Dear, THE ONE - 9

830 12 2
                                    

Mandy's POV

"Kamusta naman ang pag-aaral mo sa Irish University anak?" Tanong ni mama habang kumakain kami.

"Okay naman po mama. Ayos naman po ang grades ko. Pinipilit ko po na makakuha ako ng scholar." Sabi ko at ngumiti kay mama.

"Eh kamusta naman si Nikko ate?" Bigla akong nasamid sa tanong ni Jandy.

"Nikko?" Tanong ni mama.

"Opo mama yung sumundo dito kay ate na gwapo."

"Oo nga pala anak sino yon?" Umiwas ako ng tingin sakanilang dalawa.

"Kaibigan ko lang yun siya lang nakakasundo ko."

"Buti nilalapitan ka niya." Tapos nag pout si Jandy.

"Bakit naman hindi?"

"Eh ang panget mo kaya! Tapos siya ang gwapo niya sobra!" Nanlaki naman ang mata ko kay Jandy.

"Hoy mas panget ka no!"

"Hindi no! Ikaw lang yun!"

"Oy kayo diyan tumigil na kayo. Mandy ikaw na maghugas ng pinagkainan." Tapos dinilaan ako ni Jandy. Nag roll eyes nalang ako sakanya. Minsan talaga tinotopak yan si Jandy eh.

Habang naghuhugas ako ng pinggan ay hindi maalis sa isip ko si Nikko. Naalala ko tuloy yung pinagkwentuhan namin nila mama kanina, bakit kaya niya ako sinundo non?

"ATE!!!! Si Cindy nasa TV oh!" Rinig ko na sigaw ni Jandy. Si Cindy? Mabuti nalang tapos na ako maghugas. Nagpunas ako ng kamay at dumiretso sa salas.

"And our guest for today is Cindy Smith who is now in our country after her successful tour." Nagbalik na siya? Ang bilis naman ng tour niya.

"How are you Ms. Cindy? You look so pretty." Ngumiti si Cindy ng napakaganda.

"I am okay.. I am now resting after a long tour."

"Anong plano mo ngayon Ms. Cindy?"

"For now, I don't have any plans but to rest and give my time to my family."

"The fans are really asking.. Nakapag usap na ba kayo ni Tyrone ngayon nakabalik ka na?" Parang biglang huminto yung pagtibok ng puso ko sa tanong ng interviewer.

"Yes, actually nagkita kami kahapon sa photoshoot niya.. Binisita ko siya and he's happy for me for the successful tour."

"Ano na ba kayo ni Tyrone for now?" Tumawa si Cindy.

"Let Tyrone answer that." Tapos nagulat ako na biglang pinatay ni Jandy yung TV

"Uy! Bakit mo pinatay?" Tapos inaagaw ko yung remote sakanya.

"Eh konti nalang ate iiyak ka na diyan eh." Napatigil ako kay Jandy.

"H-hindi ah!"

"Sus hindi daw." Tapos tumayo si Jandy at umakyat na. Napatingin ulit ako sa TV ang sikip ng dibdib ko. Umakyat na rin ako at pumasok sa kwarto ko. Napahiga ako at nakatingin lang sa kisame.

Siguro nga ihinto ko na tong imahinasyon ko. Ang kapal ko nga masyado kay Tyrone eh. Nakakatawa nalang kung isipin sa mga milyon niyang fans sino nga ba ako? Ni isang concert niya nga hindi pa ako nakakapunta eh. Ni album niya nga hindi ako bumili puro lang ako download. Ang lakas ng nahithit mong drugs mandy para isipin na may gusto din sayo si Tyrone.

Napailing nalang ako sa sarili ko. Isa ka lang ordinaryong fan Mandy. Hanggang dun nalang.

-

Naglalakad ako ngayon papuntang school ng may madaanan akong store ng mga candy. Ang cute naman ng mga 'to. At dahil maaga pa naman pumasok muna ako. Ang cute at mukang masarap yung mga candy. Pero may isang candy na napatingin talaga ako.

"Ate, ano po ito?" Tanong ko dun sa nagtitinda.

"Ah iyan ba. Candy yan para sa dalawang tao."

"Dalawang tao?"

"Oo, kunwari sayo yung isa at yung isa naman ibibigay mo sa taong nagpapasaya sayo ngayon. Sa likod ng candy na isa may message na nakasulat dun. At kung sino yung pagbibigyan mo ng isa ay sinasabi na mahalaga siya para sayo." Explain ni Ate.

At sa di malamang dahilan, binili ko siya.

Nikko's POV

5 Minuto na nagsisimula yung klase pero wala parin si Mandy saan naman kaya nagpunta yon? Maya maya nagulat ako ng biglang dumating si Mandy na hingal na hingal. Nagbow siya at nagsorry sa prof namin. Pumasok naman siya pero hindi siya tumitingin sakin. Ano kayang nangyari sakanya?

Natapos narin yung klase at niyaya ko si Mandy kumain.


"Tara!" Sabi niya habang nakangiti. Ano meron sakanya bakit parang sobrang saya niya?

Habang naglalakad kami papuntang canteen ay di talaga maalis sa isip ko kung bakit ganyan si Mandy iba yung galaw niya, yung galaw na masaya.

"Ah Nikko mag cr lang ako. Hintayin mo nalang ako sa may locker mo." Sabi niya habang nakangiti.

"Osige."

Dumiretso ako sa may locker ko at nagulat ako ng may nakadikit na candy dun sa locker ko. Kinuha ko yun, kanino naman galing to?

"Huy!" Napatalon ako sa gulat kay mandy, nakangiti parin siya.

"Nagustuhan mo ba?" Nagulat ako.

"S-sayo galing to?" Tumungo siya habang nakangiti. Tapos may nilabas din siya mula sa kamay niya na nakatago sa likod. Isang candy din.

"Matchy tayo! Tara kain na tayo!" Tapos hinila niya ako pauntang canteen. Hanggang ngayon ang gulo parin ng nangyayari. Ang gulo parin ng isip ko.

Pero, isa lang ang alam ko, pinapasaya ako ni Mandy.

Dear the one, Please stay.Where stories live. Discover now