako ng paumanhin." Nagbow ako sakanya. Mas matanda kasi siya sakin so, pinabayaan ko nalang.

"Muntik na kami mamatay ni Mam Cassandra dahil diyan sa pagmamaneho mo." Ca-cassandra? Hindi kaya? Hindi Nikko ano ba iniisip mo napakadaming cassandra sa mundo.

"Pasensya na ulit." Nagbow ako ulit sakanya.

"Kuya Jo! Matagal pa ba yan?" May babaeng bumaba mula sa sasakyan na laking gulat ko.

Nakatingin lang kami sa isa't isa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nikko, magsalita ka.

"Ni-nikko?" Sabi ni Cassandra habang papalapit sakin. Nakakatawa napakaliit talaga ng mundo para siya pa talaga yung makita ko ngayon.

"O-oo ako nga.. Kailan ka pa nandito?"

"Mam magkakilala po kayo?" Napatingin naman kami sa Driver ni Cassandra.

"Oo kuya, pwede ba pasok ka muna sa loob? Maguusap lang kami sandali." Tumungo naman siya at pumasok sa loob ng sasakyan.

"Nikko? Ikaw ba talaga yan? Sobrang laki ng pinagbago mo." Lumapit siya sakin at ngumiti.

"Oo ikaw? Kailan ka pa nandito?" Tanong ko sakanya, umiwas naman siya ng tingin sakin.

"Last week lang!" Pagkasabi niya nun ay ngumiti siya sakin. "Ikaw? Saan ka napasok?"

"Sa IU ako. Ikaw? Dito ka na for good?" Tumango naman siya sakin.

"Ah, sige cassandra mauna na ako." Tumalikod na ako sakanya pero nagulat ako ng hawakan niya yung kamay ko.

"Ah nikko?" Tumingin ako sakanya.

"Pwede ko ba makuha number mo? Para naman makapagkita oh kaya usap tayo ulit." Tinignan ko siya. Sa di malamang dahilan binigay ko sakanya yung number ko.

Sumakay na ako ulit sa sasakyan ko at umalis na. Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na bumalik na dito si Cassandra. Si Cassandra ay Ex girlfriend ko nung highschool ako. Siya yung first girlfriend ko. 2 years din kaming nagtagal. Everything about us was perfect. Pero nung nag third year high school na kami sabi niya sakin aalis na daw siya at pupunta na ng states.

Sobrang galit ko nun, at simula nun naging cold ako sa mga tao sa paligid ko pati narin sa mga babae pakiramdam ko hindi dapat sila pinagkakatiwalaan dahil sa huli iiwan ka rin naman nila.

Dear the one, Please stay.Where stories live. Discover now