Dear, THE ONE - 18

603 7 1
                                    

Mandy's POV

"Unless you planned to stay."

"Unless you planned to stay."

"Unless you planned to stay."

Ahhh! Mababaliw na ata ako sa kakaisip kung ano yung sinabi ni Tyrone? Anong ibig sabihin niyang "Unless you planned to stay." Na yan! Sobra akong naguguluhan. Anong gagawin ko? Hindi naman nag oonline si Calvin para matanong ko siya.

Ah, teka! Sino nikko nalang yung tatanungin ko. Tinawagan ko si Nikko at agad naman niya itong sinagot.

"Nikko!"

"Mandy, bakit? Gabi na ha?" Oo nga gabi na at hanggang ngayon hindi parin ako makatulog dahil sa sinabi ni Tyrone.

"Ah nikko may itatanong lang sana ako sayo."

"Ano yon?"

"Ano ba ibig sabihin kapag sinabi sayo ng isang tao na, "Please don't come into my life, unless you planned to stay?" Bigla namang tumahimik si Nikko at hindi nagsasalita. Baka naman nag iisip lang ikaw talaga mandy hayaan mo muna mag-isip.

"Si tyrone ba?" Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Nikko. Yung boses niya parin ay may halong lungkot, baka nag aalala lang sakin si Nikko syempre yung nangyari sakin dati kay tyrone.

"Ahh ano.." Teka? Bakit parang hindi ako makapagsalita? Narinig ko na tumawa siya ng mahina.

"Ang ibig sabihin non mandy..." Tumigil ulit siya at maya-maya nagsalita ulit.

"Wag mo pasukin ang buhay niya kung aalis ka lang din naman.." Napahinto ako. Hindi ko parin maintindihan. "Ibig sabihin, binubuksan niya yung puso niya para sayo, Mandy." Lalo akong napahinto sa sinabi ni Nikko.

Si tyrone? Ibig sabihin, binibigyan niya ako ng pag-asa?

Narinig ko na nagbuntong hininga si Nikko..

"Basta mandy, nandito lang ako palagi." Tapos bigla na niyang binaba yung call namin.

Binubuksan na ni Tyrone yung puso niya para sakin?


Nikko's POV

Nakatingin parin ako sa cellphone ko pagtapos namin mag usap ni Mandy. Napangiti ako, pero yung ibang klase ng ngiti. Ngiting nasasaktan. Sabi na nga ba. Hindi rin naman kasi talaga mahirap magustuhan si Mandy. Napailing ako. Talo ka Nikko.

Kinabukasan sa school ay maaga ako pumasok. Nakita ko yung table ni Mandy na may regalo sa ibabaw nilapitan ko ito at tinignan. Sa ibabaw may nakasulat na "Goodmorning!" Alam na alam ko na naman kung kanino galing to, siguro nga sinisimulan niya ng ligawan si Mandy.

"Goodmorning, Nikko!" Napalingon ako kung sino yung tumawag sakin, si Yuri. Dumiretso nalang ako sa upuan ko at hindi siya pinansin.

May nararamdaman kasi akong siya yung gumawa kay mandy lahat ng nangyari sakanya sa camping. Ang tanong bakit niya naman ginagawa yon?

"Nikko! Can I hear goodmorning from you?" Sinamaan ko siya ng tingin at siya naman nakatingin lang sakin.

"Please be honest to me.." Bigla naman nanlaki yung mata niya at ngumiti. Anong akala niya na sasabihin ko? Tss.

"Ikaw ba gumawa lahat kay mandy non? Yung nangyari sakanya sa camping?" Yung ngiti niya unti unting nawawala at nanlaki yung mata niya.

"A-ano b-ba ang sinasabi mo dyan nikko!" Ngumiti naman ulit siya, halatang halata na nagdedeny pa.

"Ganon? Ayoko kasi sa mga babaeng sinungaling sorry." Pinanlakihan niya ulit ako ng mata.

"Pero hindi nga ako yung gumawa non kay mandy!" Tumayo siya at bumalik na ulit sa upuan niya. Nakita ko naman na nakarating na si Mandy at nginitian ako.

"Bakit mo binaba yung tawag natin kagabi?" Tanong niya ng nakapout pa. Bakit ganito ang babaeng 'to? Wag na please. Baka hindi ako makapagpigil at hilahin kita palayo kay Tyrone.

"Inantok na kasi ako." Tumango naman siya. Nagsimula na yung klase at pansin ko na natuwa si Mandy don sa regalo sa ibabaw ng table niya, maya maya hinanap niya rin si Tyrone na hanggang ngayon hindi pa dumadating.

Umiwas nalang ako ng tingin sakanya, Wala ka ng pag-asa nikko.


Mandy's POV

Bakit kaya wala pa si Tyrone? At kanino naman galing itong regalo na 'to? Isa siyang maliit na stufftoy at may goodmorning na nakasulat dun sa regalo.

Ang taray naman nito, mag ggoodmorning lang may stufftoy pa. Pero, kanino kaya galing to? Kay Tyrone kaya? Umiling ako. Wag kang assuming Mandy.

Tinignan ko si Nikko na parang ang lungkot lungkot ng mata niya. Ano kayang nangyari sakanya? May problema kaya siya? Gusto ko siyang pasayahin. Pero pano?

Maya-maya naramdaman ko na nagvibrate yung phone ko. Kinuha ko ito at tinignan. Unknown number

Meet me at the parking lot.

Ha? At sino naman itong gusto makipagkita sakin sa parking lot? Hindi kaya, budol-budol to? Oh baka naman siya yung nagbigay ng regalo na 'to?

Nagdismissed na yung prof namin at magpapasama sana ako kay Nikko kaya lang bigla nalang siya nawala. San naman kaya pumunta yon? Tatanungin ko nalang siya bukas. Sa ngayon pupuntahan ko muna yung nagtext sakin nito.

Pagkarating ko ng parking lot ay wala namang tao. Napabuntong hininga ako sa sarili ko. Baka naman kasi niloloko lang ako nito.

Nagulat naman ako ng may biglang tumakip sa mga mata ako at nagtali ng dalawa kong kamay sa likod ko. Hala! Nakidnapp ako! Saan naman ako dadalhin ng mga 'to?

Naramdaman ko na sinakay nila ako sa sasakyan..

"Pakawalan niyo ako! Hindi naman ako mayaman para makidnapp!" Oo wala kaming pera pang ransom dito at ano makukuha nila samin? Eh nasa tita ko pa nga titulo ng bahay namin eh! So bakit nila ako kikidnappin? Huhu naging makasalanan ba ako para mangyari 'to sakin?

Hindi kaya?? Gusto nila akong rapein?

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!" Bigla namang napapreno yung sasakyan. Ako naman nagsimula ng umiyak.

"Kuya please marami pang mas maganda sakin diyan, wag ako please. Gusto ko makukuha lang sakin to ng mapapangasawa ko. Please po kuya." Sabi ko at tuloy parin sa pag iyak pero mukang wala talaga silang awa dahil dirediretso parin ang sasakyan..

Maya maya huminto na kami at hinila nila ako, nagpumiglas ako pero talagang malalakas sila. Siguro nga ito ang nakatadhana sakin. Sorry future husband, wala na akong mareregalo sayo.

Itinayo nila ako at may narinig ko na bumukas ang pinto. Ito na yon. Nagsimula ako umiyak dahil alam ko wala na akong magagawa.

Tinanggal nila ang posas sa likod ng kamay ko. Nananatili parin akong nakatayo. Ano ng nangyayari? Bakit nila tinanggal yung posas ko?

"Pwede mo ng tanggalin ang nakapiring sayo ma'am." Bulong sakin ng lalaki. Biglang tumayo yung balahibo ko. Unti unti ko itong tinanggal at nagulat ako sa nakita ko.

May mga flower petals at mga ilaw sa sahig ko. Tapos may table don sa gitna.

Sino naman ang may gawa nito?

"Do you like it?" Para akong nafreeze sa kinatatayuan ko ng marinig ko yung boses ng lalaking lumabas.

"T-tyrone?"

Dear the one, Please stay.Where stories live. Discover now