Dear, THE ONE - 12

725 9 0
                                    

Mandy's POV

Nandito ako ngayon sa coffee shop sabado kasi ngayon bali whole day ako ngayon. Naalala ko si Calvin, kamusta na kaya yon? Hay. Hinawakan ko yung kwintas na binigay niya sakin. Ang tagal na niyang hindi nagmemessage sakin kahit online hindi siya nagpaparamdam. Nakita ko naman na nag aayos si mam anne baka nakausap niya si Calvin. Nilapitan ko siya.

"Mam anne." Napatingin siya sakin.

"Oh bakit mandy? May problema ba?"

"Nakakausap niyo po ba si Calvin?" Halatang nagulat siya sa tanong ko.

"S-si Calvin?" Tumango ako sakanya, umiwas naman siya ng tingin.

"Huling usap ko sakanya ay yung kakadating niya lang sa U.S" Yung mga araw na yun naguusap pa kami ni Calvin pero simula nung pumasok ako sa Irish hindi na siya nagmemessage oh nagoonline.

"Hindi na po ulit kayo nag usap?" Umiling siya sakin.

"Hindi na." Tumango nalang ako.

"Simula po kasi nung pumasok ako hindi na po siya nagmemessage oh nagoonline.

"A-ah, ganon ba? Busy lang yun mandy." Tumango nalang ako sakanya.

"Sige po balik na ako sa trabaho." Aalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Napatingin ako sakanya.

"Pero okay siya Mandy." Ngumiti si Mam anne at umalis na.

Anong ibig sabihin non? Ibig sabihin nakakausap niya si Calvin? May tinatago ba siya tungkol kay Calvin? May nangyari kayang masama kay Calvin? Umiling ako. Hindi, sure ako hindi ganon. Pero anong meron? Feeling ko may hindi sinasabi sakin si Mam anne.

Natapos na yung oras ko sa shop, kaya didiretso nalang ako ng uwi.

-- Playing "Love begins with a confession by Kim Bum Soo"

Habang nag lalakad ako pauwi nadaanan ko yung tambayan namin ni Calvin.

"Ano ka ba Calvin! Kaya ko yun no!" Sabi ko kay Calvin pano ba naman hindi siya naniniwalang kaya ng powers ko makapasok sa Irish Art University.

"Talaga? Isang Mandy Morley? Eh mahabol nga lang ako hindi mo pa magawa!" Tapos tumawa siya ng napakalakas. Nanlaki mata ko sakanya.

"Aba ganon ha!" Tapos hinabol ko siya, napakabilis niya talagang tumakbo.

"AHHHH!!" Tumakbo palapit sakin si Calvin.

"M-mandy? Ano nangyari?" Ngumiti ako.

"Huli ka!" Tumawa ako sakanya ng pagkalakas..

"Ikaw ah!" Tumayo siya at nagsimula akong habulin.

Nabalik ako sa sarili ko at namalayan ko na tinititigan ko parin yung park kung saan kami palagi tumatambay ni Calvin. Tumakbo ako pauwi ng bahay para ba na gustong gusto ko icheck kung online si Calvin oh nagmessage siya.

Pagdating ko ng bahay ay tumakbo agad ako papuntang kwarto ko at binuksan yung computer ko. May pakiramdam ako na online siya oh kaya nag message siya sakin. Pagopen ko ng computer ko may isang nagmessage sakin. Parang biglang sumaya yung puso ko. Pagkabukas ko isang confirmation email lang pala. Binuksan ko yung account ni Calvin pero hindi parin siya nag oonline simula pumasok ako sa IU (Irish University). Ano kayang nangyari dun?

Ano kaya kung magpadala ako sakanya ng sulat? Oo nga! Papadalan ko siya ng sulat. Kumuha ako ng mga papel. At nagsimula ng gawin yun.

Kinabukasan sa school, sobrang bagsak yung mata ko. Feeling ko yung earth ay nasa mata ko. Nagpuyat kasi ako para matapos yung ipapadala ko kay Calvin.

"Mandy?" Napatingin ako kay Nikko sa likod ko.

"Okay ka lang? Parang pagod ka?"

"Okay lang ako nikko, sige mauna na akong umuwi." Aalis na sana ako pero hinawakan ni Nikko yung kamay ko.

"Hatid na kaya kita?" Umiling ako sakanya.

"May dadaanan pa kasi ako." Kumunot naman yung noo niya.

"Saan naman?" Nilabas ko yung box na ginawa ko kagabi. Box siya na pagbinuksan mo lalabas yung mga picture niyo at may mga message din.

"Ibibigay ko 'to." Ngumiti ako sakanya. Nakatingin lang sakin si Nikko.

"Kanino naman?"

"Isang mahalagang tao na nasa U.S ngayon." Pagsabi ko non kay Nikko ay binitawan niya ako.

"Mauna na ako Nikko. Kita nalang tayo bukas." Nagbow naman ako sakanya at umalis na ako.

Pumunta ako sa opisina kung saan ipapadala nila yun sa U.S, Mabuti na ngalang ay kilala nila si Calvin dahil sa papa niya sinabi ko nalang na sa California at yung lugar na tinitirahan niya hindi ko kasi alam yung exact address pero nung binaggit ko yung buong pangalan ni Calvin alam daw nila. Mabuti na nga lang eh. Para bang nakikisama yung tadhana. Miss na miss ko na kasi talaga si Calvin.

"Salamat po. Excited po ako na makita niya yan." Ngumiti naman sakin yung babae.

"Boyfriend niyo po ba si sir calvin reid?" Nanlaki naman yung mata ko dun.

"Ah! Hindi po, bestfriend ko po siya. 7 years na po kaming magbestfriend." Tumango lang naman yung babae.

Umalis na ako ng opisina na may saya sa puso ko, Excited na akong mabasa mo yun, Calvin.


3rd Person's POV

"Kinakamusta ka niya sakin." Sabi ni Mam anne sa kausap niya sa kabilang linya.

"Nagtataka siya kung bakit simula ng pumasok na siya hindi ka na nagmemessage. Ano ng balak mo Calvin?" Hanggang ngayon tahimik parin siya at hindi siya makapagsalita.

Nakaupo lamang si Calvin at iniisip kung ano ngaba ang kanyang gagawin. Hindi na niya alam sobra na siyang naguguluhan.

"Kilala kita Calvin." Sabi ni Mam anne sakanya.

Inikot ikot ni Calvin yung box na pinadala sakanya ni Mandy. Hindi niya alam kung bubuksan niya ba ito. Napahiga nalang siya at napatingin sa kisame.

"Hindi ko alam ang gagawin ko dito." Sagot ni Calvin kay Mam anne.

"Saan?"

"Nagpadala si Mandy dito ng box at alam ko kung ano laman nito mga mensahe. Ayoko buksan." Nilapag ni calvin yung box sa tabi niya.

"Miss na miss ka na niya Calvin. Alam ko yun kita yun sa mga mata niya." Natahimik naman si Calvin ng matagal.

"Calvin?"

"Sige na po magpapahinga na ako salamat."

Binaba na ni Calvin yung telepono niya at hanggang ngayon iniisip parin niya kung bubuksan niya yung box na pinadala sakanya ni Mandy.

Dahil alam niyang pag nakabasa siya ng mensahe galing kay Mandy, mapipilitan siyang umuwi.

Dear the one, Please stay.Where stories live. Discover now