Dear, THE ONE - 10

810 11 1
                                    

Nikko's POV

"Tapos nikko ang lamig sa labas kanina habang naglalakad ako at wala pa akong dalang jacket!" Tuloy tuloy na kwento ni Mandy. Nandito kami ngayon sa may library. Nakangiti lang ako sakanya. Tinignan niya lang naman ako.

"Bakit ba kanina ka pa nakangiti diyan sakin?"

"Eh bakit ikaw kanina ka pa masaya?" Balik ko na tanong ko sakanya.

"Masama ba maging masaya?"

"Masama rin ba ngumiti?" Tapos inirapan niya ako. Ito talagang babaeng to. Pinisil ko naman yung ilong niya.

"Aray! Ang sakit ha!" Tapos tumawa lang kami parehas.

"Ah nikko, mauna na pala muna ako ah? May kukunin lang ako sa music room." Ngumiti ako sakanya at tumungo.

"Ingat ka."

"Diyan lang naman ako pupunta no." Nag psh siya tapos umalis tumawa nalang ako. Tinignan ko ulit yung candy na binigay sakin ni Mandy inikot ikot ko ito at pinagmasdan. Ngumiti ako. Sobra mo akong pinapasaya mandy.


Mandy's POV

Pumunta akong music room para kumuha ng music sheet. Nagbabalak kasi ako sumulat ng kanta ewan ko wala lang. Naalala ko yung Singing Audition kami nga pala ni Tyrone yung nakapasok dun pano na kaya yon?

Nakarating ako ng music room ng bigla akong makarinig na kumakanta. Si Tyrone. Sinilip ko siya. Nagppiano siya habang kumakanta ng Dreaming Dream [kim soo hyun] Na lagi niyang kinakanta tuwing patapos na ang concert niya. Lagi niya itong kinakanta kasi ngayon hindi parin siya makapaniwala na kahit ang daming tumutol at humadlang sa mga pangarap niya ngayon ay naabot na nya to at may mga pangarap parin siyang gustong abutin.

Nagulat ako ng biglang bumukas bigla yung pinto. Nanlaki ang mata ko. Si Tyrone.

"What are you doing?" Tanong niya..

"Ah kukuha lang kasi sana ako ng music sheet. Sige una na ako." Tapos nag bow ako sakanya. Pero pinigilan niya ako.

"Mandy."

"Bakit?" Nagbuntong hininga siya sa akin.

"Are you mad at me?" Naguluhan ako bakit naman ako magagalit sakanya? Umiling ako sakanya.

"Bakit naman ako magagalit?"

"So, we can still be friends?" Biglang sumikip yung dibdib ko sa narinig ko. Pero diba dapat maging masaya ka mandy? Isa ka lang niyang fan dati tapos ngayon inaalok ka na niyang maging kaibigan mo. Ang swerte swerte mo nga mandy eh kasi ang daming tao diyan na gusto siyang makita tapos ikaw kaibigan ka niya.

Ngumiti ako sakanya. "Oo naman bakit naman hindi?" Ngumiti din siya.

"Really?" Tumungo ako ng mabilis.

"I'm so happy to hear that." Ngumiti ako sakanya.

Nagbow ako sakanya. "Sige mauna na ako." Tumungo naman siya.

Friends? Siguro nga mandy hanggang dun nalang yon. Dapat nga magpasalamat ka dun mandy eh kasi kinaibigan ka pa ng Isang Tyrone Knight. Ang totoong mga bagay naman talaga sakanya ay yung mga katulad ni Cindy. Tama Mandy.

Bigla naman nagvibrate yung phone ko. Kinuha ko ito at tinignan. Si Nikko. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Sobrang bait sakin ni Nikko kaya masasabi ko na siya yung isa sa mga pinakamahalagang tao sakin.

Kumuha ako ng Music sheet at dumiretso na sa klase pagkarating ko dun ay nakita ko na nakatingin sakin si Nikko ngumiti nalang ako sakanya. Umupo ako sa may upuan at nilapag ko yung music sheet ko sa di malamang dahilan nagsusulat ako ng kanta.

Mabilis natapos yung klase at nagulat ako na parehas lumapit sakin si Tyrone at Nikko.

"Anong kailangan mo kay Mandy?" Tanong ni Nikko kay Tyrone. Tumingin ako kay Nikko.

"Ah nikko, okay lang." Tapos tumingin ako kay Tyrone. "Bakit?" Tapos tumingin tingin siya sa paligid na parang nag iisip.

"Y-yung Singing contest natin malapit na." Naalala niya pa pala yun.

"Sige bukas mag-usap tayo." Tumango lang naman siya. "Sige bye."

Tapos umalis na kami ni Nikko.

"Mandy?" Humarap ako kay Nikko.

"Wag ka mag alala nikko, okay na sa akin okay na okay!" Nag okay sign ako sakanya at ngumiti. Ngumiti din siya sakin at ginulo yung buhok ko.

"Masaya ako kung ganon."


Tyrone's POV

Pagkaalis nila Mandy ay sinundan ko sila. Nagulat ako ng huminto silang dalawa kaya nagtago ako.

"Mandy?" Tawag ni nikko. Humarap naman si Mandy kay nikko.

"Wag ka mag alala nikko, okay na sa akin okay na okay!" Pagkarnig ko nun ay para bang bigla ako nakaramdam ng lungkot. Ewan ko kung bakit.

"Masaya ako kung ganon." Sagot ni nikko kay mandy at umalis na sila na para bang naiwan ako.

Teka Tyrone, Ano bang pinagsasasabi mo? Naiinis ako. Naiinis ako sa di malamang dahilan. Dumiretso na ako sa may sasakyan ko mabuti nalang walang fans dahil sa iba na nagpapark sila Sir Mark.

"Oh may problema ba rone?" Umiling nalang ako at sumakay sa sasakyan.

"May endorsement shoot ka ngayon tyrone remember?" Tumango lang ako sakanya. Ewan ko ba pero ang init talaga ng ulo ko ngayon.

Mabilis lang yung byahe at nakarating na agad kami dun sa venue ng photoshoot..

"Rone may problema ba? Pansin ko knina ka pa tahimik."

"Wala naman po pagod lang." Tumango lang naman si Sir mark.

Pumasok na ako at nagsimula na mag shoot. Hanggang kailan ko ba gagawin to? Minsan nakakapagod nadin. Oo nasanay na ako lalo na sa mga negative comments nila about sakin pero minsan nakakapagod din.

"Tyrone!" Napalingon ako kung sino yung tumawag sakin.

"Oh cindy, bakit ka nandito?" Nagpout naman siya sakin.

"Hindi mo ba ako namiss?" Napakunot yung noo ko dun. Actually wala naman talagang samin ni Cindy eh. Puro issue lang makita lang kami magkasama may ganap na samin.

"Ano bang meron cindy?"

"I'm just here to ask you out. Let's eat dinner please." Nappabuntong hininga naman ako kay Cindy.

"Cindy alam mo nama—" napahinto naman ako ng bigla ulit siyang nagsalita.

"PLEASE?" Wala na akong nagawa kaya pumayag na ako sakanya.

Dear the one, Please stay.Where stories live. Discover now